KABANATA XXVII

15 4 0
                                    

KABANATA XXVII
•SECOND QUEST•

Flashback

"MISS WICHA kahit ano naman yan basta maka alis lang ako sa katawan na to" ani ko. At napa hinga naman sya ng malalim bago nag salita.

"You need to marry each other—" di na nya natapos ang sasabihin nya ng halos lahat kami ng nasa opisina ni Headmistress ay magulat at kaagad na nag salita.

"Ano?!"

"What?!"

"Marry?!

At kagaya nga ng naging reaksyon nila ay ganon din ang naging reaksyon ko. Darn pwede pa sana kung buhay nalang yung kapalit tapos papatayin ko si Yuei. Pero ano daw? Kasal?! Heck mas gugustuhin ko pang sakalin si Yuei kaysa pakasalan sya. At isa pag ang bata ko pa!

"Heck! Old hag. Stop fooling us around" iritang sabi ni Yuei na mukang hindi din naniniwala gaya ko—namin.

"I'm not joking here Lorthus" seryosong sabi nya dahilan upang tuluyan na nga akong mawalan ng konting pag asa.

"Pero bakit sa dinarami dami pa ng ritwal bakit yung sa kasal pa?" Usisa ni Leo. Right bakit nga ba kasal pa?

Napa hinga muna ng malaim si Miss Wicha bago sagutin ang tanong ni Leo. "Dahil kailangan nilang maging isa ang puso't isipan para maka balik sila sa dati. May kapareho din sa unang pag pipilian nyo" paliwanag nya. "At yung unang option ay kailangan nilang maghalikan sa ilalim ng blue moon sa ilong hydōr. Pero ang blue moon ay matagal pa bago mangyari. Kaya kung gusto nyong bumalik sa dati agad I suggest na mas maganda nalang kung mag pakasal nalang sila." Pag papatuloy nya. Gusto ko nang maiyak. Wala na ba talagang ibang paraan?

"Pero miss Wicha wala na ba talagang ibang paraan. Baka naman pwedeng gumawa nalang tayo ng potion uli yung pangontra sa spell?" Pag bibigay ideya ko. Hoping na makakatagpo talaga sya ng lunas. Pero inilingan nya lang ako at sa iling na yun ay wala na talagang pag asa liban nalang kung mag papakasal kami o mag hihintay pa sa blue moon. Kasalanan talaga to ni Yuei eh. Bwisit na experiment na yan!

"Son. Sa tingin ko mukang mas maganda ata kung magpakasal nalang kayo" ani ni headmistress.

"No way!" Pag tututol nya.

"So ano ganito nalang tayo?" Naka taas kilay kong tanong sa kanya. Napa irap naman sya. "Kasalanan mo to" bulong ko pa.

"Okay. Kung ayaw nyong mag pakasal pwede naman ata kayong mag tiis nalang na ma-trap sa katawan ng isa't isa. Sana naman mag enjoy—" tinaliman ko ng tingin si Haidie ng sabihin nya yun. Paano kaya ako mag eenjoy nito sige nga.

"Sa tingin ko wala naman atang mawawala kung mag pakasal nalang kayo. Tyaka baka nga hindi na kayo mag away dahil baka mahulog pa kayo sa isa't isa—"

"Pristine!" Suway ko sa kanya at napa ngiti naman sya sakin na para bang wala lang epekto ang pag sigaw na ginawa ko kanina.

"I won't marry her! Never!" Matigas na sabi ni Yuei at tinagnan ako ng may pandidiri. Akala naman nito kung sino sya.

"Hoy! The feeling is mutual jerk!" Ganti ko sa kanya. Arrghh nakakainis na talaga to!

"So... May titiis lang kayo na ganyan kayo?" Scium.

"Hoy wag ka ring mag salita na akala mo madali pang tong pinag dadaanan ko. Being trap in demon's body really equal to hell!" Inis kong sabi at napa sabunot.

"Chill. Guys" narinig kong sabi ni Caper. Hell ano naman kaya ang i-chi-chill ko dito?

"Okay I think kailangan na ninyong magsi alisan dito tutal wala naman palang patutunguhan to eh" sabi ni headmistress kaya napa isip naman ako. Kung aayaw ako na makasal kay Yuei paniguradong mapapagod ako sa kakasunod sa kanya para lang bantayan sya dahil baka kung anong gawin nya sa katawan ko. At wala namang magandang maidudulot tong pananatili ko dito sa katawan nya.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon