KABANATA XXXIV

15 3 1
                                    

KABANATA XXXIV
•"YOU'RE ONE OF US" •

"M-MISTRESS Gretha?" naiusal ng katabi ko kaya taka ko syang tinignan. M-mistress?

Seryoso namang tumingin sa gawi namin yung babae at nang mapako ang tingin nya sa katabi ko ay napa ngiti sya ng makahulungan. Kaya nag taka naman ako—w-wait? Magkakilala sila?

"I'm glad you remember me" ani nya. "Young Lorthus" dugtong nya. Nag palipat lipat naman ako ng tingin sa kanilang dalawa. So kilala talaga sya ni Yuei.

"M-mistress!" At nagulat nalang ako dahil bigla syang napa tayo at yumuko. Pero ang mas nagpagulat pa sakin ay nang hilain nya ako patayo at pwersahang iniyuko ang ulo ko kaya naman napa daing ako dahil sa sakit. Narinig ko pa nga ang mahinang tunog ng buto ng leeg ko na para bang nag crack.

Agad kong tinanggal ang pagkakahawak nya sa ulo ko at agad na inangat ang ulo ko para himasin ang masakit kong leeg. B-bwisit yun ang sakit!

Nang maayos ko na ang leeg ko ay inis kong binalingan ang may sala pero naka yuko parin pala sya.

"That's enough Lorthus. You may now sit" utos nya na agad namang sinunod ni Yuei. Okay?

Dahil naka upo na si Yuei kaya napa upo narin ako at nang lingunin ko sya ay naka focus lang ang kanyang tingin doon sa babae na tinawag nyang mistress. Bigla tuloy akong nahiwagaan kung sino ba talaga sya at kung bakit ganon nalang ang pag galang na ginawa ni Toro dahil parang hindi naman nya ginagalang si headmistress na sya mismong nanay nya.

Naupo sya sa katapat ng upuan na inuupuan namin at umupo naman sa tabi nya si Justice na kagaya ko ay mukang wala ring alam kung ano ang nang yayari.

"I'm glad na ikaw ang naka hanap sa kanila Justice" panimula nya habang masusing naka tingin samin.

"M-mistress h-how did you get her—" di na natapos ang sasabihin ni Yuei nang mag salita si Mistress Gretha.

"It's a long story Hyades" pag puputol nya sa sasabihin ni Yuei. Muntikan ko nang makalimutan na second name pala ni Yuei ang Hyades.

"Toro sina ba sya?" Tanong ko kay Yuei gamit ang isipan ko dahil nag mumuka na akong tanga dito kakaisip kung ano ba ang koneksyon ni Yuei sa kanya at bakit ganon nalang kung galangin sya ni Yuei.

"She's one of the legendary and she's part of the council. And she's also the sister of my grandfather" paliwanag nya kaya napa tango naman ako pero kalaunan din ay nag taka. Kung parte sya ng council bat sya nandito sa mundo ng mga mortal?

Tatanungin ko na sana si Yuei kung hindi ko lang napansin ang pag tingin sakin ni Mistress Gretha kaya napa lunok ako. Ganito pala talaga kapag nakakaharap ka ng mga legend. Sa aura palang na dala nila ay masasabi mo na kung gaano sila ka makapangyarihan.

"You didn't tell me that you're already married" napa iwas naman ako ng tingin habang narinig ko naman na napa tikhim si Yuei. P-pano nya nalaman?

"Sana pala nakapunta ako sa wedding nyo" may tampo sa tono nyang sabi habang ako ay hindi parin maka tingin ng diretso sa kanya. Bakit ba kasi hindi pa napapawalang bisa tong kasal na to?

"Granny Gretha, it's not the right t-time to talk about that" suway sa kanya ni Yuei. "And besides may isa pa kayong dapat ipaliwanag. Kung totoo ba ang sinabi nya samin" turo nya kay Justice. Napa hinga naman ng malalim ang matanda bago sumagot.

"Oh ano ba ang sinabi ng apo ko?" Tanong nya at binalingan si Justice ako na ang sumagot sa tanong nya.

"He told us that he's the Descendants of the Libra" sagot ko. Napa lingon naman sya sa katabi nya na si Justice at binalingan nya kami ng tingin ulit.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Where stories live. Discover now