Chapter 4: Swimming In The River

93 7 0
                                    

"Ay kabayong makikisig, ehe! Kayo po pala senyorito Edison, senyorito Jiggo?"
Bati ng isang may edad nang babae.

"Pasensiya na po kung nabulabog namin kayo! Aling Iska, ilang beses ko po bang hilingin sa inyo na Edison lang ang pangalan ko kaya yun lang po ang itawag niyo sa akin, haha!"
Bumaba sa kabayo ang binatilyo at magalang na yumukod sa mga naroroon.

Samantalang nananatili lang si Jiggo sa ibabaw ni Tammy, hind siya makapagdecide kung bababa o hindi dahil dis-appointed siya na hindi pala nila masosolo ang ilog.

"Magagalit po sa amin si senyora Elena, siya ang nagbilin na iyon ang itatawag namin sa inyo!"
Sabat ni Hannah na noo'y nagliligpit na ng kainainan nila.

"O Hannah, bakit tumigil ka na? Mukhang wala ka pang nakakain ah! Buti pa ay saluhan mo kami ng pinsan ko."
Sabay lingon kay Jiggo na nagpapaikot ikot lang sa paligid habang sakay pa rin ng kabayo.

"Couz come down here, akala ko ba gutom ka na?"

Umiiling si Jiggo habang palapit sa kinatatayuan niya pero ayaw pa ring bumaba.
"I-i think, this is not a good idea couz, i dont want to disturb them!"
Pero sa loob loob niya'y siya ang ayaw ng ibang tao at ayaw ng istorbo.

"Come ooon, they're like a family to me, they wont mind. Baba na at sasaluhan tayo ni Hannah, di ba Hannah?"

Pero hindi siya sinasagot ni Hannah, dahil abala ito sa pagtitig kay Jiggo na tila nangangarap at kinikilig.
"N-napaka gentle man niya, ayaw niya kaming maistorbo. At saka, my gosh, ang guwapo niyaaa!"

Kung tutuusin, alam ni Hannah na walang itulak kabigin sa hitsura ng magpinsan, pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit iba ang dating ni Jiggo sa kanya. Parang naaawa siya sa malungkot na mukha ni Jiggo.

"Hannah?"
Ulit na tawag ni Edison sa kababata na hindi nawawala ang matamis na ngiti sa mga labi.

"Ah, h-ha? B-busog na kasi ako Edison, kung g-gusto mo sa inyo na lang ng pin... Ni sir Jiggo ang mga ito, paborito mo ang paksiw na galunggong at okoy di ba?"

"Just call him Jiggo, haha! Gusto ko talaga yan pero, i insist na saluhan mo kami para matikman mo din ang ulam namin. Teka maglalatag lang ako. Here... We have hot dog, adobong chicken, steak at, what else do we have? Hmm, green salad and leche flan, halika na! "

Nang makita ang mga pagkain, Muling kumalam ang sikmura ni Jiggo kaya atubili siyang bumaba at tahimik na umupo sa nakalatag na picnic mat habang sinusundan pa rin siya ng tingin ni Hannah at ng iba pang naroroon.

"Halika na Hannah, para may muse kami dito haha!"
Tawag uli ni Edison na tila balewala sa kanya ang mga pagtingin tingin ng crush niya sa pinsan na walang pakialam sa mundo.

"Ibang iba siya kay Edison, mukhang nagkamali ng tinubuang sinapupunan  ang batang ito, doon siya dapat lumabas kay senyora Elena, mas magkaugali sila eh!"

"Shhh, marinig ka isumbong tayo niyan!"
Di maiwasang magbulungan ng mga chismosa. Naririnig sila ng magpinsan pero wala silang pakialam.

"Busog na talaga ako Edison, salamat na lang!"

"Magpapak ka na lang ng hotdog, sige na please?"

"Ang kulit mo, sige na nga!"

Noon lang sumabat si Jiggo na tila hindi nagustuhan ang pagtawag nito sa pangalan ni Edison.
"Wait, did i hear it right? She just called you Edison?"

"Yup, what's wrong about that? I'm the one who refused to be called  Sir or Senyorito."

Namula naman sa matinding pagkapahiya si Hannah pero hindi siya nakadama ng pagkainis dito.
"Kasalanan ko, hindi ko dapat na tinawag sa pangalan si Ed... Sir Edison. S-sorry!"

"Hey, huwag kang magsorry. Ako ang may gusto nun kaya huwag kang humingi ng despensa! Kumusta na nga pala ang pag aaral mo? Malapit na ang district meet, ikaw pa rin ba ang representative ng school niyo?"
Pag iiba ng binatilyo para mawala ang tensiyon.

Kiming tumango si Hannah, ayaw na niyang magsalita dahil hindi na niya alam kung pano ia-address si Edison.
" I knew it! Wala na kasing mas huhusay pa sa iyo, haha! "

Binilisan ni Jiggo ang pagkain at saka nag ayang umuwe.
"Akala ko ba, gusto mong maligo sa ilog?"

"I changed my mind, biglang sumakit ang ulo ko, eh!"

"Ow, come on. Nahihiya ka lang yata sa kanila eh! Remember, you need to practice for the compitition."

Padarag na naghubad ng pants at tshirt ang binatilyo saka isinabit sa isang mababang puno ang bag at ang mga hinubad.
"Alright, you win. Lets go!"

Biglang napatalikod si Hannah nang matambad ang katawan ni Jiggo na tanging shorts lang ang suot.
"A-ang kinis at ang putiii!"

Mula noon lagi na'ng inaabangan ni Hannah ang paglabas sa mansion ng magpinsan at habang tumatagal ay tumitindi ang pagnanasa niya na laging makita si Jiggo.

"Lord, bakit ganito ang nararamdaman ko kay sir Jiggo? Para akong lalagnatin pag hindi ko siya nakikita sa loob ng isang araw, huhu!"

Lumipas ang tatlong taon, consistent si Jiggo sa pagiging representative sa singing category ng academy nila at si Edison pa rin sa mga quiz bees.

Hanggang sa i-announce na magkakaroon ng All school battle sa buong bayan kabilang ang mga public schools isa na ang eskuwelahan nina Hannah.

"No way, its unfair! Hindi ba malaking insulto yan sa ating mga taga academy at sa ibang private school?"
Reklamo ni Jiggo.

"What's wrong, are you threaten? Maiinsulto ka kung magpapatalo ka, so you better practice well, dear cousin, haha!"
Sagot ni Edison.

"Are you nuts? Paano kung talunin tayo ng mga taga public schools, wala lang sa yo?"

"Of course! But i will give my very best, then kung matatalo pa rin ako despite giving all that i can, its okey. Every one deserved to win cause every one has a place in this world!"

Napapailing na tinalikuran ni Jiggo ang tatawa tawang pinsan.
"You're impossible,palibhasa ay genius ka!"

Kaya nagpraktis ng husto si Jiggo sa lahat ng category na hawak niya, hindi siya papayag na mapahiya at talunin ng mga taga public school.

Ganoon din si Edison, pero cool lang ito di tulad ni Jiggo na gigil na gigil na manalo.

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now