Chapter 35: Muling Nagkaharap sina Hannah At Elena

62 6 0
                                    

After three days ang usapan nila na susunduin ni Edison sina Hannah at ang baby nito.
"Sigurado ka ba'ng kaya mo ito anak? Hindi mo naman kailanga'ng pumunta doon eh, hayaan mong sila ang sumugod dito para makita ang apo nila!"

"Okey lang po nay, may tiwala po ako kay Edison na hindi niya kami pababayaan ni EJay!"

"May tiwala ka naman pala doon sa tao, eh bakit tumatanggi ka'ng magpakasal sa kanya?"
Sabat ni mang Hulyo na bakas pa rin ang pagka dismaya sa nangyari sa anak.

Natahimik si Hannah sa sinabi ng ama, nakadama siya ng matinding guilty feelings. Paano ba niya sasabihin ang tutuo, hanggang kailan ba niya lolokohin ang mga magulang?

Naramdaman ni aling Miling ang pagkaasiwa ng anak.
"Hayaan mo ang anak mo sa mga disisyon niya Hulyo, hindi nga naman biro ang magpakasal sa taong ayaw sa iyo ng mga kaanak, mawawalan ka ng katiwasayan! Mabuti na nga lang at sa umpisa pa lang ay boto na sa akin ang mga biyanan ko, unang kita pa lang sa akin ay halos ayaw na akong pauwiin, haha!"

Natuwa si mang Hulyo sa tila pagbabalik tanaw ng asawa.
"Eh sino ba naman ang mga magulang ko para tanggihan ang isang katulad mong napakaganda na'y napakabait pa! "

Sabay sabay na napa 'Uyyy' ang magkakapatid. Maya maya pa ay narinig na nila ang pagtigil ng sasakyan ni Edison sa tapat at ang malakas na pagsasara nito.
"Nariyan na siya, aalis na po kami nay, tay!"

"Magandang araw po, tay Hulyo, nay Miling, susunduin ko na po sana ang m-mag-ina ko?"
Magalang na paalam ng binata sa mag asawa.

"O siya sige at nang maibalik mo din agad dito ang mag ina hane?"
Si aling Miling.

"O, Edison, ikaw na ang bahala sa anak at apo ko ha? Ibalik mo sila nang buo dito, hindi lang ang katawang pisikal, kundi pati ang puso at pagkatao ng anak ko! "

"Huwag po kayong mag alala tay Hulyo, po-protektahan ko po sila ng buhay ko!"
Nakangiti at buo sa loob na pangako ng binata.

"Salamat!"

Habang nasa daan sila ay hindi gaanong nag kausap ang dalawa dahil nagtulog tulugan si Hannah para makaiwas. Ayaw na niya'ng pag usapan uli nila si Jiggo at ang nararamdaman sa kanya ng binata dahil paulit ulit lang daw hanggang sa totohanan nga siyang nakatulog, mabuti na nga lang at antukin din si EJay na nasa baby carrier sa likod.

"We're here guys, wake up!"
Pupungas pungas na nagmulat ng mga mata si Hannah at saka iginala ang paningin sa lugar na kinalakhan. Malaki na ang ipinagbago nito, malalaki na ang mga bahay sa labas ng mansion na dati ay mga kubo lang halos at marami na ring tindahan at iba't ibang establishment. Sa tantiya niya ay umaabot na sa mahigit isang libo ang mga bahay na nakatayo sa lugar pero naroroon pa rin ang mga puno ng niyog, paper tree at mga rubber tree ganoon din ang mga palayan at ang naglipanang malulusog na baka at mga kambing.
Halata'ng maayos ang pagpapatakbo ng binata dito.

"Welcome home Hannah and EJay, you guys are belong here!"
Nakangiting sabi nito habang ipinapasok sa malaking gate ang sasakyan.

Nang pagbuksan siya ni Edison ng pinto ng sasakyan, saka lang nakadama nang matinding kaba si Hannah, nakaramdam siya ng takot at pag aalala sa kahihinatnan ng muli nilang paghaharap ni Elena.

"Relax, I'm here and i will protect you okey?"
Masuyo siyang inakbayan ng binata at pilit pinalalakas ang loob.

First time ni Hannah na makapasok sa loob ng malaking gate at mapagmasdang mabuti ang mansion ng mga Almazin. Dalawang layer ang grand terrace ng tatlong palapag na estraktura ng mansion na napipinturahan ng brown at beige at napapalibutan ng pine tree at granada tree sa gilid. Malawak din ang hardin ng ibat ibang halama'ng namumulaklak sa front yard papunta sa swimming pool na nasa kaliwang bahagi at sa likod nito ay ang malaking kubo na nagsisilbing cottage. Meron ding shower at laundry house na kinaroroonan ng malalaking laundry machine at dryer.
"Kaya pala hindi maiwan ni senyora Elena ang lugar na ito dahil para pala'ng paraiso, napaka komportable ng buhay nila!"

Nasa grand sala ang buong pamilya Almazin maliban kay Jiggo at ang natitirang magulang nito. Sadyang hinihintay ang pagdating nila.
"Guys, i am proud to present to you the newest members of the family, please welcome Hannah and my... O-our baby EJay!"

Si donya Soledad ang naunang tumayo para salubungin at yakapin si Hannah na karga ang anak.
"Welcome to the family iha!"

"The baby, yes. He is surely 100% welcome in the family, but the mother!"
Sabat ni Elena na sa halip tumayo ay pinag ekis pa ang mga paa habang nakahalukipkip.

"Mom?!"

"O-okey lang Edison, alam naman natin pareho na hindi ako umaasa. M-masaya na ako na, tinatanggap ang anak n-natin!"

Sarcastic ang tawang pinakawalan ni Elena, hindi siya naniniwalang hindi naghahabol si Hannah na maging parte ng pamilya Almazin.
"Oh really, why did you came then?"

Hindi nakasagot ang dalaga dahil alam niyang kahit anong sabihin niya ay hindi tatanggapin ng kontrabidang ina ni Edison.
"See? Wala kang masabi!"

"Mom, stop it!"

"Ah, can i have my grandson's son iha? I'm so excited to hug him and see whom he really looks like!"
Pag iiba ng donya habang tahimik lang na nakikiramdam ang don,si Brando at si Lianne.

Maingat na inilagay ni Hannah ang anak sa kamay ng donya. Siya namang gising ni EJay at ngumiti na ikinatuwa nito ng labis.
"Oh, look he smiled at me, he's so sweet, so handsome!"

Saka pa lang tumayo at naglapitan ang ibang myembro ng pamilya kabilang si Elena. Saglit pa ay nagkakatuwaan na ang lahat at pinag aagawang kargahin si EJay.

Naluluhang pinanood ni Hannah ang pagkakagulo ng pamilya sa kanyang anak.
"Mas masaya sana kung kasama'ng nakikigulo sa kanila ang tutuong daddy mo anak, k-kahit para sa yo lang, kahit ikaw lang ang tanggapin, huwag na ako!"

Lumabas siya sa lower terrace para payapain ang sarili at pigilan ang pagtuloy ng luha. Nagulat pa siya nang may magsalita sa likod niya.
"Anong iniisip mo?"

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon