KABANATA XX

19 3 0
                                    

KABANATA XX
•TEARS FROM THE PAST•

NAPA mulat ako ng mata at agad na sumalubong sakin ang parang pamilyar na boses kaya agad akong napa mulat at ganon nalang ang pang lalaki ng mata ko nang makita ko ang pamilyar na pang yayari. Nagsimula nang manggilid ang luha ko dahil sa nakita ko.

"I-imposible"

Napa pikit uli ako at napa mulat upang masigurado na hindi lamang gawa gawa ng utak ko ang nakikita pero hindi—nakikita ko talaga.

"Ouch. It's hurts as hell!" Iniwas ko ang paningin ko doon at napa lingon ako sa kasama ko. Naka hawak sya sa balikat nyang may sugat at mukang naunang tumama ang balikat nyang may sugat sa lupa.

Itinuon ko uli ang paningin ko sa paligid. Pano naman kaya kami napunta dito tyaka wala naman to sa mga istorya na may Bundok Homos.

"Where are we?" Hindi ko nalang pinansin ang tanong ng katabi ko at inilibot ko ang paningin ko sa lugar na kinalalagyan namin. Parang naninibago rin ako sa paligid dahil nasanay na ako sa liwanag.

Nag simula akong mag lakad at napa sunod naman si Yuei sakin. At habang nag lalakad ay—

"Aray" daing ko at napa hawak ako sa balikat ko ng may sumagi doon kaya inis kong tinignan si Yuei pero nang mapansin naman nya yun ay kinunutan nya ako ng tingin.

"Nakakainis ka na ah." Irita kong sabi sa kanya na mas lalong nagpalalim ng guhit sa noo nya.

"What are you talking about?" Inis na tanong nya sakin. Bwisit talaga to nag kukunwari pa.

"Wag ka na ngang mag maang maangan—!"

"Hala paumanhin ate hindi ko po sinasadya. Hinahabol po kasi ako ng mga kawal na Sancire" napa lingon ako sa likod ko kung saan nang galing ang boses na narinig ko. Dahilan upang mang laki ang mga mata ko.

"H-hah—"

"The heck!"

"Kuya, ate sige aalis na ako! Nandyan na sila!" Aligaga nyang sabi at nag mamadaling umalis sa harapan namin. Napa awang naman ang bibig ko habang naka turo pa ang hintuturo ko sa batang tumatakbo. Ilang segundo pa ang dumaan bago ako tuluyan maka pag salita.

"I'm not hallucinating r-right?" Wala sa sarili kong nasabi.

"Why the hell did that kid saw us?" Taka rin nyang sabi at iniling pa ang ulo.

"Ugh! Ano ba talaga ang nang yayari bakit tayo napunta sa mundo ng mga Abhor?!" Konti nalang talaga at mababaliw na ako. Pano ba naman kasi kami napunta sa mga Abhor? At isa pa ay—arrggh! Pano ba naman kasi kami nakita nong bata?

"I really don't know what's really happening here. But if you'll take a look. There's already a color—" hindi ko na natapos ang pakikinig ko sa kanya  unti unti ko naring napansin na may kulay na ang paligid pero madilim naman at nang gagaling lang sa mga apoy ang liwanag.

"Hanggang dyan lang kayo!" Para naman akong nanigas sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses na yun. Ang heneral ng mga Sancire.

Napa lingon ako sa likuran ko at ganon narin ang ginawa ni Yuei at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang kasama nya. Parang deja vu lang.

"Kayong dalawa! Bakit kayo naka suot ng uniporme ng Zodiacus?!" Napa tingin naman ako sa suot ko.  Sh*t oo nga pala naka suot parin kami ng uniporme pero madungis na yun. Pero ang nakakapagtaka lang bakit parang hindi nila kilala ang kasama ko? Tyaka di ba sila nag tataka kung bakit dalawa ang Yuei na nakikita nila?

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon