Chapter 5: The Battle

90 7 0
                                    

Samantala, sa isang dako ng hasyenda Almazin sa bahay ng isa sa mga tauhan dito ay puspusan din ang pag eensayo ng dalagitang si Hannah.

"Iba yata ang paghahanda mo ngayon kumpara nung mga nakaraang taon anak, at kumontrata ka pa ng gitarista. May ibabayad ka ba diyan?"

"Huwag po kayong mag alala aling  Miling, hindi ko po sisingilin si Hannah, basta, huwag lang siyang makakalimot kapag na-discover siya o di kaya'y kapag siya na ang panginoon ng hasyenda!"

"Grabe ka naman kuya Luis, pa'no naman po ako magiging panginoon ng hasyenda? Haha!"

"Para namang hindi namin nakikita kung paano ka tingnan ni Sir Edison mula pa noong maliliit pa kayo? Paano na nga ba kayo nagkalapit nun?"

"Muntikan akong masagasaan ng driver nila, pero si senyora Elena pa ang nagalit sa akin dahil tatanga tanga daw ako, ayun ipinagtanggol ako ni Ed...  Ni sir Edison! Mula noon lagi na kaming nagbabatian."

"At ayaw niyang patawag ng senyorito  o sir sa iyo, tapos pag tinititigan ka ay punong puno ng pagmamahal!"
Patuloy na tukso ng gitarista.

"Paghanga'ng bata lang yun! Tulad ko kay Jiggo, Makikita niyo, kapag nag college yan at nakakilala ng mga dalagang ka-level nila, hindi na ako mapapansin!"

"Ows, sa ganda mong yan? Lalo na siguro kapag dalagang dalaga ka na! Siya sige, mag ensayo na tayo para manalo ka at madiskobre sa youtube! Pag nag viral, instant celebrity ka kaagad!"

"Ikaw talaga kuya, taas ng faith mo sa akin. Battle of all schools kasi ngayon. Ibig sabihin, pati mga private schools at sa ibat ibang grades ay magkakalaban. Gusto ko lang patunayan na kahit maliit lang at pang mahirap ang Alma mater ko ay may ibubuga rin ang mga nag aaral dito!"

"Tama yan anak, ipakita mo sa mga mayayamang yan na kaya natin silang tapatan sa ibang bagay. Kaya galingan mo 'nak, ipanalo mo ito, kailanga'ng ikaw ang mag champion!"

Dahil sa sinabi ng ina, biglang nagkaroon ng pagnanasa si Hannah na manalo at mag over all champion sa taong ito.

"Opo nay, gagawin ko po ang lahat para maging proud po kayo nina tatay  at mga kapatid ko  sa akin! "
Buo ang kumpiyansang sagot nito sa ina dahil ni minsan ay hindi pa siya natatalo sa mga laban niya nung mga nakaraang taon.

"Medyo kabado lang ako ngayon dahil baka matapat ako sa mga taga private schools, iba kasi ang training ng mga mayayaman, kompleto sila sa mga materials!"
Pag amin niya sa nararamdamang kaba.

Dumating ang araw ng compitition. Walong school ang maglalaban laban, dalawang private at ang school nina Hannah na nasa bayan at anim na public mula sa ibat ibang Baranggay kaya walong contender din ang maghaharap harap. Noon nalaman ni Hannah na ang makakatunggali niya ay ang secret puppy love na si Jiggo.

Nabigla man ay hindi nagpahalata si Hannah, sa halip ay ginamit niyang motivation ang presence ng binatilyo para lalo siyang ma-inspire.

Nauna siyang kumanta at base sa reaction ng mga audience, nag assume siyang siya na ang tatanghaling kampion.

"Tingnan ko lang kung magagawa mo pa akong isnabin ngayong narinig mo na ang kanta ko, dahil ibinigay ko ang best pati puso ko sa kantang ito Jiggo, at para yun sa yo! "

Pero halos mayanig ang buong amphitheater nang si Jiggo na ang kumanta. At ang dating crush na nararamdaman ng dalagita sa kalaban ay na-triple na at tinanggap na rin niya sa sarili ang pagkatalo.

"AND NOW, THE NEW OVER ALL CHAMPION FOR OUR FIRST EVER BATTLE ... IS... mis..."
Pambibitin ng emcee.

"TER... JIGGO ALMAZIN OF ST. BERNADETTE ACADEMY!"

Hindi napigilan ni Hannah ang mapaiyak, naghahalo ang emotions niya. Panghihinayang dahil nabigo niya ang pamiya, panghihinayang dahil bigo siyang ma-impress ang binatilyo. Panghihinayang dahil nabigo siyang patunayan na kahit dukha at nasa public school lang sila ay kaya nilang higitan ang mga elite at mayayaman.

"Here, take this and please dont cry, not because you lose this compitition, means you we're cheated. The world is so big and there's a lot of rooms for every one, try harder and better luck next time!"
Nakanganga si Hannah habang tinatanggap ang panyo'ng ibinibigay ni Jiggo, hindi siya makapagsalita sa sobrang pagkabigla.

Pagkasabi nun ay mabilis na'ng tumalikod ang binatilyo.
"T-teka, h-hindi ko iniisip na... N-nadaya ako. K-karapat dapat ka talaga na maging champion, c-congratulations!"
Pero hindi na siya narinig ni Jiggo.

"Tama ka Jiggo, marami pang pagkakataon para talunin ka at gagalingan ko pang lalo sa susunod na taon!"

Nang malabhan niya ang panyo ay inabangan niya ang paglabas  nina Jiggo at Edison sa mansion para isoli ito, pero hindi niya sila naaabutan. Kahit sa paglalaba sa ilog ay dala dala niya ito, nagbabakasakaling makita uli ang magpinsan. Pero hindi rin nagagawi ang dalawa doon.

"Saan kaya naglalagi ang dalawang yun? Nakakahiya naman kung papasok ako sa mansion para lang isoli ito, mamaya ipahabol pa ako ni senyora Elena sa mga aso nila!"

Lumipas ang mga buwan at summer na naman, ibig sabihin ay tapos na naman ang school year.
"Siguradong maglalagi sila sa ilog ngayong bakasyon, kaya magkakaroon ako ng chance na makita sila at maisauli kita sa kanya! Haay, kung pwede lang sana'ng huwag na kitang isoli, pero hindi pwede dahil siguradong mahal ang pagkaka bili sa yo."

Walang kamalay malay si Hannah na nang mga sandaling iyon ay naghahanda na sa pag alis ang mag anak ni Fernan pabalik ng Egypt, Doon na uli mag aaral si Jiggo.

Nalaman lang niya ang balita nang maglaba siya sa ilog at marinig niya ang usap usapan ng mga matatanda kabilang ang nanay niya.
"Bakit daw, hindi ba't si sir Fernan na ang namamahala sa hasyenda?"

"Balita ko'y mas mahal daw ni sir Fernan ang trabaho niya, isa pa milyones din naman ang sinasahod niya sa pagiging... Ano na nga ba yung trabaho niya? Goyologiz? "

"Geologist ho!"
Sabat niya sa usapan ng mga matatanda.

"Yun na nga yun, magkatunog naman di ba?"
Nagtawanan ang mga naglalaba pati na ang mga lalaking nagpapaligo ng kalabaw maliban kay Hannah.

Kinuha niya ang panyo sa bulsa at saka sinamyo.
"Itatago na lang muna kita sa ngayon. Balang araw, maibabalik din kita sa may ari!"

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitOnde as histórias ganham vida. Descobre agora