Chapter 8: Interview

86 9 0
                                    

Doon na nag umpisa ang career ni Jiggo at ang love team na Vinggo, pinagsamang Alvina at Jiggo.

Naging sunod sunod ang movies at teleserye ng dalawa sa kabila ng pagiging Man of few words ng binata, dahil ibinabagay ng mga directors at writers sa personality niya ang mga characters na ibinibigay sa kanya. Kaliwa't kanan din ang mga solo albums niya at duets ng Vinggo.

At ang lahat nang yun ay tinatangkilik ni Hannah, naglalaan siya ng oras at pera para manood ng mga pelikula nila, pati ang mga commercials ay inaabangan niya kahit paulit ulit,sa katunayan ay memorized na niya ang mga dialogue ng Vinggo.

Sa mga guestings at mga interviews, halatang malaki ang pagkakagusto ni Alvina kay Jiggo na mukhang one sided lang naman. Pero dahil sa utos ng manager at demands ng mga fans, pinipilit ni Jiggo na maging sweet sa harap ng camera.

"ANO NA ANG STATUS NIYONG DALAWA, MU, IN A RELATIONSHIP OR GETTING TO KNOW EACH OTHER?"
Ito ang laging tanong sa kanila tuwing may interview.

"AHM, GETTING TO KNOW EACH OTHER PO!"
Sagot ni Alvina na sinang ayunan ni Jiggo.

"MAY POSSIBILITY BA NA MAUWE SA TOTOONG RELASYON ANG LOVETEAM NIYO?"

Si Jiggo ang pinasagot ng host habang nakayuko si Alvina na halatang umaasam.
"WELL, WE'RE ALMOST THERE, MEDYO SINISIGURADO LANG MUNA NAMIN ANG FEELINGS NG BAWA'T ISA!"

Hiyawan sa tuwa ang mga Vinggoans na nasa loob ng estudyo.

"Ouch, sakit nun ah! Mukhang tuluyan na yatang maaagaw sa yo ang mahal mo ah!"

"Tanggap ko na yan noon pa. Imaginin ko na lang na ako si Alvina at ako ang niyayakap at hinahalikan niya sa mga eksena nila at kapag may camerang nakatutok, haha!"

"Sige, makontento ka na lang sa pangangarap, hanggang sa tumanda kang dalaga! Kung ako sa yo, magboyfriend ka na at yun ang imadyinin mong si Jiggo mas mararamdaman mo pa!"

"Ayoko nga! Hayaan mo nang ganito. Pero hindi ko sinasabing magpapaka old maid na lang ako, kapag may isang lalaking dumating na makakapagpa tibok ng puso ko tulad ng naramdaman ko kay Jiggo, tatanggapin ko agad syempre!"

May boyfriend na kasi si Barbie kaya ganun na lang ang pamimilit niya sa kaibigan na makipagrelasyon na din sa iba.
" Tulad niyan, mamaya may date kami ni Garry, maiiwan kang mag isa dito sa bahay! "

" Ayos lang, nasa tv lang naman lagi si  Jiggo eh!"

"Okey fine, bahala kang mainggit kay Alvina, hahaha!"

Minsan, nagkaroon ng solo interview kay Jiggo na talagang inirecord ni Hannah dahil hindi kasama si Alvina.

HOST; Nagka girlfriend ka na ba? "

JIGGO;" No, not yet. S-si Alvina ang f-first girlfriend ko!"
Hiyawan at palakpakan ang mga audience pati ang host.

HOST;" So its confirm then, real couple na talaga kayong dalawa! "

JIGGO;" Y-Yah, ganun na nga haha! "
Halos sumabog ang estudyo sa lakas ng hiyawan ng mga fans sa sobrang tuwa.

Maliban kay Hannah na pinipigil ang sariling umiyak.
"Huwag ka ngang hangal Hannah, anong karapatan mong masaktan? Mabuti man lang sana kung naging close man lang kayo! Hindi porke't binigyan ka ng panyo ay nabaliw ka na!"

HOST; "Ang swerte naman ni Alvina! Pero for sure, ikaw din ang unang boyfriend niya. Nasubaybayan ko ang paglaki ng batang yan kaya walang lihim sa akin."

JIGGO; " B-but there's a certain girl that caught my interest in my youthful days. I kinda like her so much and kept this feelings for a long time! "

Halos sabay sabay na nag sigh ang mga fans pati ang host. Halatang mga dis appointed.

HOST; Did you told that girl about your feelings? Did she find out that you like her?"

Bumuntong hininga si Jiggo at nang i zoom in ng camera man ang mukha niya, halatang malungkot ito at bakas na bakas sa mga mata. Lungkot na tumatagos sa puso ng mga nakakakita lalong lalo na kay Hannah.
" S-sino yun? "

JIGGO; Im not sure if she noticed my feelings. I was so young then and have no right to show or tell her about how i feel!

HOST; Does Alvina knows about this girl?

JIGGO; No! I dont need to tell her about my past. Besides, its over. I had never even got a chance to be closed with her.

HOST; Why?

JIGGO; Can i keep it to my self? I dont want to give a clue, after all its over now. I have already forgotten that feelings!

Pagkatapos ng interview ay nakipagtalo si Hannah sa sarili niya. Buti na lang at may date noon si Barbie kaya walang aawat sa kanya kahit lakasan pa niya ang boses niya.

"Siguradong ako yung girl na tinutukoy niya, wala nang iba!"

"Huwag ka ngang assuming Hannah, bakit, ikaw lang ba ang girl sa mundo?"

"Eh wala naman siyang nalapitan o na kausap na ibang girl maliban sa akin noong mga bata pa kami, ah!"

"Hoy, timang ka ba? Huwag mong kalilimutan na thirteen na siya nang unang umuwe sa Pilipinas, at mula nung seven siya hanggang thirteen years old may tendency na nagkaroon siya ng crush sa lugar na pinanggalingan nila. Ang gaganda kaya ng mga egyptian!"

"Kung sabagay... Siguro nga ay Egyptian ang girl na tinutukoy niya, yun din siguro ang dahilan kaya mukha siyang galit o malungkot parati, dahil inilayo siya agad ng parents niya bago pa man sila naging close."

"Tama! At siguro nung. Bumalik sila sa Egypt ay may iba na o may asawa na yung girl at wala na siyang chance totally dahil ang pagkakaalam ko'y maagang nag aasawa ang mga arabs. At yun siguro ang dahilan na nagloko siya sa pag aaral, nagrebelde siya sa parents niya kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya graduate. At para lalong inisin ang parents niya, pumasok siya sa showbiz! "

" Yah, right! Kawawa naman siya... "
Hindi na napigilan ni Hannah ang tuloy tuloy na paglaglag ng mga luha. Hindi dahil nasasaktan siya na hindi siya ang gusto ni Jiggo, kundi dahil naaawa siya nang husto sa binata.

"Matagal na panahon din siyang nasaktan at nagdusa. Sana maging masaya na siya kay Alvina at tuluyan na niyang kalimutan ang girl na yun!"

"Alvina,mahalin mo siyang mabuti please? At huwag na huwag mo siyang sasaktan kundi, ako ang makakaaway mo!"

"TALAGA LANG HA?"
Napalingon siya sa pinto.

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon