KABANATA II

44 6 0
                                    

KABANATA 2
•MEET THE CRUEL TAURUS•

"K-kuya!!"

Sa gubat na yun. Doon ko nasaksihan ang pagkamatay ng mga Abhor na tinuturing kong pamilya.

The GAUDIA is already fallen.

Wala na si kuya Lanster ang lalaking tumayong ama samin. Wala na si ate Albie ang babaeng tumayong ina sa amin. Wala na si Luie ang kuya kong palagi akong pinag tatangol. Wala na si Arzul ang bugok kong man liligaw. Wala na sina Kain at Kwain ang aming bunso.

"Ikaw nalang pala ang natira the Lady Of ARCUARIUS." Naka ngising sabi nong demonyong Heneral ng mga Sancire. Pero imbis na matakot ako at naiyukom ko nalang ang aking kamao. S-sya-sila ang may kasalanan kung bakit iniwan ako ng mga natitira kong mga pamilya. Hindi man sa dugo, kundi sa puso. Ang aking Gaudia ay wala na.

"Z's. Sa inyo ko ibiigay ang misyon. Kung sino ang maka huli sa nag iisang Archer ng Gaudia. May roon syang pitongpo'ng libong tael ng ginto na patong sa ulo." Anunsyo nya sa apat lalaki na iba ang kasuotan sa mga kawal na may coat at may kurbata at mukang magara ang kanilang mga kasuotan.

"Caper Dexailan, Leonis Mirdle, Scium Fisc Andromeda, at Tauei Hyades Lorthus. Hulihin nyo ang babaeng yan. At kung sino ang maka huli sa kanya ay magkakaroon ng pinaka malaking puntos." Utos nya at sabay sabay namang nag labas silang apat ng mga kapangyarihan at sandata.

Ang lalaking tinawag nya na Caper ay nag labas ng isang maso na napapalibutan ng mga bato at berdeng dahon.

Ang lalaking tinawag naman nyang Scium Fisc ay mayroong naka lutang na bolang tubig na may naka palibot na mukang kuryente ata dahil nag liliwanag ito.

Nakita ko rin ang lalaking sumaksak kay kuya Lanster na hinawakan ang kanyang espada na may dugo pa na galing kay kuya Lanster. Bigla itong napalibutan ng bato at mula sa kanyang braso hanggang sa dulo ng kanyang sandata bigla naman akong napa yukom ng kamao dahil sa galit.

Ang lalaki namang Tinawag nyang Tauei ay nag labas ng isang espada na napapalibutan ng din ng apoy. At ang kanyang matang walang emosyon ay naging pula ngunit napanatili parin nya itong walang emosyon. T-teka kung ganon ay sya ang pumatay kay Kain dahil sa apoy na kapangyarihan nya. Si Kain ay namatay hindi dahil sa mga palasong tumama sa kanya kundi dahil sa apoy dahil mahina si Kain sa mainit. Dahil sa galit na may roon ako ay hinawakan ko ng mahigpit ang palaso dahilan upang umapoy din ang aking pana dahil sa samo't saring emosyon na nararamdaman ko. Galit, lungkot, poot, at isa lang ang nais ko. Kahit na mamatay ako basta mamatay akong walang pag sisisi dahil sa huli ay lumalaban ako at nang lumalaban at kahit sa aking kamatayan ay hindi ko sila titigilan hangang sa sila mismo ang mag maka awa. Ipag hihiganti ko ang aking Gaudia. At ang aking mga kapwa Abhor na namatay dahil sa pang aapi ng mga Sancire.

"Bibigyan ko ng oras ang babaeng yan para tumakbo. At kung sino ang makakapagbigay saakin ng sa kanya buhay man o patay ay mag kakaroon ng pinaka malaking puntos. Ngunit syempre ay mas maganda kung buhay nyo syang mahuhuli upang kayo ang kusang mag pasya ng kanyang kamatayan sa harap ng mga Sancire" di parin mawala ang kanyang ngisi sa labi.

"Kaya Lady of ARCUARIUS ng mga Abhor. Tumakbo ka hanggang kaya mo" di parin mawala ang pang uuyam sa tono ng kanyang pananalita at sinenyasan nya ang kanyang mga demonyong kauri na tumabi at nag bigay ng daan upang maka layo ako sa kanila dahil ang nasa likod ko ay bangin na.

"Tumakbo ka. Bigyan mo naman ng konting pahirap ang mga natatangi natin Sancire. Patunayan mo na hindi ka tinawag na LADY OF ARCUARIUS para lang sa wala" napa ismid nalang ako dahil sa sinabi nya. Hindi-hindi talaga mapupunta sa aking ang titulong yun dahil lang sa wala.

"Kapag matapos akong mag bilang-ah kung yun ay alam mo kung ano ang pag bibilang ay masuwerte ka. Nakalimutan ko nga pala na isa ka lamang Abhor. Pero dahil myembro ka ng 'dating' Gaudia ay sigurado ako na alam mo kung pano ang mag bilang. Lalo na dahil nag hahangad pa kayo na maging kapantay kaming mga Sancire" hindi ko alam pero may ika iinis parin pala ako. Lalo na't pinag diinan parin talaga nya ang salitang 'dating' para lang ipamuka sakin na talagang wala na ang Gaudia. Mga wala silang kwenta! Pinagkait nila saming mga Abhor ang edukasyon. Ang nais lamang naming mga Gaudia ay ang maturuan ang mga Abhor pero kinokontra nila. Dahil nga ayaw nila na maging edukado ang tulad namin.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon