KABANATA XI

24 4 1
                                    

KABANATA XI
•THE DESCENDANTS OF THE ZODIAC SAGITTARIUS•

Naramdaman ko ang biglaang pagbabago ng pakiramdam ko at sa isang galaw lang ay naka punta na ako sa harapan ni Yuei ng walang kahirap hirap. At napaka bilis non. So I caught him off guard.

Pero inaakala ko na masusugatan ko sya dahil sa tira ko pero hindi pala dahil nahawakan nya ang kamay ko na naka hawak ng palaso na nag aapoy. Inikot nya ang kamay ko patalikod at itinutok nya sa leeg ko ang espada nya. Pero dahil nasa likod ko ang kamay ko na naka hawak ng palaso ko at saktong nasa likod ko rin sya kaya nagawa ko syang sugatan gamit ang palaso ko. Agad naman syang napa daing at dahil doon ay naka alis ako mula sa pagkakahawak nya.

"You'll pay for what you did b*tch!" Nangangalaiting sabi nya at umayos ng pag kakatayo.

"Make me" nang aasar kong sabi sa kanya. Naririnig ko narin ang mga komento ng mga nanonood samin.

"Off course. I'll make you pay." At doon ay pinaapoy nya ng kanyang braso hanggang sa dulo ng kanyang espada. At dahil sa ginawa nya ay maraming napasinghap. Napahigpit naman ako ng pagkakahawak sa palaso.

Susugurin na sana nya ako pero agad kong hinila ang string ng pana ko at gaya ng kanina ay may hugis ng enerhiyang palaso papunta sa direksyon nya pero parang wala lang yun sa kanya dahil sinangga lang nya yun ng kanyang espada.

Naka rating sya sa harapan ko at sinugod ako gamit ang kanyang nag aapoy na espada pero sinangga ko lang yun gamit ang nag aapoy kong pana. At nang nakakalayo ako sa kanya ay mabilis ko syang inaasinta ng palaso pero syempre lahat ng palaso na tumatama papunta sa kanya ay nasasalag at naiiwasan lang nya yun.

Inasinta ko sya ng tatlong palaso at ang mga palaso na yun ay napunta sa ibat ibang direksyon nya. At yun ay ang naka kuha ng atensyon nya at hindi nya namalayan na nakapunta na ako sa likuran nya at doon ay tinutukan ko sya ng palaso. At hindi naman sya naka galaw agad dahil natamaan sya sa balikat ng pinakawala kong palaso kanina.

"Gotcha" naka ngisi kong sabi sa kanya. Ilang segundo din kaming nasa ganong posisyon hanggang sa naramdaman ko na umatras sya kaya wala na akong nagawa kundi ang umatras pero nagulat ako dahil biglang nagsalita si Master Andrev.

"Tauei Hyades Lorthus win" napa awang ako ng bibig dahil sa narinig ko.

"P-papano?" Narinig ko naman ang pag ismid ni Yuei.

"Tss is seems that you forgot the rule on how to win" at pagkatapos non ay binunot nya ang palaso na tumama sa balikat nya na hindi na pala nag aapoy ngayon at inilagay pa nya ang dalawa nyang kamay sa bulsa ng pantalon nya.

Doon ko nalang naalala na kailangan pala na hindi lumampas sa linya ng bilog. Hayst Saigie!

Naglakad ako papunta kina Haidie and they all give me a reassuring smile. Kaya pati tuloy ako ay napa ngiti.
Pero bago pa man ako tuluyang maka lapit sa kanila ay naramdaman ko na unti unting na de-drain ang enerhiyang meron ako at hanggang sa unti unti nang nilalamon ng dilim ang paligid ko.

NAGISING ako sa isang lugar na hindi ko kilala kong saan. Agad na sumalubong sakin ang puting kisame kaya agad akong napa balikwas ng bangon. Sh*t ano ba kasing nang yari?

Agad kong ginala ang paningin ko at napagtanto ko na wala ako sa dorm ko. Kung ganon nasaan ako?

"Omy! Gising ka na Gie" napa lingo ako sa kanan ko at agad kong nakita si Haidie.

"N-nasaan a-ako" hindi ko na mapigilang mautal dahil sa tuyo kong lalamunan. Agad naman nyang napansin yun kaya agad syang kumuha ng isang basong tubig at iniabot nya sakin at agad ko naman uung inisang lagok.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon