KABANATA XXIII

18 2 0
                                    

KABANTA XXIII
•THE LEGEND OF ABHOR•

"AHHH! bwisit na talaga kayo!" Muntikan ko nang mabitawan ang baso na hawak hawak ko nang marinig ko ang nangangalaiting sigaw Haidie na mukang nang galing pa ata sa kwarto nya.

"Hoy kayo bumalik kayo dito—arrgghhh!" Napa pikot nalang ako dahil sa tinis ng boses nya.

Inilapag ko ang baso sa counter at pupuntahan ko na sana sya pero nagulat ako ng may tumakbo papunta sa kusina at sina Castor at Pollux yun

"Hoy! Anong ginawa nyo sa pabango ko!! Arrgghhh!" Inis na sigaw nya at nag punta sa kusina at dahil nandito ata ang hinahanap nya at napatunayan ko yun ng mag punta sa likuran ko ang kambal.

"A-ate Haidie. Pag usapan naman natin to oh" pakiusap sa kanya ni Castor na nasa likuran ko.

"H-Haidie ano bang nang yayari?" Taka kong tanong sa kanya na namumula sa galit.

"Arrghh! Kausapin mo nga yan Gie. Huhu yung pabango ko!!!" Pamamaktol nya habang tinuturo pa ang dalawa.

"Pabango?" Taka kong tanong at napa tango naman sya.

"Yes. Huhu kinuha nila tapos ibinuhos sa mga halaman!" Parang batang nag susumbong na sabi nya kaya napa iling nalang ako at napa buntong hininga.

"Ate sorry na nga. Tyaka akala po kasi namin mas magiging mabango yung halaman kapag diniligan namin non" naka yukong sabi ni Pollux nang lingunin ko sya.

"Natural! Alangan naman maging mabaho eh pabango nga eh" naka hawak pa talaga si Haidie sa magkabilang bewang habang sinasabi yun.

"Haidie. Hayaan mo nalang sila. Nag aadjust pa sila dito okay?" Paliwanag ko sa kanya pero parang batang napa irap sya.

"Hmp! Kahit na! Huhu binili ko pa yun sa bayan eh" mangiyak ngiyak nyang sabi.

"Ate Haidie naman parang ang babaw mo. Di ka na bata. Kaya wag ka nang umiyak ng ganyan. Di bagay sayo. Kami na nga yung kinakabahan dahil baka tumulo ang uhog mo eh" dahil sa kantyaw ni Pollux kaya para tuloy nanlaki ang butas ng ilong ng Haidie at parang may usok na kumakawala doon hanggang sa napa sigaw nalang sya kaya napa takip ako ng tenga.

"Ahhh! Sinusubukan nyo talaga ako ha! Pwes humanda kayo!" Na ngangalaiti nyang sabi sabay habol kina Castor at Pollux na pinag tatawanan sya.

Isang linggo narin ang lumipas mula nang kami ay naka balik sa academy at nang maka apak talaga kami sa pintuan ng dorm ay nagkanya kanyang punta na kami sa mga kwarto namin dahil sa sobrang pagod. At dahil nga sina Pollux at Castor ay tumira sa Mt. Homos ay nag a-adjust pa sila sa paligid at ewan ko lang talaga kung nag kakataon lang o sinasadya talaga nilang inisin si Haidie dahil palagi silang pinapagalitan ni Haidie. Geez muka namang atang may bago na namang kaaway si Haidie pero syempre hindi yun naging dahilan para tumahimik ang dorm dahil nag babangayan parin sina Scium at Haidie. Muka yatang nature na nila yun.

"Saigie tara sabay na tayong mag punta sa cafeteria" napa lingon ako sa bagong dating na si Pristine. Naka handa narin pala sya sa pag pasok dahil suot suot na nya ang kanyang uniporme.

"Sige" at dinampot ko narin ang bag ko at sumabay sa kanya at iniwan namin sa loob ng dorm sina Hadie at ang kambal na nag hahabulan.

"Muka yatang si Haidie lang ang mahihirapan kakahabol doon sa dalawa dahil mukang hindi naman napapagod yung dalawa" komento ni Pristine habang nag lalakad kami papunta sa cafeteria na nasa dormitory building.

"Hmm. Tyaka marami narin ang nasisira nila sa dorm" dagdag ko. Dahil nga naman sa pag aaway nilang apat ay marami na ang nasisira sa loob ng dorm.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon