KABANATA VIII

26 4 0
                                    

KABANATA VIII
•THE ARCHER'S DAY•

Napapikit nalang ako ng mariin dahil sa sunod sunod na tanong ni Haidie. Bakit ba kasi ang ingay nya arrghh!

"Woi shege na! Ano ba kasi ang nangyari at bakit ka tinawag ni Kambing na Abhor?" Tanong nya sakin at dahil hindi ko pa sa kanya sinasabi ay kinukulit nya ako at ang mas masaklap pa ay hinihila hila nya ang braso ko kaya sa tingin ko ay unat na unat na yun.

"Pleash!" Pag mamakaawa nya at yumakap yakap pa sa braso ko. Pinaka ayaw ko talaga sa lahat ay ang ganitong pangungulit. Naaalibadbaran ako!

"Sige na Gie-Gie ko. Hmmm"

"Please Gie-Gie"

"Love kita diba? You know that and love mo rin ako"

"Gie-Gie were best friend kaya dapat alam ko ang life mo at ganon ka rin sakin. Tyaka willing naman akong mag share eh"

"Please." napa ikot nalang ako ng mata muka yatang hindi sya titigil hanggang hindi ko kinu-kwento sa kanya.

"Fine" pag suko ko and she made a wide grin.

"Kyahhhhh! I knew it!"

At nag simula na nga akong mag kwento tungkol sa naging buhay ko. Ikinuwento ko sa kanya ang mga masasaya at mapapait na ala ala mula sa pamilya ko. Habang nag ku-kwento ako ay pinipigilan ko na hindi tumulo ang mga nag babadya kong luha dahil habang kinu-kwento ko sa kanya yun ay agad kong naaalala ang lahat na para bang kahapon lang nangyari yun. Na para bang kanila lang ay kasama ko pa sila at sa isang iglap ay bigla nalang nila akong iniwan.

Ikinuwento ko rin sa kanya ang ginawa ng mga Sancire sakin. At nang lingunin ko sya ay umiiyak na sya at nag pupunas ng luha habang sumisinghot singhot pa. Ng mapansin nya na tinignan ko sya ay agad naman syang nag peace sign at ngumiti kahit na marami paring luha na nasa kanyang mga mata.

"Ah hehe sorry na carried away lang. Ikaw naman kasi eh. Bakit ba nakakaiyak yang life mo. Pati tuloy ako naiyak" sabi nya kaya napa ngiti nalang ako. Pangalawang beses ko to sa pag ku-kwento ng buhay ko at gaya nong una ay naramdaman ko nalang na para bang ang gaan ng loob ko na parang may isang nilalang na na nakakaintindi sakin. Na handa akong damayan.

"Ayyiiie ngumiti sya. Err pero wag na tayong mag dramahan okay?" At niyakap nya ako kaya ginantihan ko narin sya ng yakap ang gaan ng pakiramdam ko dahil sa ginawa nya.

Nang kumalas kami sa pag yayakapan ay nginitian nya ako kahit na nag pupunas pa sya ng luha.

"Okay ako naman ang mag ku-kwento" excited nyang sabi at nag simula na syang mag kwento.

"Taga Hydōr ako at marami akong kolesyon ng kabibe, shell at perlas. Well yung mga perlas na mga koleksyon ko ay ibinibigay ko kay Pristine—" napa face palm nalang ako sa kwento nya. Wala naman akong interes sa mga ganon.

"Uhmm Haidie. Pwede bang i-kwento mo nalang kung pano ka napunta dito sa Academy?" Dahil sa sinabi ko ay napa tango naman sya.

"Okay. Uhm since 6 years old ako ay nag aral na ako sa academy. Ang mga magulang ko ay isa sa mga pinaka mayaman sa Syudad ng Hydōr." Pag sisimula nya. Taga hydōr pala sya. Ang hydōr ay nakita ko lang sa mapa na naka ipit sa isa sa mga libro ni kuya Lanster. At ang mga naka tira lang doon ay ang mga Sancire na may elemento ng tubig sila lang ang Sancire na may sariling bayan liban nalang sa mga katutubo na naka tira sa mga bundok.

"Hanggang sa nong mag junior high ako ay may lumitaw na propisiya at doon ay hinahanap nila ang 12 DESCENDANTS OF THE ZODIAC CONSTELLATION at nalaman nila na isa ako sa mga yun" dahil sa sinabi nyang yun kaya nag focus na ako sa pakikinig sa mga sinasabi nya.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon