KABANATA LIV

15 2 0
                                    

KABANATA LIV
•UNREACHABLE•

Third person's POV

DAHANG DAHANG iginalaw ni Saigie ang kanyang daliri at agad namang napukaw ang atensyon ng reyna ng makita ang nang yari.

"Unti unti na syang nag kakamalay. Tawagin mo ang mang gagamot Kinos" mahinhin nyang utos pero hindi nya maiwasang hindi mag alala lalo pa't may kung ano syang nararamdaman sa dalaga.

"Opo mahal na reyna" agad na sabi ni Kinos at agad na lumisan sa silid na pinag dalhan kay Saigie.

Sa kabilang banda ay unti unti namang nag mulat ang mga mata ni Saigie. Agad na bumungad sa kanya ang nag aalalang muka ng reyna.

"N-nasaan ako?" Namamaos na tanong nya. Hinawakan naman ng reyna ang kanyang buhok at marahan na hinaplos na para bang babasagin.

Sasagutin na sana ng reyna ang tanong nya nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang may katandaang babae na sa tingin nya ay isang mang gagamot batay sa suot nito pero napako ang kanyang paningin sa kasama nitong lalaki na may katangkaran at may kaputian ang balat. May pagka singkit ang mata nito at may matangos na ilong. Maganda at lalaking lalaki ang hugis ng kanyang labi at parabang hinulma ng isang Diyos ang kanyang panga dahil sa magandang hugis nito. Sa tanya ni Saigie ay mukang mas matanda ito ng apat o limang taon sa kanya.

"Nandito na po ang mang gagamot mahal na reyna" dahan dahang napa tango ang reyna at binalingan uli nito ang ngayon ay sumusubok na tumayong si Saigie bago sya tuluyang tumayo sa upuan na nasa kama na kinahihigaan ng dalaga. Pero nanatiling naka tingin lamang si Saigie sa lalaki.

Agad syang nabalik sa realidad ng maramdaman nya na nay humawak sa kanyang pulso. Nabaling ang paningin nya sa matandang mang gagamot na ngayon ay sinisipat at pinakikiramdaman ang kanyang pulso. At ilang sandali pa ang itinagal nito bago marahang bitawan ang pulso ng dalaga at napa yuko sa reyna.

"Maayos na po ang kanyang pag hinga. Marahil ay nawalan sya kanina ng malay dahil sa emosyon kaya nahirapan syang huminga" paliwanag ng mang gagamot. Napa tango naman ang reyna at sinenyasan ang mang gagamot na umalis. Samantalang hindi pa lubusang maintindihan ni Saigie ang nang yayari kaya wala sa sariling napa tanong sya.

"N-nasaan ako?" Agad na tanong nya at sinubukang bumangon pero nagulat sya ng pigilan sya ng lalaki na kasama kanina ng mang gagamot. At tinulungan sya nito na maka upo sa malambot na kama.

"Nasa kwarto ka namin ng aking asawa Saigie" ang reyna na ang nag abalang sumagot sa katanungan nya. Habang si Saigie naman ay sandaling napa tulala.

SAIGIE'S POV

HOLY SHT!

Nang tuluyan nang ma prosesa sa utak ko ang narinig ko ay agad akong naka ramdam ng pagkailang at hiya. Geez! A-anong ginagawa ko dito nakakahiya!

"P-pasensya na s-sa abala k-kamahalan. S-salamat aalis na a-ako—"

"Hindi Saigie. Wala iyon. Mag pahinga ka muna at wala naman sakin iyon. Mabuti nalang talaga at natulungan ka ni Kinos. Tatlong oras ka ring naka tulog." mahinhin nyang paliwanag sabay baling sa lalaking nasa tabi ko kaya napa kunot ang noo ko at binalingan uli ang lalaki at nang mag tama ang kanilang mata ay biglang kumirot ang ulo kaya napa hawak ako dito Drn! Parang pinupukpok ang ulo ko!

'Serafina'

Iniling ko ang aking ulo ng may narinig akong boses sa isipan ko at nang mawala na ang sakit pag kirot ay agad kong iginala ang paningin ko at hinanap kung nandito ba si—nevermind.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Where stories live. Discover now