KABANATA IV

31 7 6
                                    

KABANATA IV
•SHE'S ONE OF THEM•

Pilit akong hinihila ng mga kawal na Sancire paalis sa seldang kinalagyan ko kanina. Kaya imbis na mag pahila ako ay sumunod nalang ako sa pag lalakad  nila dahil panigurado na mas magiging masakit ang mararamdaman ko kung mag mamatigas pa ako.

Kahit na alam ko na ito na ang huling sandali ko sa mundong to ay hindi ko parin matanggap ang sasapitin ko. Gaya ng isang ordinaryong nilalang ay minsan na rin akong nangarap na magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi ako natatakot sa katotohanan na ngayon ang huling araw ko. Natatakot ako sa katotohanan na mamatay akong walang silbi sa kamay ng mga Sancire. Mamamatay akong walang nararating at walang na papatunayan mamamatay akong sinasayang ang sakrispisyong ginawa nina Kain.

Sa pag papatuloy ng pag lalakad namin ay unti unti kong naaaninag ang liwanag galing sa pinto kaya napa pikit ako. Hindi ako sanay—hindi ako sanay sa liwanag na ninanais naming makita at makamtan balang araw. Dapat na ba akong maging ma-swerte dahil kahit sa huling sandali ay nasilayan ko ang nais naming makita. Ang liwanag mula sa kalangitan.

Hanggang sa tuluyan na kaming naka rating kami sa labas ng kulungan at napa pikit na ako ng todo dahil nasisilaw na ako sa sobrang liwanag hindi ako sanay dito.

Kahit na naka pikit ako ay patuloy parin ako sa pag lalakad dahil naka hawak parin sakin ang dalawang Sancire na kawal. At unti unti ko nang naririnig ang ingay na sa tingin ko ay sa mga Sancire kaya napa mulat ako kahit na nasisilaw pa ako. Hinayaan ko ang aking mga mata na masilaw hanggang sa masanay ang mga mata ko sa sobrang liwanag.

Nang masanay ako ay agad kong nakita ang mga Sancire na naka upo sa magagarang upuan. Magaganda't magagara rin ang suot nilang damit at may mga palamuti sila sa katawan—

"Aray" napa daing ako dahil bigla akong tinulak ng mga Sancire na kawal na kanina ay naka hawak sa magka bila kong braso. Binigyan ko naman sila ng masamang tingin kahit na hindi ko alam kung nakita nila ang mata ko na sama ng tingin at irap na ginawad ko sa kanila. Bakit ba kasi hindi nalang nila sabihin na kailangan ko na palang sumalampak sa sahig.

"Magandang umaga aking mga mahal na Sancire" napa lingon agad ako kung saan nang galing ang boses na yun dahil kilalang kilala ko ang boses na yun. Walang iba kundi ang heneral ng mga Sancire.

"Nandito tayo ngayon upang masaksihan ang pagkamatay ng isa sa mga Abhor na nais mag sagawa ng kilusan laban sa ating mga Sancire" napa yukom ako ng kamao dahil sa sinabi ng p*tang*%@. Napa layo naman ata nong sinabi nya sa totoo.

Narinig ko naman ang singhapan ng mga Sancire. Tsk. Akala ko ba matatalo at edukado sila pero bakit parang naniniwala sila sa pinag sasabi nong bwisit na heneral na yun kaysa alamin muna ang totoo. Ang problema kasi ay mas pinaniniwalaan nila ang mas maganda ang pag kaka-kwento kaysa sa tunay na kwento ngunit di maayos ang pahayag. They will chose the beautiful cover even if it's not reliable rather than the not that beautiful but the reliable one.

"Tama nga ang inyong narinig mga mahal kong Sancire. Ang babaeng ito ay myembro ng grupo na Gaudia na silang nag tuturo sa mga mangmang na Abhor kung paano mag sulat dahil ninanais nila na magkaroon ng marami pang mga myembro upang magka roon sila ng maraming kakampi upang makapag alsa laban satin" at naniwala naman ang mga kauri nya dahil nag umpisa na ang singhapan at bulungan mula sa kanila. Bat ba sila bumubulong bulong. Huling sandali ko na nga lang dito sa mundo eh. Nahiya pa sila.

"Ngunit wag kayong mag alala mahal kong Sancire. Mapa bata o matanda man. Mula sa Reyna at hari, sa mga maharlika, mga taga silbi, at ordinaryong mamayan. Natugis na namin ang mga Abhor na nag tatangkang lumusob at mag alsa mula sa atin." Tumigil pa ang gag* at mukang lumunok muna ng laway. Sana pati dila nya malunok na nya rin. "At isa nalang ang natira sa kanila ang kanilang binansagang THE LADY OF ARCUARIUS. At ngayon ang araw kung saan ang kayo mismo ang mag papataw ng parusa para sa kanya!" Akala ko ay mapapadali na ang pagka matay ko ngayong araw pero dahil sa madaldal na dila ng heneral na ito ay mukang mapapatagal pa ata.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Where stories live. Discover now