KABANATA LXXVII

10 1 0
                                    

KABANATA LXXVII
•TRAITORS•

"A-ARAY! W-WAG mong idiin masyado." Naluluha kong saad habang ginagamot ng isang doktor ang mga sugat ko. 

"P-Paumanhin kamahalan." Naka yukong sambit ng doktor dahilan para mapa tahimik ako. It's been a week mag mula nang mang yari 'yon pero sariwang sariwa parin sa isipan ko. At hindi parin ako sanay na ginagalang ako. 

"Tapos na po mahal na Prinsesa. Tawagin nyo lang po ako kung may kailangan kayo." Magalang na sambit nya at yumuko at umalis sa kwarto ko. Muli kong nilibot ang paningin ko sa paligid.

Gusto ko sanang mag lakad pero hindi pa kaya ng katawan ko lalo pa dahil hindi pa maayos ang lagay ko at hindi pa nababawi ang lakas ko. Mas bibilis daw ang pag galing ko kapag bumalik na ang Magikē ko. Hindi ko kasi magamit ang magikē ko dahil sa nangyari sa 'kin. Namamaga rin ang mga paa ko dahil naka apak ako ng pakong kinakalawang at magkabilang paa pa talaga ang hindi ko kayang gamitin at mas lalong matatagalan pa bago ako maka lakad dahil nabinat ang paa ko. 

Walang gana akong napa sandal sa headboard ng malaki at malambot kong kama habang nag mumuni muni. Kumuha ako ng prutas na naka lapag sa maliit na drawer na katabi ng kulay pink kong kama. Ugh! Ang sakit naman sa mata puro pink pa naman ang nakikita ko dito. Gusto ko nang lumabas. 

Narinig ko na bumukas nag pinto pero binale wala ko nalang yun at nagpatuloy sa pag nguya ng mansanas. Binalingan ko kung sino ang pumasok. Agad na nanlaki ang mga mata ko at umayos ng upo sa kama. Narinig ko naman ang kanyang mahinang pag tawa. 

"M-Mahal na Reyna." pag bati ko pero agad din akong napa hinto. "E-este M-Mama." Nahihiya kong sabi. Hindi parin ako sanay na may tinatawag akong mama. Napa upo sya sa kama at nginitian ako. 

"Kumusta ang pakiramdam mo anak?" Nag aalalang tanong nya. 

"A-ayos na po ako." sagot ko sa kanya. Ilang segundo din na katahimikan ang lumipas at naramdaman ko nalang na yakap yakap na nya ako. 

"Anak. I-I'm sorry." humihikbing saad nya. Napa iling nalang ako at gumanti ng yakap. 

"A-ayos lang po yun ma." pag papatahan ko sa kanya. Ilang araw narin syang humihingi ng tawad sa 'kin. Kahit pa ba paulit ulit kong sabihin na ayos lang ay hindi parin sya tumitigal sa kaka hingi ng tawad. 

Ilang sandali pa kami sa ganong posisyon at narinig ko na bumukas muli ang pintuan kaya napa tingin ako doon habang hindi parin kinakalas ang pag kakayakap sakin ng ina ko. Napa ngiti ako nang makita ko kung sinong pumasok. 

"Mahal naman. Baka mabanas na sayo 'yang anak natin dahil sa kakahingi mo ng sorry." napa tawa na lamang ako dahil sa sinabi ng Hari—ni papa. 

Kumalas mula sa pag kakayakap sakin si Mama at sinamaan ng tingin si Papa. Napa upo na lamang si Papa sa kama at ginulo ang buhok ko kaya napa labi ako. 

"Kumusta na ang prinsesa ko?" tanong ng ama ko. 

"Ayos na nga po ako." giit ko. Napa tawa naman sya. Alam nya kasi na gustong gusto ko nang mag lakad pero syempre papayagan ba nya ako? Malamang hindi. 

"Tyanga pala. May nag hahanap sayo.".napa iwas ako ng tingin sa kanya. Narinig ko ang kanyang malalim na buntong hininga. 

"Don't worry. Hindi sina Haidie ang tinutukoy ko." napa lingon uli ako sa kanya. 

"S-Sino—?"

"Sorry Pa. Hindi na ako makapag hintay I really missed her." agad akong napa lingon sa pintuan at agad kong nakita si Yuei na pumasok doon. 

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon