KABANATA III

31 8 3
                                    

KABANATA III
WHAT'S THE PRISONERS COVETING FOR•

Napa ngiwi ako dahil sa nararamdaman kong hapdi at sakit. Dahan dahan akong napa mulat dahil sa sakit. Pagkamulat ko ay agad kong naalala ang lahat ng nang yari. Hindi ko alam kung sadyang manhid nalang talaga ako o talagang pagod na akong umiyak. Wala man lang akong maramdaman ni katiting na emosyon.

Sinubukan kong galawin ang aking mga kamay at paa. At narinig ko namang ang tunog ng bakal—kadena. Sa tingin ko ay naka kadena ang mga kamay ko sa likod at ang mga paa ko din. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at kadiliman ang agad na sumalubog sakin hanggang sa maka pag adjust ang paningin ko at may naaaninag akong konting liwanag.

Napansin ko na nasa isang kulungan ako dahil sa bakal na rehas na nakita ko. Muntikan pa akong mapa suka dahil sa amoy na para bang mga patay sa daga, panis na pag kain at masangsang na amoy na para bang may mga bangkay na narito at naaagnas na. Naka rinig rin ako ng mga mabibigat na yapak at pag hila ng mga kadena.

"M-maawa na po kayo! G-gutom na gutom na po ang p-pamilya ko—argh!" Napa pikit ako dahil kahit na hindi ako ang nakakaramdam pero ramdam ko parin ang sakit.

"T-tama na po! Kailangan ako ng pamilya ko! Hinihintay nila ako! Parang awa nyo na—argghh! M-may sakit ang anak ko!" Napa kagat labi ako dahil sa narinig ko. Wala silang awa!

Ilang oras pa ang itinagal bago tumigil ang pag mamakaawa nya. At sa bawat pag mamakaawa, hikbi, sakit at iyak nya ay may katumbas na hagupit ng isang sandata na sa tingin ko ay latigo. At sa bawat hagupit ng latigo ay may katumbas pa na mura at pang aasar yun.

"Mukang bago ka lang ata" hinanap ko kung saan ang galing ang boses na yun. At nakita ko ang isang matandang babae sa selda na katapat ko. Maputi ang lahat ng hibla ng kanyang buhok at kulubot ang kanyang balat. Madumi din ang kanyang damit na suot.

"Ano ba ang ginawa mo para mapunta ka sa lugar na ito?—ah babaguhin ko ang tanong ko. Ano ba ang ginawa mo na ikinagalit ng mga naka tatas?" Napa yukom ako ng kamao dahil sa sinabi nya. Oo nga pala wala naman talaga akong ginawang masama. Sadyang ginawa ko lang ang bagay na ayaw ng Sancire. At yun ay ang mag hangad ng pag babago at katarungan sa mga katulad kong Abhor.

"Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan hija?" Hindi ko alam pero kahit na misteryoso ang katauhan ng matanda ay nasabi ko parin sa kanya ang pangalan ko

"S-Saigie. Saigie ang aking ngalan" sagot ko sa tanong nya.

"Saigie. Hmm maganda ang iyong pangalan. Parang hinango sa salitang Sagittarius. At bakit naman pangalan lang ang iyong sinabi? Ano ba ang apilyido mo Saigie?" Dahil sa sinabi nya ay nag taka ako. Ano ba ang apilyido?

"A-apilyido?" Taka kong tanong at mukang na intindihan naman agad nya yun.

"Wala kang apilyido?" Napa tango ako dahil una sa lahat ay wala naman akong apilyido at isa pa ay ni hindi ko nga alam kung ano ang bagay na yun.

"Lahat ng Sancire ay may apilyido liban na lang kung ikaw ay isang Abhor" nag tataka nyang sabi. At binalingan naman nya ako ng tingin.

"Isa nga akong Abhor" pag sasabi ko ng totoo. Nakita ko naman ang kanyang pag tataka.

"Pero ang iyong presensya ay tila sinasabi na isa kang Sancire. Kaya pano ka naging isang Abhor?" Napa iling nalang ako sa sinabi ni lola. Kailan man ay hindi ko gugustuhin na maging kauri ang mga nilalang na syang pumatay sa pamilya ko. Ang mga nilalang na pumatay sa kanila ay kailan man ay hindi ko mapapatawad. Pagka muhi ang nararamdaman ko kapag naririnig ko ang ang salitang Sancire. Darating ang araw na ang lahat ng Sancire ay luluhod sa paanan ko at hahalikan ang aking paa. At sa puntong yun ay sila mismo ang mag sisilbi sa mga Abhor at ako mismo ang mag papasya ng kanilang kapalaran at kamatayan.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Where stories live. Discover now