Chapter 49: Island Hopping

63 7 3
                                    

Kinabukasan, maagang nagising si Hannah para tulungan sa paggayak si aling Sidra.
"Naku huwag na po maam Hannah, kayang kaya ko na po ito. Aapat lang naman tayong kakain kaya madali lang maghanda! Si EJay na lang at ang mga kailangan niya ang atupagin mo, haha!"

"Eh, kagabi ko pa po naihanda ang kailangan namin ni EJay kaya libre na po ako!"
Pagpupumilit ni Hannah.

Narinig ng don ang pagtatalo ng dalawang babae. Nakangiting lumapit ito sa kanila.
"Hayaan mo na siya'ng tulungan ka Sidra, masipag talaga ang batang yan, ayaw niya nang wala siyang ginagawa, haha!"

"Oo nga po don Pepe, noong isang araw nga eh hindi siya tumigil hangga't hindi niya ako natutulungan sa paglalaba, haha!"

Nakangiti lang si Hannah pero nag iinit ang mga pisngi niya sa hiya. Hindi siya sanay na palaging pinupuri.

Hinayaan na siya ni aling Sidra na tumulong sa pagbabalot ng lumpia na pipirituhin saan man sila makarating para mainit at malutong pa rin kapag kinain na nila. Naisipan din niyang magpaksiw ng bangus para kahit hindi man initin ay masarap pa rin.

Nang matapos sa pagbabalot ay siya na rin ang naghanda ng sawsawan. Dalawang klase ang inihanda niya, isang maanghang at isang natural.

"Okey girls, ready na ba kayo?"
Sabay na napalingon sina Hannah at aling Sidra kay don Pepe.

"Opo don Pepe, ilalagay lang po namin sa picnic bag ang mga pagkain. Aba gayak na pala kayong dalawa eh!"
Si aling Sidra.

Hindi nakapagsalita si Hannah, para siyang namamalikmata sa nakikita. Nakasuot ng puti at hapit na tshirt ang don na pinarisan ng puting short na medyo maikli. Nakasuot ng shades na itim at puting cap. Karga nito si EJay na mukhang bagong palit ng diapher at parehong nakangiti ang mga ito sa kanya.

Bumaba ang tingin ni Hannah sa mga binti ng don, mapi-pintog pa rin ang mga ito halatang sagana sa jogging at treadmill. Bigla tuloy itong bumata sa paningin niya, ang tingin niya ay mahigit Fourty na lang ito at bagay pa ring maging daddy ni EJay.

"O ano Hannah, mauuna na ba kami ni EJay sa boat?"

Saka lang nakakilos si Hannah.
"N-naku, sandali po, wala pa pong pajama si EJay, baka po lamigin sa laot!"

Patakbong pumasok sa kuwarto si Hannah para kunin ang mga gamit nila.

"Saan ka pupunta, nasa boat na ang lahat nang inihanda mong gamit!" Sigaw sa kanya ni don Pepe.

Natigilan siya. Paano yung inihanda niyang mga panty at damit na pampaligo, nadala din kaya ng don? Itinuloy niya ang pagpasok sa kuwarto.

Nakahinga siya nang maluwag nang makitang nakalatag pa rin sa kama ang mga inihanda niyang bihisan.

Dali dali siyang nagbihis. Isinuot niya ang inihandang one piece na bathing suit saka pinatungan ng itim na shorts at puting tshirt. Saka niya itinali ng mataas ang mahabang buhok. Hinagilap ang brown na shades at ang itim na jacket. Nagpahid lang ng manipis na lipstick at Patakbong sumunod sa labas.

Inabutan niyang isinasayaw sayaw ng don ang kanyang anak dahil umiiyak na ito sa gutom.

Kinuha niya sa kamay ng don si EJay at hindi naiwasang magkiskisan ang mga braso nila. Napaigtad si Hannah, bakit may kuryente yata?

"Don Pepe, hindi po ba muna tayo mag aalmusal?"
Tanong ni aling Sidra na naglalabas ng ibang mga dadalhin.

"Doon na sa Naguddungan Hills at masyado pang maaga. Pahingi na lang muna ng kape habang bini-breast feed ni Hannah si EJay!"

"Ah sige po! Ikaw Hannah, gusto mo rin ba ng kape?"
Sigaw nito nang malakas para marinig ni Hannah na nasa loob ng sala at pinapa-dede ang anak.

"Hindi na po aling Sidra, salamat na lang po!"

"Magkape ka muna iha, kailangang ma-refill ang sinipsip ni EJay, baka gutumin ka kaagad!"

Ewan ni Hannah, pero sa halip na makaramdam ng kahalayan o kabastusan sa salitang 'sipsip' ay para pa siyang kinilig o kiniliti, nabuang na!

At tulad ng dapat asahan, si don Pepe ang piloto na muling nagpa mangha kay Hannah.

Una nilang pinuntahan ang Nagudungan Hills, doon sila naglatag ng picnic mat para mag almusal. Sinindihan ni mang Berting ang dalang super kalan at pinirito nila ang binalot na lumpia, minarinate na chicken at telapia. Nagprito din sila ng battered okra na paborito ng don.

Saglit pa at kumakain na sila ng almusal. Unang dinampot ng don ang crispy okra at isinawsaw ito sa suka't tuyong may sili.
"Wow ang sarap naman ng sawsawang ito, tama sa anghang, alat at asim! Sino man ang gumawa nito ay mahahalikan ko sa tuwa!"
Nag init na naman ang pisngi ni Hannah.

"Aba, dumadalas ata ang pagba-blush mo Hannah, nakakalimutan mo yatang mas matanda pa yan sa tatay mo?"
Sita ni Hannah sa sariling isip.

"Eh ano, makisig naman, mabait, down to earth kahit super yaman tulad ni Edison! Si Edison nga pala..."
Sagot naman ng isang bahagi ng utak niya. At nang maalala si Edison ay naipilig niya ang ulo.

Napansin ng don ang pagpilig niya na inakala nitong napipikon na siya.
"Biro lang iha, alam ko namang ikaw ang gumawa at hindi ko gagawin yun sa yo, nakakahiya kay Edison!"
Ngumiti lang si Hannah.

"Sino po si Edison?"
Sabay na tanong ng mag asawa.

"Si Edison ang pakakasalan ni Hannah!"
Halata ang lungkot sa mukha ng don kahit sinasabi ito ng nakangiti.

Sabay na napa 'Ayy' ang mag asawa. Pati sila ay nalungkot na ang iniisip nilang muling magpapasaya sa amo nila ay ikakasal na pala sa iba.

Pagkatapos mag almusal ay nag aya si don Pepe na umakyat sila sa light house.
"Para kitang kita mo kung gaano kaganda ang paligid!"

Inalalayan ng don sa pag akyat si Hannah. Kung titingnan sa malayo ay parang magkaedad lang ang dalawa.

"Wow!"
Ang tanging nasambit ni Hannah dahil nagsisikip ang dibdib niya sa sobrang ganda ng tanawin. Breath takingly beautiful ika nga.

"Nagustuhan mo ba iha?"

"Hindi ko lang po basta nagustuhan, nanaisin kong mamuhay dito at dito na rin mamamatay!"

Sumikdo ang dibdib ng Don, pahiwatig ba yun na may pag asa siya kung sakali?

"K-kaya lang, h-hindi gugustuhin ni Edison na iwanan ang mga negosyo niya!"
Bumagsak ang balikat ng don, false hope lang pala.

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now