KABANATA VI

29 5 0
                                    

KABANATA VI
•ZODIACUS ACADEMY•

Naka higa ako sa kama habang patuloy na iniisip ang naging pasya ng hari. Tsk. Gusto lang nya akong makapag aral sa paaralan ng mga Sancire dahil gusto nilang bumawi sa pag kakamali na nagawa ng heneral nila. Hindi yun sapat! Mas gugustuhin ko pa na buhayin nila ang pamilya ko kaysa sa papag aralin nila ako.

Pero dahil sa mayabang na heneral na yun ay napa payag ako na mag aral sa paaralan nila. Papatunayan ko sa kanya kung sino ba talaga ang inaalipusta nya.

Napa tayo ako at nag punta sa veranda. Nandito ako sa silid na tinulugan ko kagabi at sabi ng hari ay dito muna ako hanggang bukas at pupunta na ako sa academy. Maayos narin ang kwarto dahil inayos na ito ng mga tagapagsilbi kanina. Bigla namang sumagi sa isip ko ang nang yari kanina dahilan upang mag mistulang umakyat ang lahat ng dugo ko papunta sa muka ko. Arrgghh! Ano kaya ang iniisip ng mga pumasok kanina habang nadatnan kami ni Tauei sa ganong posisyon? Ahhhh!

Kinukulit pa ng isang babaeng kasama nina Leo. Oo si Leo na malaki rin ang atraso sakin. Kasama nyang pumasok ang mga kasama nyang lalaki sa mundo ng mga abhor na sina Scium Fisc at Caper. May kasama din silang dalawang babae at yung isang madaldal ang nangungulit kay Tauei. Ako nga sana yung kukulitin nya kung di ko lang sya binigyan ng masamang tingin.

Pinagmasdan ko ang kalangitan at mga bituin na agad ang nakita ko. At dahilan upang mapa ngiti ako.  Ngayon lang ako nakakita ng bituin sa tanang buhay ko. Ang ganda pala talaga nila. Gusto ko silang hawakan gamit ang mga kamay ko pero hindi ko maabot.

Nakita ko rin ang cresent moon sa kalangitan. Gaya nga ng kwento ni kuya Lanster ay napaganda nga nya. Si kuya Lanster ang nag kwento sakin kung ano ang meron sa mundo ng mga Sancire na wala sa mundo ng mga abhor. Kung siguro buhay lang sya ngayon ipag mamayabang ko sa kanya na nakita ko na yun. At hindi ko narin sya aasarin na matanda.

Kung hindi lang dahil sa kanila baka ngayon ay masaya pa ako—kami.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa muka ko. At agad namang sumalubong sakin ang kulay kremang kisame kaya napa bangon ako. Kaagad kong nakita ang isang simpleng bistida na kulay lila.

Agad akong nag punta sa banyo at pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay sinuot ko ang bistida at hanggang sa itataas yun ng tuhod ko kaya hindi ako kumportable kahit pa long sleeve yun.

Sakto namang may kumatok sa pinto at may pumasok na babae at hinatiran ako ng pagkain. Hanggang ngayon ay naninibago parin ako sa mga pagkain dito. Dahil sa mundo ng mga Abhor ang tanging pagkain lang doon ay tinapay prutas at gulay. Minsan lang din kami maka kain ng kanin. Kaya naninibago ako sa mga pagkain dito lalo na sa tinatawag nilang karne ngayon nga lang ako nakakita ng ganito sa tanang buhay ko. Sa una ay nag dadalawang isip pa ako kung kakainin ko yun pero ng matikman ko ay nag bago ang isip ko masarap pala talaga yun.

Di ko na namalayan na natapos na pala ako sa pag kain.  At dumating narin ang susundo sakin papunta sa academy.

Nasa tapat kami ng tarangkahan ng palasyo at nasa tapat ko narin ang kalesang sasakyan namin at hila hila ito ng isang puting pegasus. At ngayon lang din ako naka kita ng isang pegasus sa personal. Dati ay nakikita ko lang ito sa mga aklat ni kuya Lanster.

"Nawa'y magustuhan mo doon Saigie" wika ng Reyna at tumango naman ako pero nagulat ako dahil bigla nya akong niyakap. Hindi ko alam pero bigla nalang akong nakaramdam ng parang pamilyar na yakap. Parang ang aking katawan ay matangal nang hinahanap hanap ang kanyang mainit na yakap.

Hindi ko na namalayan na gumaganti na pala ako ng yakap. At nang kumalas na kami ay hinawakan nya ang aking pisngi ng marahan dahilan kung bakit bigla akong mapa ngiti. Isang ngiti na galing mismo sa puso ko. Ngayon lang din ako ngumiti ng ganito ka sinseryado mula nong mangyari ang mapait na karanasan sa buhay ko. Ewan ko ba pero parang may humahaplos sa puso ko.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon