KABANATA XLIV

16 4 20
                                    

KABANATA XLIV
•NEW FRIEND•

"ANO?!" Napa pikit nalang ako sa sigaw nila. Geez! Kailangan ba talagang gumigaw? Nagugulat din naman ako pero hindi naman kagaya nila. Parte na talaga ata ng buhay nila ang sumigaw minu-minuto!

"Teka nga lang Saigie." Naka senyas pa si Hanna na tumigil at para bang pinapahiwatig nya na ituon ang atensyon namin sa kanya. "Wala ba talaga kayong ginawang milagro? I mean—" napa ikot nalang ako ng mata. Seriously? Pati ba naman kasi sya mag iisip ng ganon.

"Oo nga naman kasi Gie. Tyaka doon palang sa posisyon nyo para nga talaga kayong may ginagawang—yun alam mo na" dagdag pa ni Haidie.

"Saigie naman kasi bakit ba naman kasi nakita kayo ni Miss Verizon nang nasa ganong posisyon? Tyaka kataka taka lang naman eh. Bakit ba kasi nasira ang palda mo?" Dagdag na usisa ni Pristine. Mag sasalita na sana ako para sagutin sya pero—

"Oo nga pala! Bakit nasira ang palda mo?!" Napa takip nalang ako ng tenga dahil sa magkasabay na sigaw nina Haidie at Hanna. Naramdaman ko rin ang pag lingon ng mga estudyante samin dito sa cafeteria.

"Kasi—"

"Saigie. Wag mo talagang sabihin na may ginawa—"

"Ano ba papagsalitain nyo kasi ako!" Giit ko at napa kamot naman ng batok si Hanna at napipilitang napa ngiti habang si Haidie naman at naka peace sign.

"Okay Saigie. It's your time to shine. Hehe. Your turn" sabi ni Hanna at hinintay na mag salita ako. Napa hinga naman ako ng malalim bago ang mag paliwanag sa kanila.

"First of all, aksidente lang ang nang yari. Ininis lang talaga ako nong Leon" panimula ko. Akmang mag sasalita na sana si Haidie ng pandilatan ko sya ng mata pilit naman syang napa ngiti.

"And yun na nga. Aksidente ko syang nadaganan dahil sumabit yung palda ko sa mesa kaya daganan ko sya at nag sibagsakan ang mga libro kaya hindi ko na nagawang maka alis sa ibabaw nya at sakto namang dumating si Miss Verizon at kung ano anong inisip kaya kami binilad" mahaba kong pag ku-kwento sa kanila. Muka naman atang na intindihan nila ang nang yari.

"Teka nga lang—bat naman nasira ng ganon ganon nalang ang palda mo?" Tanong ni Pristine. Napa kamot naman ako sa gilid ng kilay bago sya sagutin.

"Sira na nga yun nong natumba tayo noong naka raang araw" paliwanag ko sa kanya nakita ko naman syang napa tango. Ilang araw narin naman ang lumipos mula nong nang yari yung insidente sa library at sumuko narin ako sa kakakulit nila kaya nag kwento na ako.

"Pero infairness nakakakilig kayo ni Leo. Yiiiee!" Panunukso ni Hanna sakin. Bigla ko tuloy naalala yung ginawa ko kay Leo. Di ko alam pero deep inside ay nakokonsensya ako. Pero kasalanan din naman nya!

"Hmp! Wag mo sanang kalimutan Gie na may asawa ka na" napa irap naman ako sa sinabi ni Haidie. Isa pa pala yung Torong yun. Di ko alam kung anong nagawa ko. Pero pansin ko lang na iniiwasan nya ako at di kinakausap—este di na nya ako kinakausap kahit sa isipan lang. Di na nga rin namin sya nakakasabay sa pagkain. Maski yung leon. Pero hindi ko naman yun kinakalungkot. Infact mas nagiging matiwasay pa nga ang buhay ko. Walang kapahamakan na dumadating sa buhay ko.

"Pero eto nga lang ang tanong ko. Saigie nag kiss ba kayo doon sa open field? Di ko kasi nakita ng malapitan eh! Tyaka bat mo nga pala sinipa si Leo doon sa kanyang ano?" Usisa ni Hanna na syang kinairap ko. "Hoy wag ka namang ampalaya nag tatanong lang eh" at mas lalo pang nag pa-taka sakin ang sinabi nya. Ampalaya?

"Huh?"

"Hakdog beh" tinatiman ko naman ng tingin si Hanna. Kahit talaga kailan ay walang pinipiling oras ang utak nya para sa kalokohan.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Where stories live. Discover now