KABANTA XVIII

21 5 0
                                    

KABANTA XVIII
•YNGRID AND HER DESTINY•

NAPA ngiwi ako dahil sa naramdaman kong sakit sa ulo ko at ilang sandali pa ay napa mulat ako at agad namang sumalubong sakin ang araw na direktang tumatama sa muka ko kaya napa pikit uli ako at napa mulat.

Pinilit ko na maka upo man lang at nagawa ko nga pero hawak ko naman ang ulo ko dahil na biglaang pagkirot nito.

"A-aray. A-ang hapdi" daing ko at ilang segundo pa ang itinagal ko sa ganong posisyon bago ko tulyang imulat uli ang mata ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at napa kunot naman ang noo ko dahil sa agad na sumalubong sakin. P-pano naman ako napunta dito?

"S-sh*t!" Bigla nalang akong napa mura ng tuluyan ko nang maalala kung ano ang nangyari bago ako magising y-yung mt. Homos—pati narin yung ipo ipo! Panaginip lang ba talaga yun?

Agad akong napa linga linga sa paligid upang hanapin ang mga kasama ko pero hindi ko sila nakita at nang mapa tingin ako sa kanang kamay ko ay nakita ko na may tali parin yun at nang sundan ko yun ay nakita ko na katabi ko pa pala si Yuei at nanlaki naman ang mga mata ko ng mapagtanto ko na naka hawak pa pala kami sa kamay ng isat isa.

Agad kong kinuha ang kamay ko na hawak nya habang sya ay naka pikit lang at walang malay. Naka suot parin sya ng uniform namin pero wala na ang coat nya at puting maduming polo nalang ang suot nyang pang itaas pero suot parin nya ang kulay ginto nyang kurbata.

"H-hindi ka pa naman ata p-patay no? M-masamang damo ka naman eh" bulong ko at niyugyog sya pero hindi parin sya nag gigising kaya sinundot sundot ko ang muka nya.

"Y-Yuie! Hoy Captain gising" patuloy ko syang ginigising pero hindi parin talaga sya nag gigising. Tinapik tapik ko narin ang pisngi nya.

"Hoy ano ba!" At dahil hindi ko sya magising kaya sinapak ko sya ng malakas. At nakita ko naman ang paggalaw ng kanyang labi at ang pag pikit nya ng mariin kaya nag diwang ang kaloob looban ko. Buti naman di pa patay to.

Ilang sandali pa ay napa mulat sya kaya napa hinga ako ng maluwag. Agad na sumalubong sakin ang kanyang kulay crimson na mata. Ng tuluyan na syang maka mulat ay agad na kumunot ang noo nya at biglaang syang napa upo sabay hawak ng balikat nya kaya napatingin ako doon. Sh*t bakit ngayon ko lang napansin ang sugat nya!

"Darn. What happened and where the hell are we?" Sunod sunod nyang tanong pero nasa sugat nya lang ang atensyon ko.

"H-hindi ko rin alam pero nagising nalang din ako na nandito na tayo. T-teka may sugat ka" nag aalala kong sabi at nilapitan ang sugat nya. Napa kagat nalang ako ng mariin sa labi ko ng mapagtanto na wala nga pala kaming extrang tela kaya no choice ako kundi ang sirain nalang ang palda ko pero magiging sobrang ikli naman ata non pero wala naman akong pag pipilian eh.

Akmang sisirain ko na ang palda ko ng pigilan nya ako at sinira nya ang puting polo na suot nya kaya napa iwas ako ng tingin doon. Naramdaman ko naman na tinalian nya ang kanyang sugat. Hinubad ko nalang ang coat na suot ko at iniabot sa kanya yun ng hindi parin lumilingon sa gawi nya. Pero ilang sandali pa ay hindi ko parin nararamdaman na kinuha nya yun kaya hinarap ko sya at pilit na iniaabot sa kanya ang coat ko.

"Wag ka na kasing maarte! Pasalamat ka nga binigay ko pa sayo to eh" mataray na sabi ko sa kanya. At hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pag irap nya bago nya tuluyang hablutin ang hawak kong coat. Ang sama talaga ng ugali nya!

Inilibot nya ang paningin nya sa paligid at kagaya ng reaksyon ko kanina ay nag salubong naman ang kilay nya.

"Where exactl—"

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Where stories live. Discover now