KABANATA XXXIII

16 4 20
                                    

KABANATA XXXIII
•HANNA EHRITZ HEIRP (part 2)•

SOMEONE'S POV

NAG mamadali akong umalis papunta doon sa madilim na eskinita kung saan nakilala ko yung babae at lalaki. Para silang mga aliens dahil sa mga inaasta nila. Akala ko nga kanina tuluyan nang sinakop ng mars ang earth.

Pero infairness ang ganda at gwapo nila. Gusto ko nga silang isako tapos ibenta. Char. Ganito na nga ata ang epekto kapag nakakakita ang mga maganda at gwapo. Lalo na yung si miss white lady para akong ma-totomboy sa kanya. Lalo na dahil sa kulay ng balat nya. Para syang lumaklak ng sangkaterbang gluta. Nahiya tuloy ako.

Muntikan na nga din akong maniwala sa prank nila. Yung acting kasi nila eh parang totoo. Kaso pasalamat nalang sila dahil na-scam na ako ng ex kong pinaglihi sa dumi ng mga dumi. Walang hiya yun ang kapal ng muka! Akala nya kung sinong gwapo. Ako namang tanga eh ayun naloko. Sino ba naman kasi ang hindi maloloko non eh ang galing mag panggap bakit ba kasi nya na-tripan na jowain ako sana sumali nalang sya sa PBB at least doon baka sumikat pa sya. Pa-sad boi sad boi pa sa fb ang walang hiya!

Siguro nga kung may labanan lang sa pagiging tanga ay ako na ang mananalo baka nga ipa lagay pa yun sa mga nag lalakihang billboard tapos naka balandra doon ang muka ko at naka sulat doon ang pangalan ko 'HANNA EHRITZ HEIRP the dakilang tanga/assuming/marupok ng bayan'

Napa iling nalang ako sa oras habang inaalala ko ang mga ginawang pang loloko sakin nong ex kong nahuli sa human evolution at hanggang ngayon ay kaka evolve palang mula sa pagiging Ape at hanggang ngayon ay na-stock parin sa pagiging Homo erectus. Langyang unggoy yun.

Mas binilisan ko ang pag lalakad baka mamaya salubungin na ako ng walis tingting ni mama kapag hindi pa ako umuwi. Buti na nga lang at nakipag breank na ako at kailan man ay hinding hindi ko na makakausap ni makakasama yung gag* kong ex dahil yun ang dahilan kung bakit palagi akong late na umuuwi sa bahay. Pano ba naman kasi kung hindi lang ako gagang nag paloko don baka sana marami na akong ipon. Hayop sya, late na nga akong nakakauwi sa bahay dahil palaging nag papalibre ng fishball at ako naman na pet lover kaya ayun palagi kong nililibre ayaw ko namang makasuhan ng animal abuse. Mag sama sila ng ex best friend kong ahas! Walang hiya sila! Lalo na yung ahas nayun. Akala ko pa naman tinutulungan talaga ako nong ahas nayun na hanapin kung sino ba ang kinakalantari nong gag* tapos malalaman ko kahapon na sya lang pala.

Natigil ang pag to-torture ko sa mga hayop dahil sa biglaang pag tunog ng cellphone ko na marami nang basag ang screen dahil isinampal ko yun doon sa ahas at unggoy buti nalang hindi pa sya nag re-tire. Buti pa tong cellphone ko at kami stay strong mas nag tagal pa relationship namin kaysa doon sa gag* na di nga kami tumagal ng isang buwan.

Agad kong nakita ang notification sa fb ko. Marami na pala ang mga nag react sa mga shared post ko.

Inisa isa ko ang mga pangalan ng mga reactorsssss ko at bigla namang naningkit ang mga mata ko ng makita ko ang isang like. Ano ba naman to? Kita na ngang nakakatawa yung shi-nare ko tapos i-lalike nya? Yung totoo manhid ba to!

Nag patuloy ako sa pag lalakad habang hawak hawak ko parin ang cellphone ko. At dahil master ko na kung pano mag lakad habang nag ce-cellphone kaya naman ay hindi ako natitisod. Tyaka mag papatisod nalang ako kapag mag gwapong lalaki na dito na handa akong saluhin.. landi mo selp

Nang maka rating ako sa bahay ay hindi muna ako pumasok hanggang hindi ko pa natatanaw si mama na may dalang walis dahil alam ko naman na kanina pa naiirita yun. Pero ilang segundo pa ang lumipas ay walang lumabas ni anino ni mama. Baka naman good mood sya. Ang swerte mo talaga ngayong araw na to Hanna.

Dahan dahan akong nag lakad papasok sa bahay pero ganon ganon nalang ang pag kagulat ko ng kaagad na sumalubong sakin ang muka ng isang babae na mukang may katandaan na. Pero kumpara kay mama ay mas maganda naman ang babaeng to de joke lang. At mukang mayaman muka yatang isa to sa mga inutangan ni mama big time ata eh. Wews! Anong nakain ni mama at hindi sya nagtago?

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon