KABANATA LXXI

10 4 5
                                    


KABANATA LXXI
•ACCEPTANCE•


THIRD PERSON'S POV

"Y-YUEI?" naluluhang saad ni Snahhan habang naka titig kay Yuei na may malawak na ngiti sa labi. 

"Yes. It's me Snahhan." Naka ngiting sambit nya. At sa isang iglap ay bigla na lamang syang napa singhap nang walang pasabing niyakap sya ng kapatid. 

"It's really you Yuei!" naiiyak na sambit ni Snahhan habang mahigpit ang pag kakayakap kay Yuei. Gumati narin ng yakap si Yuei habang hindi parin matanggal ang malawak na ngiti sa labi. 

Nang kumalas sila sa pag kakayakap ay agad na napa daing si Snahhan ng bigla na lamang syang pitikin sa noo ni Yuei. 

"Aray! Anong problema mo?" naka ngusong sambit ni Snahhan pero napa iling lang si Yuei. 

"Ikaw. Bakit mo naman kami sinugod? At tinakot mo pa sina Hanna at Archer."naka pamewang na panenermon ni Yuei. Mas lalong humaba ang nguso ni Snahhan at napa kamot ng batok. 

"E-Eh kasi—malay ko ba kung hindi naman talaga kayo kalaban. Tyaka hehe mukang masarap ang dugo nyo." napa iling nalang si Yuei dahil sa naging sagot ng naka babatang kapatid. Muli nya itong pinitik sa noo. Kaya muli na naman iting dumaing. 

"Aray! Ano na naman ba 'yon Yuei?!"Iritadong daing nya. 

"I'm three years older than you yet you're not even treating me as one." sermon sa kanya ni Yuei pero binelatan lang sya ng kapatid at tinalikuran. 

"Aba't—"

"Captain! Good news! Nagagamit na uli namin ang magikē namin!" pag uulat ni Kinos. Bigla namang lumingon uli si Snahhan sa kanila ng naka kagat labi. 

"Uhm. About that." panimula nya. "Sorry. I'm the reason why you can't—uhm use your magikē." Pag papaliwanag nya. 

"Is that you're Magikē?" Tanong sa kanya ni Kinos napa iling naman si Snahhan. 

"No. Sadyang nasa teretoryo ko lang talaga kayo so I can control any one who's inside this Pyramid." pag lilinaw nya. Bigla naman sumulpot si Hanna na ngayon ay malaya na uling nakakapag lakad dahil kay Snahhan. 

"Grabe di ko tuloy malaman kung kampon ka ba talaga ni Medusa o ni Cleopatra." pag bibiro nito. Nagkibit balikat naman si Snahhan. 

"Well my full name is Snahhan Cleopatra Lorthus." pag mamalaki nito. "Oh by the way hindi pa ba nag gigising ang isa nyo pang kasama?" Pag iiba nya. Napa iling naman si Hanna. 

"Hindi pa eh. By the way hindi pa ba nasasabi sa 'yo ni Captain?" Balik na tanong nya. Napa lingon naman ang si Snahhan sa kapatid pero naka kunot lang din ang noo ni Yuei na para bang hindi naiintindihan ang sinasabi ni Hanna. 

"Oh I see. Hindi pa pala nasasabi ni Captain ang tungkol sa kanila ni Saigie."Naiiling iling na sambit ni Hanna. "Well she's your sister-in-law." Nanlaki ang mga mata ni Snahhan at napa tingin kay Yuei upang kumpirmahin ang nalaman. At batay sa kinikilos nito ay totoo nga ang nalaman nya.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Where stories live. Discover now