Chapter 78: 2nd Birthday Ng Panganay Ni Edison

84 9 2
                                    

"Hon, ready na akong pakasal sa yo sa simbahan, secured na ako na kami na lang ni Cyson ang love mo at saka itong nasa loob ng tiyan ko!"
Ten weeks pregnant ang babae.

"Talaga? Hindi ka na nagseselos kay Hannah?"
Tumango si Cyrille habang nagpapa cute kay Edison.

"Kaya, ayain mo na si Jiggo na mamanhikan na dun sa ka-date niya, mag four years na rin sila ah!"

"Ang hirap tyempuhan ng taong yun, di nga halos mahagilap nina tito eh, parang umiiwas sa lahat!"

"Tingin mo, naka move on na nga?"
Naniniguradong tanong ni Cyrille.

"I think so, nakikipag date na nga di ba?"

"I have an idea, invite Hannah on Cyson's second birthday, tingnan natin ang reaction nilang pareho!"
Si Cyrille

"I don't think it will work hon."

"Bakit hindi?"

"Those two knows how to hide their feelings. Naitago ni Jiggo ng more than decade na may gusto rin siya kay Hannah at naitago naman ni Hannah ang lahat ng mga pasakit na dinanas niya dahil kay Jiggo! Uulitin lang uli nila yun, makikita mo!"

"Eh di tingnan natin, lets watch them like watching Jiggo's teleserye, haha!"

Nagkibit ng balikat si Edison.
"Sige... Sa lahat naman nang step daughter, ikaw itong gumagawa nang paraan na ilapit ang step mom niya sa ibang lalaki, haha!"

"Nakakaawa din kasi si Hannah, alam mo na... Nasabi ko naman sa yo di ba? Besides first love niya yung tao and definitely her only love. Tumanaw lang siya ng utang na loob sa papa ko kaya pinili niya ito over Jiggo."
Lumungkot ang mukha ni Cyrille.

"Tulad mo, muntik din kayo'ng nagkatuluyan dahil sa utang na loob!"
Dagdag niya pa kaya muntik maibuga sa kanya ni Edison ang iniinom na kape.

"Mag uumpisa ka na naman eh, akala ko ba naka move on ka na rin? Halika nga dito!"
Natatawang binuhat ni Edison ang asawa at iniakyat sa kuwarto nila.

"Hey, where will you take me?!"

"I will put some fertilizers on my seed and make sure that all parts are completed!"
Hinihingal sa excitement na sagot ni Edison sabay kindat.

Nakangiting isinandal ni Cyrille ang ulo sa dibdib ng asawa.
"I like that!"

Saglit pa at nagkulong na sila sa loob ng production room.

   *********❤️❤️❤️********

"Sa wakas nagkita rin tayo, kundi pa magbi-birthday ang pamangkin mo, hindi ka pa magpapakita. Kagaya ka pa rin ng dati, hmp!"
Nagtatampo'ng niyakap ni Nancy ang tatawa tawang anak.

"Sorry ma, sunod sunod kasi ang flight namin. Si Kaye po, I invited her!"
Baling niya sa babaeng kasama.

"Hello iha, buti naman at nakasama ka uli!"
Hinila ni Nancy sa kamay ang babae at bineso ito.

"I'm always glad to be here po!"
Sagot ng babae sabay sulyap kay Jiggo na parang nagpaparinig.

"LOLA!"
Sabay sabay na nabaling sa pinagmulan ng boses ang kanilang mga tingin.

"EJay, apo ko!"
Agad na pumulupot sa mga hita ni Nancy ang bata kaya lumuhod siya para yakapin ito.

"I missed you so much, bakit ang dalang niyong mamasyal ng mama mo dito?"
Tanong niya habang hinahagilap ang presence ni Hannah. Nakita niya itong kausap nang mag asawang Cyrille at Edison at tila sinasadyang huwag tumingin sa direction nila.

Para namang binabayo sa lakas ang pintig ng puso ni Jiggo habang nakatitig sa anak. Napakalaki na ng anak niya at kamukhang kamukha niya lalo. Kung may bigote lang si EJay, 'mini me' na niya ito.

Tumingala sa kanya ang bata at ilang sandaling sinipat ng tingin ang mukha niya.
"You looks like the picture on the Id that mama keeps on looking at and talk to!"

Lumuhod si Jiggo sa harap ng anak, habang nangingilid ang mga luha.
"Really? And what did she tell to the picture?"

"I don't know because she just murmured!"

Hindi na nakatiis, lumuluhang binuhat ni Jiggo ang bata at pinupog ito ng halik.

"I-is that your son?"
Tanong ni Kaye, na hindi nagustuhan ni Jiggo ang paraan ng pagtatanong.

"That?! Yes, this thing is my son, okey?"

Tumingin uli sa kanya si EJay, naghalo ang tuwa at pagka mangha sa mukha nito.
"You're my papa who was in heaven?"

Nagulat man sa tanong ay tumango si Jiggo.
"Im your papa but i was not in heaven. Who told you that i was there?"

"Mama said, she planted your name and hers in that very very large garden of white flower so that you can see it while you're in the sky!"

Parang may kung anong bagay ang nasaling sa loob ng dibdib ni Jiggo na dahilan ng pagkirot nito. Nakasimangot naman ang mukha ng babaing kasama niya.

Napansin ito ni Nancy kaya inalok niya ang mga ito na kumain na. Nang maka tyempo ang babae ay pasimpleng bumulong ito kay Jiggo.

"Bakit hindi mo sinabing pupunta sila? Magmumukha akong tanga nito!"

Lalong nadagdagan ang inis ni Jiggo sa kasama.
"So ano'ng gusto mong gawin ko, paalisin sila? Hindi mo ba inisip na ganun din ang pakiramdam ngayon nung tao? I'm sure hindi rin niya alam na darating tayo!"

"Papa, who is she and why are you fighting?"
Nagtatakang tanong ni EJay na karga pa rin ng ama.

"Ah, she's tita Kaye, my f-friend!"

"Friend? Kung hindi sila pwedeng paalisin, eh di tayo ang aalis. Bumalik na lang tayo some other time!"

Doon na naubos ang Pasensiya ni Jiggo.
"Four years kaming hindi nagkita ng anak ko, ngayong nagkita na kami, gusto mong iiwan ko agad?"

"Babalik na lang nga tayo next time!"

"Eh di ganun din yun. Kung pwede ang next time, bakit hindi pwede ngayon?"
Inis na tanong ni Jiggo.

"Eh kasi, maraming taong nakakakita. Nagmumukha akong tanga, i feel so awkward!"

Humugot muna ng malalim na buntong hininga si Jiggo bago sumagot.
"I understand you."

"Talaga? Then let's go, paalam k..."

"You can go! Next time ka na lang bumalik. Ma, aalis na daw si Kaye, may appointment daw siya..."

Tiningnan ni Kaye ng masakit si Jiggo saka muling bumulong.
"Fine, I'm leaving no need to announce. T-tita, aalis na po ako. May appointment po kasi ako sa... de-dentist ko. Babalik na lang po ako next time!"

"Ganun ba sayang naman! Sige..."
Sagot ni Nancy na mas mukhang natuwa kaysa nanghinayang.

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now