KABANATA XXXIX

13 3 0
                                    

KABANATA XXXIX
•THE WEDDED'S QUARREL•

PADABOG KONG winalis ang maalikabok na sahig dito sa abandonadong silid.

"F*ck!" Narinig kong nag mura ang Toro. Ang dumi talaga ng bibig nito.

Pinagpatuloy ko ang pag wawalis at mas lalo pang nagsiliparan ang mga alikabok. Ilang siglo bang hindi nalinis to?

"The hell! Stop that will you!" Inis kong nilingon at tinaasan ng kilay ang nag salita.

"Hoy Toro! Wala kang karapatan na mag inarte dyan" sermon ko sa kanya pero ang Toro ay tinaasan lang ako ng kilay at malamig na tinignan.

"Argh! Bahala ka na nga dyan! Basta kapag talaga dumating si headmistress di ko na problema yun!" At pinagpatuloy ko na ang pag wawalis at dahil sa inis ko ay sinasadya ko talaga na walisin papunta sa kanya ang mga alikabok lalo pa't nasa lapag lang sya naka upo.

"Heck! Stop it!" Ewan ko pero ang saya talaga ng nararamdaman ko kapag naririnig ko syang naiirita. Weird? Siguro nga nahahawaan na ako nina Hanna at Haidie.

Imbis na tumigil ay mas lalo ko pang winalis ang mga alikabok papunta sa kanya. Napa ngisi nalang ako nang marinig ko syang umubo.

"Stop it! The f*ck!" Kung kanina ay napaka lamig ng boses nya ngayon naman ay kulang nalang ay mag apoy sya sa galit ay bumuga nga apoy. Hmm ano kaya ang itatawag ko sa kanya ngayon? Dragon o Toro?

"Hmmm~mmm" nag papanggap lang ako na walang naririnig. Mamatay sya sa inis. Pinagpatuloy ko ang pag wawalis—este pang iinis sa kanya. At nang balingan ko sya ay para tignan ang nakakatawang itsura nya at gaya nga ng inaasahan ko ay kulang nalang ay sumabog sya sa inis.

"Archer! Hell! Stop it!" Nag bibingi bingihan ako at nang pasimple ko syang nilingon ay kulang nalang ay pumutok ang mga ugat nya. Ang babaw talaga ng kaligayahan ko.

Natawa ako dahil para syang tangang kinakausap ang hangin. Now talagang alam na nya kung ano ang feeling ng kinakausap ng walang pakialam.

Naramdaman ko na papalapit na sya ng papalapit sakin kaya agad akong naalerto at dahil sa pagkataranta ko kaya aksidente ko syang nahampas. Patay!

"The f*ck! Y-you—b-b*tch!" Nangangalaiti nyang sigaw at talagang umalingaw ngaw yun sa loob ng maduming kwarto. Napa pikit naman ako at napa kagat sa ibaba kong labi. Hindi ko naman talaga yun sinasadya tyaka kasalanan naman talaga nya eh. Kung sana hindi nalang sya lumapit sakin baka sana hindi ko nalang sya nahampas.

"A—ahmm. A-no" heck! Why am I stammering?!

"I.WILL.KILL.YOU!" Matigas nyang sabi kaya wala sa sariling napa lunok ako. K-kill? G-Goodbye na ba ako?

"T-teka lang naman T-Toro. P-pag usapan n-natin t-to" awat ko sa kanya pero mukang milagro nalang ata ang makaka salba sakin. Specially because I can read in his eyes that there's no way that he'll spare my life. Oh God and Goddesses please save me!

Kulang nalang ay malunok ko pati ang dila ko nang bigla nalang syang nag labas ng pulang apoy sa kamay nya. Napa pikit ako at hinintay ang kamatayan ko. Kung mamatay man ako ngayon ay mumultuhin ko nalang si Toro.

Kahit na naka pikit ako ay nararamdaman ko ang init ng apoy na bumubulusok papunta sakin. Pero mukang hindi yata yun ang makakapatay sakin dahil maski ang paghinga ko ay tinigil ko dahil sa sobrang kaba nararamdaman ko narin na namamawis at nang lalamig ang kamay ko.

Pero nagulat ako dahil narinig ko ang pag bukas ng pintuan at dahil sa kuryusidad ko kaya napa mulat ako para tignan ang nang yayari at sumalubong sakin ang galit na muka ni headmistress.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Where stories live. Discover now