KABANATA XL

14 6 3
                                    

KABANATA XL
SUN RISE

MATALIM KONG tinignan ang lalaki na naka upo sa lapag at kalmadong naka sandal sa pader habang naka pikit. Ang sarap nyang sakalin

Napa yakap ako sa tuhod ko. Konti nalang talaga at mapag papasyahan ko na na mag pakamatay nalang kesa maka sama tong si Toro sa iisang lugar at worst ay sa isang maliit na kwarto pa. Tanging ilaw lang din kasi sa taas ang nag bibigay ng liwanag at hindi yun gaanong maliwanag. At sa tingin ko rin ay hindi ko magagawang gibain ang pader dahil mukang makapal yun. Hindi ko narin makita kung nasaan ang pintuan at kung saan banda ba kami pumasok kanina. Bigla nalang kasing nawala ang pintuan nong sumara yun pagkatapos naming maka pasok dito.

Dahil wala naman akong magawa kundi ang patayin sa isip ko si Toro kaya napagpasyahan ko na ilabas nalang ang pana ko ng mapaglaruan ko yun. Pumikit ako at huminga ng malalim. Hinayaan ko na dumaloy ang mga enerhiya na kinokolekta ng katawan ko sa kapaligiran.

Pero ilang sandali pa ang dumaan ay wala parin akong nararamdamang kakaiba. Kaya napa mulat ako at tinignan ko ang kamay ko kung may hawak na ba akong pana pero wala kaya napa kunot naman ang noo ko. Mula naman nong binigay sakin ni kuya Lanster ang pana ay tinuruan narin nya ako kung pano gamitin at palabasin yun. At ngayon ko lang hindi nagawang palabasin yun kaya naman ay ganon nalang ang pag tataka ko.

Sinubukan ko uling palabasin ang pana ko pero wala paring nang yayari. Huminga muna ako ng malalim at maski pala pag hinga ko ay naririnig narin dito. Pinikit ko uli ang mga mata ko pero kagaya ng nang yari kanina ay wala parin. Napa higpit ako ng hawak sa kamay ko.

"Kahit anong pilit mo pa ay hindi mo magagawa na gumamit ng magikē." Narinig kong sabi nong Toro kaya napa mulat ako at agad na sumalubong sakin ang kanyang muka na nasa isang sulok ng detention room na naka pikit parin. Kakaiba rin talaga ang talas ng pakiramdam nito. Oo nga naman pala madalis nga pala sila dito ni Leo kaya hindi na ako mag tataka kung pati yun ay alam nya.

At dahil sa sinabi nya kaya wala na akong nagawa kundi ang isandal ang baba ko sa tuhod ko. Pero maya maya pa ay napa ngiwi ako. Darn! Oo nga napa may sugat ako sa braso. Kahit naman naka coat at long sleeves ako kanina ay tinamaan parin ang balat ko ng bubog. Bwisit kasi yung isa dyan. Sa rami nong pwedeng ihagis yun mesa pa.

Dahan dahan kong tinanggal ang suot kong coat at nang matanggal ko yun ay agad kong nakita ang long sleeve kong puti na ngayon ay naging pula na ang ibang bahagi. Ayaw ko namang hubarin din ang long sleeve ko dahil hindi lang naman ako ang nandito  at kahit na naka pikit yung Toro ay wala parin akong tiwala sa kanya. Oo nga may hitsura sya pero para sakin ay hindi sya katiwa-tiwala. Buti pa sana kung babae yan. Damit pang loob pa man din ang suot ko sa ilalim ng sleeve ko kaya di ko talaga pwedeng tanggalin. At ayaw ko pa man ding hawiin ang sleeve ng damit ko para talian ang sugat ko dahil nararamdaman ko na ang hapdi at may kasikipan din kasi ang sleeve ng uniform namin.

I just ripped my sleeve. At napa ngiwi naman ako ng masagi ko ng konti ang sugat ko. Napa kagat ako sa ibabang labi ko ng makita ko na may mga bumaon pang maliliit na bubog sa sugat ko. D*mn! It hurts like hell.

Halos pati dila ko ay kagatin ko na para mapigilan ang sarili ko na hindi mapa hiyaw sa sakit ng dahan dahan kong bunutin ang bubog na naka baon sa braso ko. At maski pag hinga ko ay pigilan ko na. At nang lumipas ang ang segundo ay natanggal ko narin ang bubog. Lupay lupay akong napa sandal sa pader ng mabunot ko yun at nag hahabol ng hiningang sinapo ko ang dibdib ko. F-udge! Unang bubog palang yun pero halos mawalan na ako ng ulirat.

Nang manatili sa normal ang pag hinga ko ay binalingan ko uli ang braso ko na dumudugo. Napa hinga muna ako nang malalim bago ko mapag pasyahan na buntin uli ang iba pang bumabaon sa braso ko pero napa tigil ako ng maramdaman ko na may naka titig sakin at dahil wala namang ibang nandito kundi ako at si Toro kaya nilingon ko sya at tama nga ang hinala ko dahil nakita ko syang blanko ang mata habang naka titig sakin. Napa lunok naman ako at nag iwas ng tingin. Hindi ko alam pero sasimpleng pag titig nya ay may kakaibang hatid yun sakin. Geez dahil parin ba yun sa bond? Must be

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Where stories live. Discover now