Chapter 17: Nahospitalized sina Hannah At Jiggo

78 6 0
                                    

Madaling araw na nang makauwe sa boarding house si Hannah, sising sisi sa ginawa at hiyang hiya sa sariling kabaliwan.
"Sana hindi na lang ako nag iwan ng bakas, sana hinayaan ko na lang na isipin niyang isa ako sa mga babaing binabayaran niya. Lalo ko lang pinababa at kinawawa ang sarili ko, huhu!"

Kinabukasan nagising si Hannah na mabigat ang pakiramdam, humihilab ang tiyan at nasusuka. Apat na buwan na ang tiyan niya pero ngayon lang siya nakaramdam ng ganito.

Tumakbo siya sa banyo at inilabas ang lahat nang kinain nang nakaraang araw. Hinang hina at hilong hilo na siya at parang nawalan ng mga buto ang mga tuhod kaya pagapang na siyang bumalik sa higaan.

"Barbie help, nanay kohh, mamamatay na yata ako huhuhu!"
Nangingiki siya sa ginaw pero mainit  ang hangin na lumalabas sa bunganga niya.

"Anong nangyayari sa akin, Lord maawa ka sa amin ni baby, ayoko pong mawala siya please?"

Naalala niya ang bilin ng kaibigan na tawagan ito kapag kinakailangan, pero hindi niya alam kung nasaan ang celphone at hindi na niya kayang maghanap pa.

"Lord, patawad po sa lahat lahat ng kahinaan at kasalanan ko. Bahala ka na po sa mga magulang at mga kapatid ko, pati po kay Barbie at kay... Jiggo!"
Hinang hina na siya at pakiramdam niya ay may kung anong pwersa na humihigop sa kanya pailalim hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng malay.

Hindi na niya alam kung ano ang mga sumunod na nangyari, nagising siya na nasa ibang kuwarto at kama. Puro puti ang kulay pati ang kurtina.
"Hala, nasa heaven na ba ako, ibig sabihin ba nun ay mabait ako? "

Iginala niya ang paningin at nahagip ng mga mata niya si Barbie sa may pinto kausap ang isang lalaking naka lab gown. Umungol siya para iparamdam na gising na siya.

"Besh, salamat at gising ka na! Nag alala ako sa inyo ni baby, buti na lang at malakas ang kapit."

"A-anong nangyari, p-pano mo nalaman na..."
Halos ayaw lumabas ng boses niya sa bibig dahil sa panghihina.

"Tinatawagan kita mula pa kagabi, pero hindi ka sumasagot, ring lang nang ring ang celphone mo kaya nagpanic ako. Kaya bumiyahe ako kaninang madaling araw, buti na lang... Ayun, inabutan kitang inaapoy ng lagnat at kahit anong gawin kong yugyog sa yo, hindi ka magising kaya itinakbo na kita dito. Buti na lang at mabait yung kapitbahay natin, tinulungan ako na buhatin ka! "

" A-anong sabi ng doktor? "

"Nadale ka ng typhoid fever at dahil buntis ka, kailangan mong magstay dito ng two weeks!"

"Diyos ko, p-paanong... Saan daw nakukuha ang ganung sakit? H-hindi ba delikado sa baby ko?"
May kutob si Hannah kung saan at kanino niya nakuha ang sakit pero gusto niyang makasiguro.

"Maaring nahawahan ka daw ng taong infected, sa canteen halimbawa...baka yung spoon or fork. Or pwede ring nakakain o nakainom ka ng contaminated, ganun! At yes, delikado para sa baby, kaya nga two weeks kang mako-confine."

"Kung ganun, malala ang sakit niya at naisalin niya sa akin! Diyos ko, ano nang mangyayari sa kanya ngayon, paano kung mas lumala pa siya at walang makakita sa kanya doon, anong gagawin ko para matulungan siya?"
Dahil sa naisip, hindi niya napigilang umiyak. Awang awa siya sa kalagayan ni Jiggo.

