KABANATA LXVI

13 2 0
                                    


KABANATA LXVI
•FIND HER•

THIRD PERSON'S POV

"AY JUSMIO MARIMAR!" Naibulalas ni Hanna ng madatnan nya sa kusina si Saigie na mukang may niluluto. Agad syang nataranta. 

"T-teka lang H-Haidie! Wahhh! Fire extinguisher! Haidie!" Aligagang sigaw nya. Tinignan naman sya ni Saigie ng may pag tataka. 

"Bakit ka sumisigaw Hanna?" Takang tanong nya at hindi parin mawala ang pagiging inosente sa kanyang boses. "At sino naman si Marimar?" Dagdag na tanong nya. 

"A-ah. Ay basta basta! Bakit ka ba kasi nag luluto? Aba naman Saigie may balak ka bang sunugin ang dorm?" Naka taas kilay na tanong sa kanya ni Hanna habang naka pamewang. Napa kamot naman ng batok si Saigie at tinanggal ang kanyang suot suot na pink na apron. 

"B-bakit bawal ba?" Naka ngusong tanong nya. "Hihi gusto ko lang talagang ipag luto sya." Malambing na sabi nya. 

"Sinong sya?" Usisa ni Hanna sasagutin na sana sya ng kausap pero nag salita uli sya. 

"Ay! Alam ko na! Hmm. Siguro gusto mong ipag luto iyong mga nang bu-bully sayo! Ang ganda ng plano mo! Ahahaha! Siguradong mamimilipit sa sakit ang tyan nila habang halos mag kukulay itim nga ata ang dila nila dahil sa luto mo!"Natatawang sabi ni Hanna at umaaksyon pa. Pero agad syang natahimik ng mapansing hindi sya sinasabayan sa pag tawa. 

"A-ah eh. Seryoso ka ba talaga na mag luluto ka? O baka naman tini-testing mo lang ang kitchen natin? Naku bagong gawa pa lang naman 'to." Sabi ni Hanna. Napa yuko naman si Saigie. 

"W-wag kang mag alala Hanna. H-hindi ko naman susunugin ang d-dorm."Mahina nyang sabi. Agad namang nakonsensya si Hanna pero mas lalo pa syang nagulat dahil sa pag tulo ng butil ng luha sa mga mata ni Saigie. 

"H-huy w-wag kang u-umiyak. A-ah. Ay basta wag kang umiyak." Natataranta nyang sabi habang nag dadalawang isip kung hahawakan ba nya ang kaibigan o ano. Pero imbis na tumigil ay mas lalo pang naiyak si Saigie. 

"S-Saigie. S-sorry w-wag ka nang umiyak." Natataranta nyang sabi pero bigla pang ngumawa si Saigie. "Changgala! Huhu! Saigie. Mahal ko pa buhay ko! Utang na loob wag kang umiyak!" Pag papatahan nya dito gamit ang isang malakas na boses dahilan para mas lalo itong umiyak at mas lumala pa dahil ang kaninang simpleng hikbi ay naging isang ngawa na. 

"Putakte buntis ba to? Grabe kung maka emote—kambing!" Agad nyang sigaw nang makita si Caper na papadaan. Napa lingon naman sa kanya si Caper pero agad ding nan laki ang mga mata nang makita si Saigie na umiiyak. At gaya ng kahapon ay kulang nalang din ay mapinturahan si Saigie ng pink dahil sa suot nya naka tarintas naman ang buhok nya sa magkabilaan. 

"Hala ka lalaking tupa! Ikaw ang nag paiyak dyan no?" Bintang sa kanya ni Caper na may halong pang aasar. Ngunit naka tanggap lang sya ng pag irap.

"Hoy! For your information. Babae ako—Ano yun?! May nasusunog ba—anak ng pusang gala!" Agad na naibulalas ni Hanna ng maka amoy sya ng nasusunog. Agad silang nag palinga linga at maslalo silang nataranta dahil nakita nilang nag aapoy ang niluluto ni Saigie. 

"Sunog?! Wahhh! May hotline ba ng bumbero dito?!—pakshet!" Natatantang sigaw ni Hanna. Si Caper naman ay biglang naging aligaga at hindi alam ang gagawin. Pero agad na nag laho ang kanilang nararamdaman at sumobra pa dahil nakita nila si Saigie na papalapit sa apoy at mag hawak pa syang isang baso ng tubig. 

"Hala! Sorry hindi ko alam—"

"Wahhh! Saigie! Wag!" Malakas na sigaw ni Hanna pero huli na dahil naibuhos na ni Saigie ang laman ng tubig. 

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu