KABANATA XLVIII

17 4 0
                                    

KABANATA XLIX
•THE FOURTH DESCENDANTS•

THIRD PERSON'S POV

HABANG NAKA SAKAY SA karuwaheng pang himpapawid ay hindi mapigilan nina Scium at Caper na mag palipat lipat ng tingin. Alam nila na dapat nilang bantayan ang dalawang kasama nila dahil alam nila na mainit parin ang dugo ng kanilang Captain kay Leo. Well kailan nga ba hindi?

"Quit staring at me like that idiots. It's iritate me." Masungit na sabi ni Leo at itinuon ang tingin sa bintana ng karuwahe. Nagkatinginan naman ang dalawa at sabay na napa lunok. Sa tagal na kasama nila ang kanilang Captain at si Leo ay alam nila kung kailan lang pwedeng mag biro at kung kailan talagang mapapasama sila.

"Sabi ko naman kasi sayo." Sermon ni Scium. Kaya pinalakihan sya nito ng mata.

"Loko! Bat ako?" Naka turong sa sarili na tanong ni Caper.

"Shut up you two." Napa tahimik naman sila ng sawayin sila ni Leo.

Pinandilatan naman nina Scium at Caper ang isa't isa at kulang nalang ay magpa lakihan sila ng mata. Mag sasalita pa sana si Scium pero agad silang napa hawak sa bagay na pinaka malapit sa kanila ng malakas na umuga ang kalesang kanilang sinasakyan. Maging ang kaninang naka pikit na si Yuei ay agad na napa mulat.

"What's happening? I mean. Anong nang yayari?" Agad na usisa ni Leo. Ang mga mabababang uri kasi ng Sancire ay hindi marunong ng salita ng isang maharlika (english) liban nalang kung nag aaral ito sa akademya. Pero piling mag aaral lang ang nakakapasok sa akademya. Kung ikaw ay may kaya at liban nalang din kung ikaw ay isang iskolar.

"K-Kamahalan. A-ang ating karumata ay umuga." Napa pikit nalang sa inis si Leo habang napa bungis ngis naman ang dalawa. Hindi nga nila alam ang ibig sabihin ng karumata dahil masyado itong malalim. Pero agad naman nilang napag tanto na karuwahe ang ibig sabihin noon.

"Oo alam ko na umuga ang kalesa. Pero sa anong dahilan?" Pilit na pinipigilan ni Leo ang mag taas ng boses. Kahit papano naman ay may respeto pa sya. Lalo na sa mga matatanda. Wag nga lang sagarin ito. Lalo pa't ngayon na talagang mainit ang ulo nya.

Napa yuko naman ang kutsero dahil sa hiya. Isang kahihiyan para sa isang tulad nya ang ginawa nya.  "Paumanhin mahal na prinsipe. May bumangga po kasi sa sinasakyan natin. Isang dragon." Paliwanag nya. Napa hinga naman ng maluwag ang mga nasa karuwahe dahil sa sinabi ng kutsero.

"Akala ko talaga babagsak tayo." Naka hawak sa dibdib na sabi ni Scium.

"Liligawan ko pa si Sai at mag papakasal pa kami kaya hindi talaga pwedeng mamatay ang gwapong ako." Naka tingin sa kawalang sabi ni Caper. "Aray." Agad na napa daing si Caper ng sikuhin sya ni Scium kaya sinamaan nya ito ng tingin. Pero pinandilatan lang sya nito ng mata. Kaya napa kunot ang noo nya. Pero pasimpleng nginuso ni Scium ang dalawa pa nilang kasama.

Dahan dahan naman na napa lingon si Caper kay Leo at napa lunok sya dahil sa sama ng tingin nito sa kanya. Napa iwas naman sya ng tingin pero agad naman nyang nakasalubong ng tingin ang ngayon ay kulang nalang ay mag apoy ang mata dahil sa sama ng tingin—ang kanilang Captain. Kung kanina ay sobra sobra ang kanyang ginawang pag lunok, ngayon naman ay parang isang pakwan ang nalunok nya dahil sa kaba.

"A-ah s-syempre naman i-invited kayo sa kasal—aray." Hinimas nya uli ang tagiliran nya ng sikuhin na naman sya ni Scium.

"Quit fantasizing someone that will never be yours Dexailan. Know your place." Naiiling na sabi ni Leo at itinuon ang paningin sa bintana. Napa iwas naman ng tingin si Caper.




"NANDITO na po tayo." Anunsyo ng kutsero matapos maka lapag ang sinasakyan nilang kalesa. Agad naman silang nag sibabaan at agad na sumalubong sa kanila ang malamig na hangin. Marahil ay dahil papasikat na ang araw nang maka rating sila sa Hydōr.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon