KABANATA I

83 8 3
                                    

KABANATA I

•The GAUDIA's fall•

"Nasaan na sila Saigie? Hayst yan na nga ba ang problema sa mga yun eh inuuna ang gala!" Napa iling nalang ako dahil sa sinabi ni kuya Lanster at palihim na natawa.

"Oh master chill ka lang. Ang rami mo na ngang puting buhok. Sige ka baka madagdagan pa yan. Naku baka nga talagang tumandang binata ka na" asar ko sa kanya habang naka turo sa ulo nya.

"Tumigil ka nga dyan Saigie at tulungan mo nalang akong mag hanap sa mga tukmol nayun. Hay naku kapag talaga makita yung mga yun paniguradong lalagyan ko sila ng tig iisang palo sa pwet at sisiguraduhin ko talaga na pantay pantay yun" lihim naman akong napatawa. Hayst buhay nga naman sino ang mag aakala na nakatagal ako dito kay tandang Lanster-

"A-aray! Oo na po tanda-ara-e-ste ku-kuya Lanster!" Hinimas ko ang tenga ko na paniguradong namumula mula dahil sa pag kakapingot nya. Tss asar talo!

"Yow Saigie mi labs!" Napa pikit nalang ako sa inis. Lintek na Arzul to

"At saan naman kayo nag gala?" Tanong ni tanda na kulang nalang ay ilagay sa kanyang bewang ang kanyang dalwang kamay para mag mukang atrabida na sinesermonan ang kanyang makukulit na supling.

"Oh chill ka lang tanda ang puso" pang aasar ni Luie at nag high-five pa silang dalawa ni Arzul. Loko talaga.

"Oh sha oh sha tama na nga yan. Marami nang nag aantay sa labas. Tyaka kailangan narin nating ayusin ang stage." Suway ng kakarating lang na si ate Albie.

"A-ah kumusta A-Albie?" Nagkatinginan kami nina Arzul, Luie, Kwain at Kain. At nag pipigil ng tawa. Haha pag dating talaga kay ate Albie at tiklop tong si tanda. Palibhasa ayaw tumandang binata kaya kailangan good record kay ate Albie.

"Tara na nga." Aya ko. Sa kanila

Inayos namin ang aming gagamitin sa pag tatanghal at pati narin ng entabladong aming gagamitin dahil mag tatangahal na kami.

"Sabay sabay nating palakpakan ang ating nag iisang lady of Arcuarius." Ang sigaw ni kuya Laster ang naging hudyat ko sa pag labas at sa entablado ay nakita ko ang mga Abhor na pumapalakpak na may ngiti sa labi.

Kinuha ko ang aking pana na naka sakbit sa likod ko at ang arrow tatlong nito. Ipinuwesto ko ito ng maayos at inasinta ang bilog na ilang kilometro ang layo mula sa akin. Binitiwan ko ang pana at-

"Ang galing!"

"Wala parin talagang kupas!"

"Parang hindi sya isang Abhor dahil sa kakayahan nya!"

"Kuya magiging kagaya rin ba nya ako pag lumaki ako?"

Ilan lamang yan sa mga papuring naririnig ko mula sa mga nanonood dahil sa pagka asinta ko sa target. Agad namang gumuhit ang ngiti sa aking labi. Eto ang nag papasaya sakin. Ang makita ang pag asa sa kanilang mga muka.

"At bago mag simula ang ating pag tatanghal sa aming munting Circus ay nais kong makita nyo ang natatanging kakayahan ng ating LADY OF ARCUARIUS!" pag aanunsyo ni kuya lanster at yun ang nag silbing hudyat sakin upang kumuha ng panibagong arrow at ipinuwesto ito sa akin bow at inasinta ko ang bilog na nasa pinaka tuktok ng bubong ng aming itinayong Circus at bago ko ito pakawalan ay pinaliyab ko ang dulo ng aking arrow at narinig ko naman ang singhapan na nang galing sa mga manonood.

"Isa ba syang sancire?"

"Ngunit bakit naman sya nandito sa mundo ng mga Abhor?"

"Narahil ay isa lamang yan sa kanilang mga espesyal na kagamitan"

Kasabay ng pag tama ng nag liliyab kong arrow sa bilog ay ang pag liyab naman ng bilog at doon ay umangat ang mga paputok na kanina pa namin hinanda at tuluyan nang nag liwanag ang madilim na kalangitan.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Where stories live. Discover now