Chapter 27: Ang Fake Na Pamanhikan Ni Edison

76 6 0
                                    

Aandap andap ang loob na sumilip sa tindahan ng ina si Hannah pero walang tao doon at sarado ng screen ang maliit na kudradong bintana kung saan inilulusot ni aling Miling ang mga items na binibili sa kanya.

"A-asan sila?"
Marahan niyang itinulak ang tarangkahan na yari sa kawayan at pumasok doon kasunod si Edison na mukhang relax na relax, di tulad niyang halos umikes na ang dalawang paa sa nerbiyos.

Napansin ng binata ang panginginig ng mga kamay niya kaya kinuha ito at ikinulong sa sariling mga palad.
"Relax, pamilya mo ang nandiyan sa loob at hindi mga kaaway, okey?"

"N-natatakot ako eh! B-baka saktan ako nina tatay at Hugh."

"I won't let it happen , trust me!"
Inakbayan na siya ni Edison para patatagin ang mga hakbang niya. Pagdating nila sa loob, naroon ang apat na kinasabikan niya na'ng mahigit isang buwan.

"Itay, i-inay..."

"Magandang araw po, mang Hulyo, aling Miling!"

Hindi sumagot ang ama ni Hannah nanatili itong nakatungo sa sahig habang lumuluhang pinagpapalipat lipat ng ina ang tingin sa kanila, hindi makapag pasiya kung tatayo at sasalubungin ng yakap ang anak o manatiling nakaupo. Ang dalawang kapatid naman niya ay namamangha'ng nakatuon ang mga mata kay Edison.

"Inay, itay, p-patawarin niyo po ako!"
Anyong lalapit si aling Miling kay Hannah pero tumikhim si mang Hulyo bilang babala.

Hindi na nakatiis si Edison, lumapit ito sa ama ni Hannah at sa pagkabigla ng lahat, ay lumuhod ito.

"A-anong..."

"E-Edison, no!"

"Ako na po, ako ang parusahan niyo at hindi ang anak niyo! Tatanggapin ko'ng lahat anuman ang ipataw niyo sa akin huwag niyo lang saktan si Hannah at baka lalong malagay sa panganib ang ma-magiging a-anak namin!"

Noon na tumayo si mang Hulyo at iniabot sa binata ang mga kamay na lipakin.
"Tumayo ka diyan senyorito Edison, hindi nararapat sa isang tulad niyong panginoon na lumuhod sa isang dating alipin! "

Pero hindi tinanggap ni Edison ang kamay ni mang Hulyo, nanatili ito sa sahig.
"Alam ko'ng malaki ang nagawa'ng kasalanan ni mommy sa inyo at patawad kung wala ako nung mga panaho'ng yun para protektahan kayo. At ngayon, a-ako naman ang na-nakagawa ng mas malaking kasalanan kaya..."

Naudlot sa pagsasalita si Edison na'ng maramdaman ang pagtabi sa kanya ni Hannah, kaya nabaling ang tingin niya dito.
"W-wala po'ng kasalanan si E-Edison, H-hindi po siya ang... "

Inagaw ni Edison ang sa akala niya'y tangka'ng pag amin ni Hannah sa tutuo.
"Hindi po ako tumalikod sa pagmamahal ko kay Hannah, handa po akong panagutan silang mag-ina kahit anong oras!"

Muling umupo si mang Hulyo at ipinatong sa ulo ng dalawa ang tigisang kamay tanda na lumambot na ito.
"Tumayo na kayo diyan at mag uusap tayo nang maayos."

Naunang tumayo si Hannah at yumakap sa ama na agad ding gumanti ng yakap kaya tumayo na rin si Edison at inalalayan ito sa likod.
"Itay ko, patawad po!"

"Sige na, sige na, umupo na kayo doon nang maayos at pag usapan na natin ito!"
Nakangiti ngunit lumuluha'ng utos ni mang Hulyo habang itinuturo ang pandalawahang upuan sa harap nila ni aling Miling.

Binalingan ni Hannah ang ina at ito naman ang niyakap.
"Inay, napakalaki nang kasalanan ko sa inyo, patawad po!"

"Shhh, tahan na, huwag ka na'ng umiyak at baka kung mapano na ang magiging apo ko!"
Bulong ni aling Miling habang hinahaplos ang buhok ng anak.

"Sandali lang po, may kukunin lang ako sa kotse!"
Paalam ni Edison na nakahinga na nang maluwag, at tumalikod na ito na'ng hindi naghintay ng sagot.

Sinundan ni Hugh si Edison sa labas habang si Hailey naman ay tumalilis para magtawag ng mga kaibigan na handang makiusyuso.

"S-sir Edison, hindi ba't kayo din ang dahilan kaya pinalayas kami ng nanay niyo sa hasyenda? Bakit niyo ba ipinipilit ang mga bagay na imposible?"

"Walang imposible sa mundo Hugh, lahat ay pwedeng mangyari, kailangan lang nating manindigan at magtiwala!"

Napailing si Hugh sabay ismid.
"Kung ganun, bakit kailangan naming mapahiya sa mga tao at bakit kailangan naming magkagulo'ng mag anak?"

Si Edison naman ang nailing sa pagiging rude ni Hugh though naiintindihan niya ito.
"Mamaya ko na ipaliliwanag sa loob ,tulungan mo na lang muna ako'ng ipasok ang mga pagkain para sa hapunan!"

"Nag abala pa kayo, eh may naluto naman si nanay kahit papano!"
Sabi ni Hugh habang kinukuha sa kamay ni Edison ang malalaking supot ng litsong manok at mga inumin.

"Hayaan mo na, makakain din nati'ng lahat yun. Na-miss ko na nga ang mga luto ni aling Miling eh!"

"Talaga? Pasensiya na sir Edison, pero wala yata akong natatandaan na nakasalo ka namin sa pagkain!"

Natatawang inakbayan ni Edison ang nakababata'ng kapatid ni Hannah. Ramdam niya ang tindi ng hinanakit nito kaya gusto niyang umpisahan na ang pag aalis sa anumang harang na nasa pagitan nilang dalawa.

"Humihingi ako ng baon ni Hannah kapag naglalaba siya sa ilog, gustong gusto ko kasi ang lasa ng galunggong na paksiw at okoy na hipon ni aling Miling, haha!"

Humalakhak si Hugh, bagay na nagpagaan sa loob ng mayamang binata.
"Kaya pala halos ubusan ako lagi ni ate Hannah ng ulam tuwing maglalaba siya sa ilog, dahil idinadamay ka pala, haha!"

"Pasensiya na kung naaagawan kita nang di sinasadya, haha! Huwag kang mag alala, babawi ako sa yo, pangako."
Masaya na sila na'ng pumasok sa loob, halata'ng palagay na ang loob sa isat isa.

At sa harap ng hapunan, inumpisahan na ni Edison ang 'inakda' niya'ng kwento tungkol sa kanila ni Hanna habang tahimik na nakikinig lang ang huli, hindi na niya kaya'ng bumigkas pa ng panibagong kasinungalingan kaya ipinauubaya na lang niya ang lahat sa binata.

"Natatakot po kasi si Hannah kay mommy kaya siya nakipagkalas sa akin at yun din ang dahilan kaya ayaw niyang ipaalam sa akin na nagbunga ang minsan naming pagkalimot. Mabuti na lang at napakarami palang chismosa sa Baranggay na ito, utang na loob ko sa kanila ang pagkakatuklas ko sa kalagayan ni Hannah, haha!"
Nakisali sa tawanan ang lahat maliban syempre kay Hannah.

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon