KABANATA LI

19 4 0
                                    

KABANATA LI
•HOME•

THIRD PERSON'S POV
*Flashback*

AGAD NA gumuho ang kweba na kanilang kinalalagyan. Mabilis namang naka gawa ng kalasag sina Leo upang hindi sila matamaan ng mga gumuhong bato.

Matapos ang pag guho ay agad na tumambad sa kanila ang sinag ng araw. Inilibot nila ang kanilang paningin at doon ay nakita nila ang bulto ni Yuei na seryosong naka tayo at wala man lang ni isang galos. At nasa paanan nito ang walang malay na lalaki na syang kanina lamang ay kalaban nila. Inaasahan na nila na talagang mapapadali ang kanilang laban lalo na dahil nag mamadali talaga ang kanilang Captain pero hindi naman nila inaasahan na talagang papaguhuin lang ng basta basta ni Yuei ang kweba.

Mahina nyang sinipa ang lalaki na nasa paanan nya at gumulong ito at agad na tumambad sa kanila ang isang dagger na naka balot pa sa tela. Agad nya itong dinampot.

"We still need him" walang emosyong sabi ni Yuei habang naka tingin sa lalaki na nasa paanan nya at nag simula na syang mag lakad. Agad namang sumunod sa kanya si Leo habang nagkatinginan naman sina Scium at Caper.

"Fine" sukong sabi ni Caper at inangat ang kanyang kamay at biglang may mga baging na lumitaw at pumulupot ito sa katawan ng lalaki.

"We need to hurry" sabi ni Leo at nilingon ang kanyang nasa likuran na sina Scium at Caper.

NANG MAKA rating sila sa tapat ng academy ay agad silang sinalubong ng mga palaso at nag kanya kanya naman sila ng iwas.

"Sh*t!" Agad na naibulalas ni Scium ng makita ang kaganapan sa Academy. Hindi nila inaasahan na may susugod na kalaban sa Academy.

"What happened?" Wala ring sa sariling sabi ni Caper.

"Kill those wicked b*tch. While me and Dexailan will go to the tower." Their Captain commanded.

*END OF FLASHBACK*


MABILIS NA inatake ni Leo ang mga kalaban na humaharang sa kanilang daanan at ganon din ang ginawa ng iba.

Habang umaatake ay hindi na nya napansin ang palaso na paparating sa direksyon nya at agad syang natamaan sa paa. Kaya agad syang napa lingon sa likuran nya. He motioned his hand. Biglang tumalsik ang lalaking pumana sa kanya dahil sa pagsabog ng lupa.

"D*mn it" napa mura sya dahil unti unti na nyang nararamdaman ang hapdi na dulot ng palaso na tumama sa paa nya. Agad nya itong binunot at muntikan na syang mapa sigaw sa sakit.

"Leo!" Agad syang naalerto dahil sa narinig nyang may tumawag sa pangalan nya. At agad naman nyang nararamdaman na may atake na paparating kaya agad nyang sinalag ang espada ng kalaban gamit ang kanyang espada na napapalibutan ng lupa at bato. Agad namang syang nag pakawala ng magikē sa kanyang kaliwang kamay kung saan walang hawak na espada.

Agad na tumalsik ang kalaban at biglang nag laho at nasabay sa hangin. Nilinga linga naman ni Leo ang kanyang paningin upang hanapin kung sino ang kaninang tumawag sa pangalan nya at agad nyang nakita si Hanna na malapit lang sa kanya at kinakalaban ang tatlong miscreants. Kaya agad nya itong tinulungan.

"N-nasaan sina C-Captain?" Hinihingal an tanong ni Hanna sabay sipa sa tyan ng kalaban.

"Papunta na sa tower" sagot sa kanya ni Leo at agad na sinaksak ang kalaban sa dibdib.




"I-ISDA!" agad na naibulalas ni Haidie nang sumalubong sa kanya ang muka ni Scium.

"A-ayos ka lang?" Nahihimigan ng pag aalalang tanong ni Scium. Wala sa sarili namang napa tango si Haidie pero agad ding nan laki ang kanyang mata ng mapagtanto ang kanilang pwesto.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon