KABANATA LXXVIII

10 3 0
                                    

KABANATA LXXVIII
•EURE DIMENTION•

"ARE YOU SURE YOU'RE okay?" sinamaan ko ng tingin ang katabi ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na nya akong tinanong nyan. 

"I'm fine okay? I'm still alive and breathing " giit ko. Narinig ko naman ang kanyang buntong hininga. Okay naman talaga ako naka inom na ako ng healing potion. And guess what? Talagang sinadya lang nila na hindi ako gumaling ng mabilis. Isang patak pa nga lang ng potion na 'yon ay agad nang nag hilom ang sugat ko. 

"If you say so. But tell me if you feel something strange—"

"Jusko naman Captain di mo ba na-fe-feel na mukang banas na banas na si Saigie sa kakatanong mo? Baka mamaya hiwalayan ka pa nyan." sinamaan ng tingin ng Yuei si Hanna dahil sa pakikisingit nito. 

"How can you ne so sure na sina Pristine talaga ang traydor? I mean she's too good kaya mukang—" agad na naputol ang sasabihin pa ni Caper nang bigla nalang sumabat si Hanna. Nakalimutan ko nga palang sabihin na nasa isang sala kami kasama ang Z maliban nalang syempre kina Pristine ay Justice.

Hanggang sangayon ay hindi parin talaga ako maka paniwala sa mga nang yayari. Iniisip ko pa nga lang kung ano nalang kaya ang mang yayari sakin kapag sumama ako sa kanila noong mga panahon na nasa dungeon pa ako. Malamang ay isa narin akong Mescreant lalo pa dahil magulo ang isip ko sa mga panahong iyon. 

"Nakakahiya naman. Kayo kaya ang tanungin ko. Bakit nyo naisip na traydor si Saigie kung napaka buti naman nya. Tch may utak ka ba?" pang iinsulto ni Hanna. Napa irap naman si Caper habang kami ay hinihintay lang ang mga susunod na mang yayari sa debate ng dalawa and this time ay may sense narin sa wakas ang debate nila. 

"I know at nag dadalawang isip din naman akong maniwala sa mga bintang nila sa kanya. Pero isipin mo din. May koneksyon si Saigie sa Gaudia dati at sakto namang may naiwan ang isa sa mga Mescreant na simbolo ng Gaudia kaya sya agad ang napag bintangan." agad na nakuha noon ang atensyon ko. So someone's trying to set up me para maka sali talaga ako sa mga Mescreant. Ngayon ay naliliwanagan narin ako kung ano ang dahilan kaya ako napag bintangan. Pwedeng talagang may gustong mag set up sakin o pwede ding may isa pa sa mga kasapi ng Gaudia na kasama nila. Pero patay na sila—oo nga pala buhay pa si kuya Lanster—este si Maximus—o kung ano man ang pangalan nya—kaya hindi na imposible na may isa pa sa mga Gaudia. 

"Teka lang. Anong simbolo? Tyaka Gaudia? Sounds familiar—teka lang! Anong itsura no'n!" gulat na tanong ni Hanna. Wait anong ibig nyang sabihin?!

"Isang maliit na ginto na hugis tatsulok na may naka sulat na Gaudia." Si Ion na ang sumagot sa tanong ni Hanna. Agad namang nanlaki ang mga mata ni Hanna at napa kumpas ang kanyang kamay sa ere na para bang may pumasok sa isipan nya. 

"Wait! Yan yung nakita ko! Pero wala na yun sakin at naiwan ko sa kwarto ko sa dati nating dorm—teka! Diba si Pristine yung nag renovate!—That's it baka sya nga ang nag set up kay Saigie!" at biglang napa tayo si Hanna. Napa kunot ang noo ko dahil sa narinig. Sa pag kakaalala ko ay hindi wala naman akong ganong gamit pero isang gintong tatsulok? Pamilyar talaga eh!

"T-teka saan mo ba nakita yun?" Usisa ko. Napa balik naman sya sa pag upo at napa isip. 

"Sa pag kakaalala ko nakita ko yun no'ng umalis sina Captain para hanapin si Kinos. At nang pabalik ako sa dorm may nakita akong lalaki na… Na naka suot ng parang… parang isang—parang isang magician!" pag ku-kuwento nya habang pilit na inaalala ang mga nang yari. At ang mga kwento nya ay isa lang ang tinutukoy. Walang iba kundi si—

"Mag mula nang tumapak ka sa mundo ng mga Sancire ay palagi na akong naka sunod at naka subaybay sa'yo Saigie." Agad kaming napa baling sa bigla na lamang dumating. Walang iba kundi ang nag palaki sakin. Pero hanggang ngayon ay malaking pala isipan parin sakin kung bakit sya nabuhay.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Where stories live. Discover now