KABANATA XXXVII

13 3 0
                                    

KABANATA XXXVII
•BACK•

"HANDA na ba ang mga dadalhin nyo?"

Tinignan ko ang mga dadalhin ko para masiguradong wala akong makakalimutan. Wala naman talaga akong mahalagang bagay na dinala kaya wala rin akong aalalahanin kapag may naiwan ako.

"Ay teka lang po Grans" sabi ni Hanna. "Wait lang po may nakalimutan ako." Ani nya at nag mamadaling umakyat sa hagdanan.

"Kayo may nakalimutan din ba kayo?" Tanong nya samin at halos sabay sabay kaming napa iling. Nabaling naman ang kanyang tingin kay Justice.

"Justice bat ba ang laki naman ata ng bag mo?" Usisa nya kaya napa lingon ako sa dala nyang bag at malaki nga yun.

Hahihiyang napa kamot naman si Justice sa gilid ng kilay nya. "G-Granny dala ko po kasi ang mga libro ko" nahihiya nyang sabi.

"Justice maraming libro sa academy kung gusto mo pa nga eh mag pagawa ka ng kwarto sa library" wika ni Caper. Inayos naman muna ni Justice ang kanyang suot na salamin bago mag salita.

"Mga libro kasi to tungkol sa law and mystery book din" ni isa sa mga libro na sinabi nya ay wala akong mga alam. Kakaiba talaga ang mga tao.

"Sana all smart. Ako kasi globe. Char" napa lingon ako sa nag sabi non at nakita ko si Hanna na kakaba pala sa hagdanan at may dala syang parang tali na—ewan.

"Ayos na ba ang mga dadalhin mo Hanna?" Tanong sa kanya ni Granny. Masigla namang napa tango si Hanna.

"Yep! Nakalimutan ko lang po talaga yung charger ng cellphone ko" at dahil wala naman akong kaalam alam kung ano yun ay manabuti ko nalang na manahimik. Pero agad akong nagkaroon ng interes ng iwagay way nya sa ere ang hawak hawak nyang bagay na nakita ko rin sa ibang mga mortal pati na kina Granny at Justice. Pero ano nga ba ang meron doon?

"Hanna walang kuryente sa mundo ng mga Sancire" naiiling na sabi ni Granny. Meron namang kuryente doon ah. Tyaka kayang kaya ngang gumawa ng kuryente ni Scium pero limited lang.

"Luh? Pano naman kapag gabi? Baka madilim doon. Instant time traveler ako noon pag nagkataon" sa tono ng boses nya ay halatang namamaktol ito.

"Ate Saigie may alam po ba kayo sa sinasabi nya?" Napa lingon ako sa katabi ko na si Castor nang mag salita ito

"Wala" simple kong sagot at binalingan ko ang mga gamit ko.

"Magikē ang ginagamit nila Hanna kaya nag kakaroon ng kuryente doon" paliwanag ni Granny kay Hanna. "At walang saksakan doon dahil wala naman doong mga cellphone" dagdag pa nya. So cellphone pala ang tawag sa bagay na yun. Nakita ko naman syang napa nguso.

"Okay. Hmp! Ngayon lang talaga ako mag titipid ng batery—ay wait! May power bank ka?" Tanong nya kay Justice. Okay talagang wala na akong naiintindihan sa mga pinag uusapan nila.

"Archer" muntikan na akong mapa pitlag sa gulat nang marinig ko ang boses nong Toro sa isipan ko. Kinalma ko muna nag sarili ko mula sa pag kakagulat pagkatapos ay inis ko syang tinignan na nasa likuran ko at doon ay naka sandal sya sa pader at katabi nya si Leo na mukang kanina pa naka tingin samin—sakin?

Nang magtama ang paningin namin ni Leo ay bigla nalang syang nag iwas ng tingin kaya taka ko syang tinignan. Pagkatapos ay napalingon naman ako sa katabi nyang Toro.

"Oh?" Irita kong tanong sa isip ko. Bat ba kasi sya nang gugulat.

"Don't ever dare to tell my mom about what happened" may pag babanta sa tono nya kaya napa irap ako. Probably ay tinutukoy nya yung pang yayari na nahiwalay kami sa kanila.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Where stories live. Discover now