Chapter 26: Pamanhikan Part 2 Ni Garry

72 8 0
                                    

Ibat ibang post tungkol kina Hannah at Edison ang makikita sa internet, pero ang pinakaagaw pansin ay ang pagpasok nila sa entrance ng restaurant kung saan may caption na 'Jiggo Almazin spotted with a beautiful pregnant woman in a restaurant' at ang post ng mismong mga nam-bully sa kanya at may caption na 'We've done a terrible mistake, but ate girl Hannah is so pretty and kind'. Nakasaad din doon ang paghingi nila ng sorry kay Edison dahil sa pagkakamali'ng nagawa nila.

"Wow, instant sikat ka na, i'm sure sa susunod na lalabas ka, marami na'ng makikipag selfie sa yo!"
Natutuwang bulalas ni Barbie pero kay Edison nakatingin, amused na amused siya sa reaction ng binata. Para itong bata na nabigyan ng magandang treat habang komportableng nakaupo sa sofa. Okey na sila?

"Ahm, gusto mo ng kape?"
Masuyong tanong ni Hannah nang masulyapan din ang binata sa sofa na abot tenga ang ngiti habang nagbabasa ng mga comment sa iba't ibang YouTube Channel.

Lalong umaliwalas ang mukha ni Edison na'ng tumunghay sa kanya at sumagot.
"Yes please, strong and no sugar!"

Napatingin si Hannah kay Barbie at nag usap ang mga utak nila.
"Milyonaryo talaga haha!"

"Anong Milyonaryo, bilyonaryo yan, mabait pa! Swerte mo, kaya huwag mo na'ng pakawalan, haha!"

Nag usap pa sila na'ng konti tungkol sa kung ano ano'ng bagay bago tuluyang nagpaalam si Edison sa dalawa.
"I gotta go. Hannah, in case you've decided to shorten the time, just give me a call and I'll come by and pick you up to bring you home, we'll talk to your family together, okey? Here's my number."
Sabay dukot ng wallet para kumuha ng calling card.

"I... I think, i already made-up my m-mind Edison. P-payag na ako sa... Alok mo!"

"Agad agad? Wow ha, mahirap ka pala'ng kumbinsihin besh, buti at hindi nainip si sir, este Edison sa tagal niya'ng naghintay!"
Nang aasar na tanong ni Barbie habang kumikislap ang mga mata sa pagka mangha.

Napatayo sa upuan si Edison, hindi makapaniwala sa narinig.
"Really? You're not kidding me, right?"

Umiling si Hannah sabay yuko.
"I... I missed them so much!"
Tukoy nito sa mga magulang at mga kapatid.

"I understand. So when do you want us to go home?"

Nangislap ang mga mata ni Barbie, nang maalalang mamamanhikan uli sina Garry sa darating na sabado.
"Sabay sabay na tayo ngayong week end besh!"

"S-sige, okey lang ba sa yo?"
Baling niya kay Edison na agad namang tumango.
"Any time Hannah, you're my boss!"

Friday afternoon na'ng bumalik sa boarding house ang binata para kaunin si Hannah.
"Umupo ka muna at padating na sina Barbie at Garry. Kape?"

"No need, katatapos ko lang. Dumaan muna ako sa isang coffee shop bago tumuloy dito kasi alam kong nasa trabaho pa si Barbie, napaaga pa rin pala ako, haha!"

Umupo sa katapat na sofa si Hannah at kimi'ng ngumiti sa binata.
"S-salamat ha? At sana huwag kang magdaramdam sa akin k-kapag hindi dumating yung araw na m-maibalik ko ang pagmamahal mo sa akin!"

Malungkot na ngumiti si Edison sabay gagap ng mga kamay ni Hannah.
"H-hindi ako magdaramdam. Well, malulungkot siguro, pero hahayaan mo naman akong ligawan ka at patuloy na magbaka sakali di ba?"

Alanganing tumango si Hannah.
"P-pero baka, maubos ang panahon mo sa akin at tumanda ka'ng binata, sayang naman ang lahi mo, haha!"

"So what? Eh di hayaan mo na'ng tumanda tayong pareho na single at naghihintay na mahalin tayo ng mga taong di kayang suklian ang pagmamahal natin!"

Namula ang mukha ni Hannah, sapul na sapol siya sa sinabi ng kaharap na tila ba nababasa nito ang laman ng puso't isip niya. Binawi niya ang kamay sa pagkakahawak nito saka yumuko para itago ang pagkapahiya.

Nagsisi si Edison sa pagiging voluble niya.
"I'm sorry Hannah i didn't mean what i said. I... am just trying to..."

"Don't be sorry, tama ka naman eh, haha! We're both crazy in love with the wrong person!"

"B-but you're not wrong for me Hannah, you may not love me but you're not wrong!"
Lumuhod sa harap niya si Edison habang hawak ang kamay niya.

Yun ang tagpo'ng inabutan nina Garry at Barbie na sa biglang tingin, iisipin mong naglalambingan sila.
"Opps, sorry for interrupting something wonderful!"

Mabilis na tumayo si Edison at inalalayan din sa pagtayo si Hannah.
"Shall we?"

"Oo para di tayo gaanong gabihin! Siya nga pala, si Garry boyfriend ko. Siya naman si mr. Edison Torres heart ang isa sa mga may ari ng hasyenda Almazin at nang mga sikat na hotel sa Qc supermarket sa san Pablo city!"

Sabay na naglahad ng palad ang dalawang binata,pero naunang nagsalita si Edison.
"Kumusta pare? "

"Okey lang brod, wow, hindi ako makapaniwala'ng hindi si Jiggo Almazin ang kaharap ko ngayon. It such an honor to meet you sir! "

"Let's not be too formal, lalong nakaka ilang haha! You can just call me Edison or pare, a 'brod' can do also! "

Maya maya pa ay convoy na ang sasakyan ng dalawang binata sa daan papuntang Laguna at may kanya kanya'ng sakay na babae dahil nauna na ang parents ni Garry sa bahay nina Barbie para sa paghahanda.

"Sorry kung ako lang mag isa at hindi ko kasama ang parents ko sa pamamanhikan tulad ni Garry, haha!"

"H-hindi ka naman mamamanhikan eh. Magpapanggap ka lang na ama ng anak ko at break pa rin tayo kunwari di ba?"

"Huwag mo na'ng ipakadiinan at masakit!"
Sapo kunwari ni Edison ang dibdib nang kaliwang kamay.

"S-sorry, haha!"

Dumaan muna sila ng litsong manok sa daan bago tumuloy sa Baranggay ang apat.
"O pano, galit galit na muna tayo? See you tomorrow besh, balitaan na lang natin ang isa't isa sa mga magaganap, okey? Good luck!"

"Good luck din besh, i'm sure tuloy tuloy na ang success ng pamanhikan dahil wala na'ng nuisance, haha!"
Tumatawang sagot ni Hanna sa kaibigan.

Tuluyan nang naghiwalay ang dalawang sasakyan patungo sa magkaibang sitio. Luwa ang mga mata ng mga kapitbahay nina Hannah na'ng bumaba si Edison at pagbuksan ng pinto si Hannah sa passenger's side.







Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now