KABANATA XXXVIII

15 3 0
                                    

KABANATA XXXVIII
•THREAT•




"WELCOME back Z"

Yan ang salitang agad na sumalubong samin. Agad kaming binati ni headmistress gamit ang kanyang sinseryadong ngiti. At nang binalingan nya sina Hanna at Justice ay mas lalo pa syang napa ngiti.

"Welcome to Zodiacus Academy. Aries and Libra" pag bati nya sa dalawa. "May I know your names?" Tanong nya sa dalawa. At dahil naka talikod ako sa kanila kaya hindi ko ngayon nakikita ang kanilang reaksyon.

"J-Justice. Justice Sloan Scal" pag papakilala ni Justice.

"Hmm. Your name shout already who you are" tumatangong komento ni headmistress. "Libra. Right?"

"Yes" tipid na sagot naman ni Justice. Inilihis naman nya ang kanyang paningin at sa tiningin ko ay tinignan naman nya si Hanna.

"Hanna Ehritz Heirp po" sabi naman nya at hindi na hinintay na mag tanong pa si headmistress. Napa tango naman si headmistress at may kung anong isinulat sa isang notebook.

"Okay Z. Alam ko na gusto nyo nang magpahinga kaya pwede na kayong mag punta sa dorm. Samahan nyo narin sina Justice at Hanna sa mga rooms nila" utos nya dahilan para mag diwang naman ang loob ko. Sa wakas.

"Hanna, Justice. Ipapahatid ko nalang ang schedules nyo" pahabol nya pa.

Nag simula nang mag lakad paalis pero nag salita si headmistress kaya napa tigil ako.

"Saigie, Yuei. Stay" napa buntong hininga naman ako pagkatapos ay napa lingon sa headmistress.

"What now?" Iritang tanong nong isa.

"Sit" utos nya kaya wala nakaming nagawa kundi ang umupo sa upuan na katapat ng swivel chair nya.

"I know what happened at hinding hindi nyo yun matatago sakin" seryoso nyang sabi. Hindi na talaga ako magugulat doon. She's the headmistress after all.

"So?" Kahit na hindi ko lingunin ay alam ko na naka taas ang kilay ngayon ni Yuei at mukang walang interes sa pinag uusapan. The typical Yuei.

"Yuei! Alam mo ba na marami ang mga mortal na naka kita sa ginawa mo?!" Dumadaong dong na sigaw ni headmistress pero mukang walang epekto yun sa anak nya. Huminga muna sya ng malalim at kinalma ang sarili bago sya mag salita.

"Yuei. Hindi ka ba talaga mag tatanda?" Alam ko na pilit na pinahihinahon ni headmistress ang kanyang sarili. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis kung ang kausap mo ay wala lang pakialam.

"So what are you going to do now? Nang yari na yun kaya wala ka nang magagawa. I'll go now" at kalmado syang tumayo na para bang walang nangyaring sigawan kanina. Sinundan ko naman sya ng tingin at nang tuluyan na syang maka alis ay binalingan ko ng tingin si Headmistress na ngayon ay naka hawak sa bridge ng kanyang ilong. Napa iling nalang ako. Wala talagang modo ang isang yun.

"Aalis narin ako" pag papaalam ko. At hindi ko na hinintay ang sasabihin ni headmistress at nag tuloy tuloy na akong mag lakad paalis sa opisina nya.

Nang baybayin ko na ang daan patungo sa dorm namin ay kahit na pigilan ko na pakinggan ang mga sasabihin ng mga nasapaligid ay hindi ko parin maiwasan. Oo nga pala nag balik na ang enhance senses ko kaya kayang kaya ko talaga silang marinig. Ganito na talaga ata ang buhay. Kahit na may maganda pang dala ang isang bagay ay hinding hindi mo parin maiiwasan ang disadvantage nito. At kahit na anong buti at ganda mo pa ay pilit parin nilang hahanapin ang hindi maganda sayo. Mas napapansin nila ang masama sayo kesa sa mabuting nagawa mo. Gaya nalang ng mga naririnig ko ngayon.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Where stories live. Discover now