KABANATA V

28 5 3
                                    

KABANATA V
•ARCHER'S NEW LIFE•

"Sa tingin ko ang binibining ito ay hindi isang abhor batay sa kanyang pinakita kanina" napa kunot naman ang noo ko. Anong ibig nyang sabihin?

"Ang babaeng ito ay isang Sancire na kagaya natin" at doon ay namutawi ang katahimikan sa paligid at wala ni isa ang nag salita. At maski ako ay hindi maka paniwala. Samo't saring komento ang natanggap ko mula sa kanila.

"Dapat parin syang patayin. Isa syang banta!"

"Oo nga wala na roon ang kanyang pagiging Sancire kung isa naman syang kalaban!"

"Maaari paring tayong manganib kung sakali"

"Patayin nyo nalang sya!"

Sumenyas ang lalaki na sa tingin ko ay ang hari ng mga Sancire na tumahimik kaya para namang may dumaang anghel at nagsitahimik sila.

"Ang pagpapataw ng parusa ay ipag papaliban muna. At inuutusan ko na ang lahat ng mamayan na naririto ay mag sibalik na sa inyong mga tahanan. Habang ang mga myembro ng konseho ay dapat na mag punta sa palasyo upang mapag usapan ang isyong ito." Marami naman ang umangal pero wala rin silang nagawa sa huli. Binalingan naman nya ako ng tingin. "At para sa binibining ito. Sya ay tutuloy sa palasyo hanggang sa hindi pa natatapos ang desisyon ng konseho" muntikan ko nang irapan ang hari kung hindi ko naalala na kagalang galang pala ang nilalang na to. Una sa lahat ay pinapatagal lang nya ang kamatayan ko. Hindi ko nga alam kung pabor ba sakin ito eh.

Akmang hihilain na ako patayo ng mga kawal pero agad akong tumayo at binigyan sila ng matatalim na tingin. Kaya sinenyasan nalang ako ng isang kawal na sumunod nalang sa kanila kahit na mukang nag aalinlangan pa sila. At gaya ng senenyas nya ay sumunod nalang ako. Nasa isipan ko na sana ang tumakas kung walang kawal na naka sunod din sa likod ko.

Ilang minuto pa ang iginawad namin sa pag lalakad ng sa wakas ay huminto na kami. At sa pag hinto namin ay namangha ako dahil nasa harapan kami ng isang malaking tarangkahan na may naka sulat sa taas na...

"SACRED KINGDOM" Basa ko sa naka sulat. Nagulat nalang ako dahil may biglaang tumulak sakin at sinamaan ko namang ng tingin ang kawal na nasa likuran ko. At nag simula na akong sumunod sa nag lalakad na kawal sa unahan ko.

Bawat paglalakad namin sa marmol na sahig ay hindi ko mapigilang hindi humanga sa nakikita ko. Ang mga haligi ng palasyo ay kulay ginto. At makikintab ang mga gamit. Hangang sa naka rating kami sa isang karpet na pula at yun ang tinahak namin.

Lakad kami ng lakad hanggang sa nakarating kami sa tapat ng isang pintuan. Binuksan ito ng kawal na nasa harapan ko at doon ay nakita ko kabuuan ng silid na yun. Kulay krema ang dingding habang ang mga makakapal na kurtina ay kulay pula.  Mayroon ding doong malaking higaan na sa tingin ko ay kasya ang kahit lima pa ang humiga. Nakita ko ang tatlong babae na naka tali ang kanilang mga buhok ng mataas at lahat sila ay naka puting bistida na hanggang sa talampakan ang haba.

Senenyasan ako ng kawal na pumasok kaya pumasok nalang ako. At agad naman nilang sinara ang pinto. Nilibot ko ang mata ko sa buong lugar. May roon ding palang veranda ang silid na ito. At malawak rin ang silid na ito para sa isang titira. Naalala ko ang dati naming tinutuluyan. Kalahati pa nga lang ata yun kumpara sa isang silid na ito.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Where stories live. Discover now