KABANATA LXXIV

9 2 0
                                    

KABANATA LXXIV
•THE GIRL FROM NOWHERE•

AGAD NA sumalubong sakin ang mga sirang gusali nang maka rating kami sa likuran ng palasyo papunta sa dungeon. Mistulang dinaanan ng napaka laking gyera ang paligid. 

"Nag tataka ka siguro kung anong nang yari dito. Wag ka nang mag panggap alam ko na ikaw ang may pakana ng lahat ng ito." napa yukom ako ng kamao nang marinig ko ang nakakasurang boses ng Heneral. Ito pala ang binibintang nila sakin. Marunong ba silang mag isip? Isa akong Archer hindi destroyer. 

May sinenyas ang heneral sa mga kawal nya at hindi ko maintindihan kung ano iyon. At bigla na lamang lumayo ang mga kawal sa kanya. Napa hingit naman ako ng hininga nang bigla kong marinig ang boses nya malapit sa tenga ko. 

"Nakakaawa ka. Alam kong wala kang kasalanan pero ganito ang takbo ng mundo. Kailangan may bumagsak para may umangat." nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Mas lalong lumaki ang galit ko sa kanya. "Pero may isa pang paraan para maka ligtas ka sa kamatayan na ipapataw sa iyo bukas. Alam mo ba kung ano 'yon?" Napa higpit ako ng pag kakayukom ng kamao. Kahit kailan ay hinding hindi ko tatakasan ang kamatayan kung ang kapalit noon ay ang habang buhay na parusa at dangal. 

"Kailangan mo lang maging isa sa amin. Kailangan mong umanib samin. Kailangan mong maging isang Mescreant." mistulang tumigil ang utak ko sa pag iisip. K-Kung ganon ay may mas isasama pa pala sya! Akala ko noon ay sadyang maitim lang talaga ang budhi nya pero hindi pa pala 'yon! Isa syang Mescreant! Higit pa sya sa demonyo. 

"Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa maging isang demonyo." matigas kong sagot. Napa kagat naman ako ng labi ng maka ramdam ako ng sakit sa katawan ko. Mistulang kinokontrol ang mga laman loob ko at pinipilipit. Napa lingon ako sa heneral na ngayon ay naka ngisi. 

"Madali akong kausap. Gusto na rin kitang patayin kaso ayaw pa nya. Ayaw ko pang gawin." naka ngising sabi nya. 

"Naaawa ako sayo. Naaawa ako kay Leo. Napaka buti nya samantalang ikaw isang dyablo. Napaka sama mo." dismayado kong saad. Nagulat naman ako ng bigla na lamang syang humalakhak. Maski ang mga kawal na nasa paligid ay nag tatakang napa tingin sa kanya. 

"Hindi ko anak ang suwail na iyon. Hindi ko sya anak dahil wala akong anak." Itinuring kong kaibigan si Leo. At kung sya nag naka rinig noon ay sigurado akong masasaktan sya. Wala nang mas ikasasakit pa kung itanggi ka ng sarili mong magulang. Wala talaga syang puso napaka maka sarili nya! "Bakit hindi mo tanungin ang tinaguriang Conjurer ng Gaudia. Alam mo ba na paka rami nyang alam? Kaya nga inuna ko sya." pinilit ko ang kamao kong wag dumapo sa napaka kapal nyang muka. Anong karapatan nya para idamay dito si kuya Lanster. 

"Dalhin nyo 'to sa Dungeon!" bigla na lamang nag iba ang timpla ng muka nya at mabilis na inutusan ang mga kawal na dalhin ako sa dungeon. Kinaladkad ako ng mga kawal paalis sa harapan ng heneral nila. 

Nang maka rating kami sa dungeon ay agad na sumalubong sakin ang dalawang nag lalakihang Cerberus. At nang makita ako ng mga ito ay agad silang nag tatatahol at halos yumanig na ang paligid dahil sa ginawa nilang pag tahol. Agad naman silang tinapik ng mga kawal na malalaki at brusko na nag babantay din sa napaka laking pintuan ng dungeon na napaka raming bakas ng dugo. 

Itinulak ako ng isa sa mga kawal kaya sinamaan ko sila ng tingin. Kulang na nga lang na matangay ng hangin ang lupay lupay kong katawan tapos itutulak pa nila ako!

Tumayo ako habang naka ngiwi lalo pa nang makita ko ang kalagayan ng paa ko. Punong puno na iyon ng sugat at dugo. At ang dating mala porselana kong balat ay napaka rami nang gasgas ngayon. 

Paika ika akong nag lakad habang naka hawak sa magkabila kong braso ang dalawang kawal. Sa tingin nila makakatakas pa ako sa lagay na to? Naka tali na nga ang magkabila kong mga kamay at naka kadena ang pagkabila kong paa at maliit lang ang espasyo ng kadena sa paa ko kaya konti lang ang nagagawa kong pag hakbang. Sige nga pano pa kaya ako makakatakas. Walang mga utak!

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon