Chapter 86: Gustong Magpaligaw Ni Hannah

86 10 0
                                    

Tumayo na rin si Jiggo at hinawakan siya sa magkabilang balikat.
"What do you mean na ako lang ang umangkin sa yo? You turned me down and married that... Old Casanova, remember?!"

Nagpanting ang tenga ni Hannah sa tila pang iinsulto ni Jiggo sa yumaong don Pepe.
"Don't you dare try to insult my late husband, you know nothing about him!"

Parang sinampal si Jiggo sa sinabi ni Hannah, ipinagtanggol na ay ipinamukha pang HUSBAND niya ang don Pepe na yun, talaga bang mas mahal ng babaing ito ang matandang yun kaysa sa kanya? Siya ba talaga ang nasa isip ni Hannah kanina habang may ginagawa sila o ang yumaong asawa ang pinapantasya nito.

Dahil sa naisip ay tila binuhusan ng malamig na tubig ang kani kanina lang ay nagliliyab na kaligayahan ni Jiggo. Parang maiiyak na binitawan si Hannah at lulugo-lugong nagsuot ng damit.

Nakunsensiya naman si Hannah nang makitang nalungkot si Jiggo, gusto niya itong lapitan at muling yakapin at halikan. Damhin uli ang init ng pagmamahal, pero ayaw na niyang bawiin ang sinabi. Ayaw niyang may magsasalita ng hindi maganda tungkol sa taong pinagkakautangan niya ng napakaraming mabubuting bagay.

Anyong lalabas na siya nang kuweba nang habulin siya ni Jiggo.
"Where do you think you're going?"

"Uuwe na ako!"

"You will be sailing alone at this duskiness of the night? Are you crazy?!"

"Oo, mabuti na'ng makipaglaro sa mga alon sa dilim ng gabi kaysa makasama sa isang kuweba ang isang taong sin-talas ng espada ang dila!"

Natauhan si Jiggo, humarang siya sa dadaanan ni Hannah at humingi ng tawad.
"Promise, hindi na ako magsasalita ng against sa kanya, hindi na ako magseselos kahit kailan. I suffered enough for almost two decades, huwag mo na'ng dagdagan please?!"

Lihim na napangiti si Hannah, at last narinig niya rin sa mismong labi nito na hindi lang siya ang nagtiis ng matagal.
"P-paano si Kaye?"

"She gave up, she knows that i will never be happy with her and i can no longer live if i let go of the chance to be with my son and his mother whom I love the most!"

Gusto nang malusaw ni Hannah at puluputan uli ang lalaki, pero nagpigil siya. Ang lagay ganun ganun na lang?

Sumabat ang kabilang side ng utak niya. Hus, ngayon ka pa magpakiyeme? Eh nauna ka ngang pumulupot kanina!

"Oo nga, pero hindi na mauulit yun. Hindi ko na ibibigay uli ang sarili ko sa kanya nang ganun lang kadali, kailanga'ng paghirap... Umph!"

Nasa mga bunganga niya uli ang mga labi ng binata.

Nakalimutan ni Hannah ang planong pagpapakipot, nawala na naman siya sa sarili at tinugon ang kapusukan ni Jigo.

Nang humupa ang apoy sa pagitan nila, nakangiting hinalikan ni Jiggo ang noo ng babae habang nakaunan ito sa braso niya.
"I love you, so much!"

Parang iniakyat sa langit si Hannah, ito ang nawawalang eksena sa mga unang beses na nagtalik sila, yumapos siya sa bewang ni Jiggo at isinubsob ang mukha sa dibdib nito para itago ang pagdaloy ng mga luha.

"H-hey! Did I say something wrong ? I'm sorry!"

"It's just a tears of joy! "

Nakahinga nang maluwag si Jiggo nang na-realized na tears of joy ang pagluha ni Hannah. Inulit niya ang pagsasabi dito kung gaano niya ito kamahal.
"I love you, please say you love me too!"

Bumalikwas ng bangon si Hannah at saka humalukipkip.
"Manligaw ka muna!"

"W-what? Are you kidding?"

"No, it's serious! Manligaw ka muna at saka ko pag iisipan kung sasagutin kita o hindi? Ang lagay, yung ibang mga babae niligawan mo, tapos ako hindi!"

Tumawa muna nang tumawa si Jiggo. Hindi niya alam kung nagbibiro ito o hindi pero sinakyan niya.
"But I never court any one my love, sila ang lumigaw at nanuyo sa akin!"
Na tutuo naman.

Lihim na natuwa si Hannah pero pinanindigan niya ang hamon.
"Kahit na! Basta ligawan mo muna ako, paghirapan mo muna ang 'I love you too' ko."

Tumayo siya at muling hinagilap ang mga damit.

"You're ridiculous! May anak na tayo at nakakadalawang round na tayo para sa second baby natin, gusto mong ligawan pa rin kita?!"
Tawa pa rin ng tawa si Jiggo at napipikon na si Hannah.

"I don't care kahit ipanganak ko uli ang second baby natin na ako lang mag isa, basta hindi ako papayag na hindi ka muna manligaw, tapos!"

Nang mapunang seryoso si Hannah, tumigil na sa pagtawa si Jiggo.
"Fine, fine, manliligaw na po. And let me start it by fixing this tent para maging comfortable ang mahal ko!"
Sabay dampot ng portable tent.

Walang pakundangang inayos nito ang tent nang hindi man lang muna nagsuot ng kahit anong saplot ng katawan.

"Magdamit ka kaya muna!"
Sita sa kanya ni Hannah na noon ay nakapagbihis na.

"No need. Don't like the view?"
Tatawa tawang sagot ng lalaki na aninag ang kabuoan sa liwanag na nagmumula sa siga.

Iniwasan na lang ni Hannah na tingnan siya, pero parang may sariling isip ang mga mata niya na kusang sumusulyap sa direksiyon ng lalaki.

Nang maayos na ang tent, inaya na niya si Hannah na pumasok sa loob nito.
"Let's catch some sleep, pareho tayong magda drive bukas, remember?"

Nagpakipot na naman siya.
"Ikaw na lang, okey na ako dito. Pagbukang liwayway uuwe na ako at baka iyak na ng iyak ang anak mo!"

Walang sabi sabi na binuhat siya ni Jiggo.
"Ayy!"

Nang maipasok siya nito sa loob ng tent ay muli siyang tinalo ng sobrang pagmamahal at pananabik sa lalaki.
"Manliligaw pa rin ba ako?"

"Sandaang beses mo man akong gahasain ngayon, hindi pa rin magbabago ang isip ko na hindi mo makukuha ang Sagot ko pag hindi ka nanligaw nang maayos!"

"Fine, sige!"
Nasapo ni Jiggo ang noo sa ka-wirduhan ng babaing katabi.

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon