KABANTA XVI

24 6 7
                                    

KABANTA XVI
•THE QUEST•

"HMM ang sharap nito ah"

"Hmm lalo na dahil masaram din yung sauce"

Hindi na talaga mag tatagal. Konting konti nalang  talaga at malulusaw na ako sa ingit habang pinapanood sila Haidie na nag sisikain habang ako ay bagot na naka tingin sa kanila na kulang nalang mag laway habang itong katabi ko naman a parang wala lang pakialam sa mundo dahil naka tingin lang sya sa mapa at compass.

"Dapat pala talaga bumisita tayo dito  paminsan minsan ang sasarap ng mga pagkain na paninda nila"

"Oo nga pati narin ang mga tela na nandito ay ang gaganda ng pagkakahabi. Gusto ko tuloy bilhin ang lahat lalo na dahil kulang narin ang mga tela na palagi kong ginagamit sa pag tatahi."

Naka tulala lang ako habang pinag mamasdan sila na kumakain nandito kami ngayon sa mga bench na magkakaharap naka upo. Katabi ko si Yuei at magkatabi naman sina Caper at Scium sa iisang bench at mas malapit sa kanila si Yuei kesa sakin habang kaharap naman namin ang inuupuang bench nina Haidie at Pristine habang katabi ko naman ang inuupuang bench ni Leo. Silang lima ay may kanya kanyang kinakain habang kami ni Yuei ay wala. Well mukang wala naman atang kaso yun kay Yuei dahil nasa mapa lang ang atensyon nya pero ako gutom na idagdag mo pa na kanina pa kami nag lalakad at ngayon nga lang din kami naka upo.

Napa sandal ako sa sandalan ng bench at iniwas ko narin ang paningin ko sa mga kumakain dahil alam ko na mas lalo lang akong magugutom kung patuloy ko silang titignan. Sa halip ay tinignan ko nalang ang mga bata na nag lalaro di kalayuan samin. Mahahalata mo ang saya sa kanilang mga muka habang nag lalaro. Bigla naman akong naingit sa kanila. Kailan man ay hindi ako naka pag laro ng ganyan noong bata pa ako. Dahil sa murang edad ay naranasan ko ang hindi dapat maranasan ng isang inosenteng batang walang muwang.

Napa pikit nalang ako. Gustuhin ko mang mag cross arms pero ang isa kong kamay ay naka tali at sigurado akong magiging dragon yung katabi ko kapag ginawa ko yun. Ilang sandali pa ay pinukos ko ang aking tengga sa pakikinig ng nasa paligid pero—

"Aray!" Aagad akong napa mulat at napa daing dahil sa bagay na tumama sa muka ko kaya sinamaan ko ng tingin ang mga kasama ko pero lahat sila ay napa tawa at kapag titignan ko sila ng masama ay nag kikibit balikat lang sila na para bang pinaparating na hindi sila ang salarin. Until my gaze landed to Leo's face who's currently smirking. And by that moment alam na alam ko na sya talaga ang salarin. Tinaliman ko sya ng tingin pero di nya lang yun pinansin. Kaya akmang ibabato ko na sa kanya  ang bagay na ibinato nya ng mapagtanto ko na tinapay pala ang laman ng supot nayun.

"I don't want anyone watching me while I'm eating specially when it's drolling" tinaliman ko sya ng tingin ng sabihin nya yun naka pikit kaya ako. Pero dahil gutom ako kaya kinain ko nalang ang pagkain na binigay—este binato nya sakin. Bat di nalang talaga nya sabihin ng direkta na gusto nya akong bigyan ng pagkain?

Nag patuloy sina Haidie sa pag iingay pero hindi nalang ako nakisama pa dahil gutom ako at Nang mangalahati na ako sa pagkain ay napa lingon naman ako dito sa katabi ko. At doon ko nalang naalala na di pa pala kumakain to at tanghali na ngayon. At dahil hindi naman ako pinalaki ni kuya Lanster na madamot kaya inalok ko sya ng tinapay kahit na kinagatan ko na yun.

Kinalabit ko sya at padabog naman nya akong tinignan. "Gusto mo?" Alok ko sa kanya pero binigyan nya lang ako ng nakakadiring tingin. Pasalamat nga sya at inalok ko pa sya eh. Ang laki nga ng atraso nya pero hindi ko naman gugustuhin na mamatay sya agad. Syempre dahil gusto ko na ako mismo ang pumatay sa kanya with my own barehand.

"Okay ayaw mo naman pala eh. Sakto gutom pa ak—" di na natapos ang sasabihin ko dahil kinuha na nya ang tinapay na kanina lang ay hawak ko at kinain yun. Lihim naman akong napa ngiti.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Where stories live. Discover now