KABANATA XLI

19 3 0
                                    

KABANATA XLI
•PRINCESS ASTER ERIS YNOA MIRDLE•

KAHIT NA naka pikit ako ay gising na gising ang diwa ko. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko man lang magalaw ang ibang parte ng katawan ko. Maski ang pad dilat ang hindi ko magawa.

"Ayos lang ba sya?"

"Bat ba naman kasi sya nandito?"

"Abay ewan. Tanungin nyo si Captain"

"Para namang sinabi mo na tanungin ko nalang sa hangin"

"Pero alam nyo ba narinig ko kanina na sira daw yung pader sa detention room. Nakakapagtaka talaga. Pano kaya nangyari yun?"

"Huh? Wag mo akong gaguhin isda. That's feaking impossible?"

"Ano daw? Detention achuchu?"

Kanina ko parin naririnig ang mga boses na to. And probably ay boses ng Z. Kanina ko pa nga rin sila gustong bigyan ng tig iisang batok dahil masakit na nga ang ulo ko dinadagdagan pa nila ng ingay. Pasalamat talaga sila at hindi ko maimulat ang mga mata ko at hindi ko kayang maka galaw.

"Baka naman sinira ni Captain"

"Utak mo kambing hanapin mo muna. Baka naman nakakalimutan mo na madalas sa detention room si Captain tapos ngayon lang nya masisira yun"

"Malay mo paunti unti pala nya yun sinisira"

"Ano ba yan tigilan nyo na yang detention achuchu! OP na ako!"

"OP? Huh?"

"Hakdog—"

"Z wag muna kayong mag ingay baka mag gising si Saigie"

"Abay dapat lang naman na mag gising yan at gigisahin ko talaga yan ng tanong"

"Sshhhhh"

"Oo na po momsy Pristine. Baka mag gising ang pinaka mamahal nyong anak"

Pinilit ko na igalaw ang katawan ko kahit na ang daliri ko man lang. But I failed. Maski nga ang daliri ko ay hindi ko maramdaman.

"Captain nandito na pala kayo. Hi Leo. Di nyo ba kasama sina Castor at Pollux?"

"How is she?"

"Ayan parin po kap sleeping beauty parin"

"Di pa ba sya nag gigising?"

"Leo alam mo ba ang salitang common sense? Kita mo na ngang natutulog pa eh."

"God. Lorthus ano bang ginawa mo? Tatlong araw na syang tulog"

Nabigla naman ako sa narinig ko na sinabi ni Leo ata. T-tatlong araw?

Dahil sa narinig ko kaya pinilit ko talaga na magising. Sinubukan ko na igalaw uli ang daliri ko at ilang sandali pa ay—

"G-God! Gumalaw ang daliri nya!"

"Kyaah! Ayan na! Woi Leo i-kiss mo kaya baka tuluyang mag gising!"

"Shut up!"

"Ay ayaw mo? Sige ikaw nalang Captain"

Dali dali akong napa mulat dahil sa narinig ko. Darn! May head hurt like hell!

"Gie ayos ka lang ba?"

"Saigie naaalala mo pa ba kami?"

"May nararamdaman ka bang kakaiba?"

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓حيث تعيش القصص. اكتشف الآن