"Huwag ka nang umiyak, dont worry,  siniguro ng doktor na magiging okey si baby, hindi mawawala ang alaala mo sa lalaking mahal mo! "

" Kaso baka siya naman ang mamatay, hindi ko kayang isipin na mawawala siya nang ganun lang, kailangang may gawin ako, pero paano? "
Lalo siyang napaiyak.

"Kung ang bills ang problema mo, huwag ka ring mag alala dahil may health care tayo. Tinawagan ko na rin si aling Miling para bantayan ka, kaya tahan na!"

"Paano na lang kaya ako kung wala ka?"
Nakangiti ngunit lumuluhang tanong niya sa kaibigan na nahawa na rin sa kaiiyak niya.

"Nakuu, nagdrama pa! Syempre, kaya nga may tinatawag na bestfriend di ba? Para na tayong magkapatid at responsibilidad natin ang bawat isa, tama?"

"T-tama! B-besh, m-may..."

"Gusto mong kumain? Siguradong walang laman ang sikmura mo dahil iniwan mo lahat sa sahig ng banyo, kaya kailangan mong palitan, kung hindi ay magugutom si baby diyan sa loob!"

"Besh..."

"Sandali, ikukuha kita ng arrozcaldo!"
Hindi maituloy tuloy ni Hannah ang sasabihin.

"O, ayan, ubusin mo yan ha? Para makarecover ka kaagad!"
Nanginginig ang kamay ni Hannah habang kinukuha sa kamay ni Barbie ang mangkok.

"Hindi mo pa yata kaya, susubuan na lang kita! Akina yan, o nganga..."

"Besh... M-may..."

Siyang dating ni aling Miling na naiyak agad pagkakita sa kanya.
"Anak, anong nangyari sa yo?"

Niyakap ng ina ang nanghihina pa ring anak.
"P-pasensiya na nay, p-pati kayo n-naabala ko pa. I-imbis na m-makatulong, n-naperhuwesyo ko pa ang t-tindahan niyo!"

"Ano ka ba Hannah? Syempre ina mo ako, maaari ba kitang pabayaan? Mas kay Barbie ka dapat mahiya huwag sa akin, dahil imbis na mag day off ang kaibigan mo eh, sumugod ng madaling araw! Saka hayaan mo yung tindahan, kayang kaya na yun ng tatay mo at wala pa namang gaanong trabaho sa bukid! "

"Wala po yun aling Miling, kung sa akin naman po ito nangyari, sigurado akong ganun din ang gagawin sa akin nito, di ba besh? "
Tumango si Hannah.

"Ano na nga pala yung sasabihin mo sana kanina? "
Naalala nitong itanong.

"M-meron ba? W-wala... Ano na kaya ang nangyari dun? "
Nakay Jiggo pa rin ang isip niya at ang kalagayan nito.

Ini-on ni Barbie ang tv.
"Sayang ang bayad namin sa private room kung hindi ka namin pakinabangan! "

Saktong showbiz updates ang palabas sa tv.
"JIGGO ALMAZIN, ISINUGOD NG KANYANG MANAGER SA HOSPITAL. AYON SA BALITA, NATAGPUAN DIUMANO NG CARETAKER NG ACTOR SA KANYANG PRIVATE HOUSE SA ANTIPOLO NA HUBOT HUBAD AT WALANG MALAY HABANG INAAPOY NG LAGNAT. HANGGANG SA NGAYON AY WALA PA KAMING NATATANGGAP NA UPDATE TUNGKOL DITO KAYA MANATILING NAKATUTOK SA SHOWBIZ UPDATE OTSO! "

Kinabahan si Hannah nang lumingon si Barbie sa kanya at tinitigan siya nang makahulugan.
"B-bakit? "
Umiling si Barbie saka nag sign ng 'mamaya na'.

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now