KABANTATA XXII

22 2 0
                                    

KABANATA XXII
THEY'RE BACK

KULANG nalang ay kainin ko pati ang pinggan dahil sa sobrang gutom na nararamdaman ko. Ikaw ba naman kasi matulog ng isang araw tapos hindi ka pa nakain.

"Woah Gie dahan dahan lang di ka naman mauubusan eh" hindi ko nalang pinansin ang pag dadaldal ni Haidie dahil naka tuon lang ang atensyon ko sa pagkain.

"Pero teka nga lang mag kwento nga naman kayo kung bakit nyo naisipan na sugurin kami Castor, Pollux" naka taas kilay na tanong sa kanila ni Haidie at napa kamot naman sa batok si Castor habang si Pollux naman ay awkward na napa tawa.

"Akala kasi namin mga kalaban kayo eh" paliwanag ni Castor.

"Muka ba akong wicked witch?!" Ekstrahedang tanong ni Haidie. At narinig ko naman ang mga hagikhik ng kambal pati narin nina Scium at Caper.

"May nakakatawa?" Mataray na tanong ni Haidie sa kanila dahilan upang magsitahimik sila habang ako at naka tuon lang sa pagkain habang pinakikingan sila.

"Ah—sorry naman ate. Karamihan kasi sa mga dumadayo dito ay may masamang intesyon" pang hihingi ng paumanhin ni Pollux. Nagpatuloy na ako sa pagkain at ganon na din sila.

"Please make it fast. Kailangan na nating bumalik sa academy" bigla namang uminit ang ulo ko ng marinig ko ang boses nya. Kapag talaga ako mapuno dito sa Torong to isusupalpal ko sa kanya tong pinggan.

"Woi anong pupunta sa academy di naman ata kami papayag na hindi mag lakwatsya sa bayan no. Nabitin kaya kami" pag tututol ni Haidie na agad namang sinang ayunan ng nakararami. Ako rin gusto ko ring gumala sa bayan.

"Oo nga Captain tyaka minsan lang din naman tayo maka labas sa Academy kaya bakit hindi nalang natin sulitin" sabat ni Caper.

"Hmm gusto ko ring bumili ng mga tela" dagdag ni Pristine. At lahat ay kumontra sa ideya ni Toro.

"No and that's final" pinal na sabi nya at sumubo ng pagkain.

"Tch basta ako gagala at walang makakapigil sakin" bulong ko pero mukang narinig pa ata ako ni Toro at napa ismid sya.

"Bahala ka basta kapag may nangyaring masama sayo wala na kami doon at iiwan ka namin" at tinakot pa talaga ako nito ah.

"So?" Pang aasar ko sa kanya at nag patuloy na sa pagkain.

"Ako rin sasama ako kay ate Saigie!" Napa tigil naman ako sa pagkain ng marinig ko ang itinawag sakin ni Pollux at napa lunok. May naalala kasi ako.

"Sama din ako!" Magiliw na sabi ni Castor.

"Hindi naman pwedeng kayo lang ang mag saya no. Kaya sasama narin ako" sabi ni Haidie. At halos magkasabay naman na mag salita sina Scium at Caper.

"Sorry Captain pero ayaw ko namang mamatay sa ingit kaya sasama din ako." Sabi ni Caper.

"Wala namang akong paki kung magalit ka at kanina ko pa ding naiisip na gumala sa bayan" ani ni Leo kaya napa ismid ako at binigyan ko ng pang asar na tingin ang toro. Hindi naman naka ligtas sa paningin ko ang kanyang pag irap.

"Tch. I don't care after all but I know that mom wil get angry because of this. At kapag sakin nya ibinunton ang galit nya, ikaw ang sisihin ko Archer" at matalim pa nya akong tinignan pero ginatihan ko lang sya ng irap. Akala nya siguro matatakot na ako sa kanya. Dream on!

"Whatever wala naman akong pake sayo Toro" ganti ko sa kanya.

"Yes! Finally makakagala tayo!"

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Where stories live. Discover now