Chapter 39: Nagkausap Sina Hannah At Alvina

81 6 0
                                    

Bago natapos ang party at mabawasan na ang mga tao ay nagsalita si Jiggo sa harap ng lahat.
"Guys, i want to share something very important to you, Im..."
Binitin niya ang sasabihin habang iginagala ang paningin sa lahat at nagtagal iyon kay Hannah na nakatungo sa mukha ng kalong na anak.

"Getting married!"
Saka inilipat ang tingin kay Alvina na mukhang nagulat. Bakas ang lungkot sa magandang mukha nito habang nag-iisip kung sino ang tinutukoy ni Jiggo na pakakasalan nito.

"M-me and Alvina are getting married, s-soon!"
Lalong nagulat si Alvina, di ba kailan lang ay sinabihan siyang hindi siya tutuong mahal ng lalaki, na napipilitan lang ito sa relasyon nila para pagbigyan ang mga fans? Pero ganun pa man, ikinatuwa ng dalaga ang sinabi ni Jiggo at ang dating malungkot na expression ng mukha ay unti unting napalitan ng matamis na ngiti. Mahal talaga niya si Jiggo,eh!

"Really? Well that's good iho. Kaya lang baka magsukob kayo ni Edison sa taon, dapat magpakasal na ang isa sa inyo before the year 2012 ends, but you only have three months left to prepare pag nagkataon!"
Masayang tanong ni donya Soledad.

"No, hindi ako papayag na gawing madalian ang preparation sa kasal ng mga apo ko. Kailangang paghandaan ito'ng mabuti, kaya kung sino man ang mauuna ay sa 2013 na ito magaganap at sa susunod na taon naman ang isa!"
Apila ni don Felipe na ikinatuwa ni Elena.

"Agree ako kay papa!"
Sabi nito na kay Edison nakatingin.

Tumawa si Jiggo ng tawa'ng tila nakakaloko, halata'ng hindi nito ikinatuwa ang sariling anunsiyo.
"Guys, relax! We dont need to prepare too much dahil sa huwes lang kami magpapakasal, okey?"

"What?!"
Gulat na tanong ni Alvina na parang maiiyak na.

"Isang beses ko lang gustong i-ikasal sa buhay ko Jiggo, kaya ayokong sa huwes! I-i want my wedding to be memorable with a large crowd and... "

Umismid si Jiggo.
"Hindi ka pa ba nagsasawa sa mga engrandeng kasalan? Pwes, magkaiba tayo ng gusto kung ganun! Because for me, i want my own wedding to be just simple and quiet! So kailangan mo'ng mamili, marry me on December or no marriage at all?"
Natameme ang lahat lalo na si Alvina.

"Bakit kasi sa huwes lang anak? Kayang kaya naman natin kahit ila'ng engrandeng kasalan ah! And why did you asked her that question, nagpakasal na ba si Alvina dati?"
Naguguluhang tanong ni Nancy na nasa kabilang side ng anak.

"Ma, most of our projects, are always end up with a grand wedding, with a large crowd. From movies to series, even with our commercials and music videos, kaya hindi na bago at wala na'ng excitement para sa akin ang ganun! So my decision is final,i only want a simple wedding!"
Madidiin ang bawat salita ni Jiggo, halata'ng nanggigigil.

"Wow, what a way of a proposing! Pag ganyan ang mapapangasawa ko, hindi na ako magpapakasal, i'd rather be an old maid, haha! "
Sabat ni Lianne na hindi kinaya ang inaasal ng pinsan. Pero natameme din nang pukulin ni Jiggo ng matalas na tingin.

Tahimik naman si Edison sa tabi ni Hannah, alam niya kung bakit nagkakaganoon ang pinsan dahil siya ang nag utos. Pero hindi siya makapag comment dahil baka magreact ang mommy niya na pwedeng ikapahiya ng katabi.

Natapos ang argument na'ng walang maayos na napag usapan sina Jiggo at Alvina, pag uusapan na lang daw nila na silang dalawa lang muna.

Bago sila umuwe ay nagkaroon ng chance si Alvina na lumapit kay Hannah na bumalik sa red room para magpadede.
"Hi, would you mind if i join you?"

Gulat na napatingin si Hannah sa bahagyang nakaawang na pinto.
"N-no! Of course not, halika."
Kiming sagot niya habang pilit na tinatakpan ang mukha ni EJay ng kanyang shawl.

"We're not formally introduced to each other kaya ako na ang kusang makikipagkilala sa yo, since mukhang magiging mag in laws tayo in the future. Im Alvina San Juan, and you are...?"

"H-Hannah Lyn Callinte, nice meeting you personally miss Alvina. M-mas maganda ka pala sa personal at m-mas makinis!"
Nahihiyang sabi niya na tutuo sa loob ang papuri sa dalagang actress.

"I know right! Pero, in fairness maganda ka rin, pwedeng pwede kang mag artista. Gusto mo'ng i try? Yun ay kung, marunong  kang umarte!"

"H-hindi! Wala akong talent sa pag arte, kumakanta lang ako... D-dati, sa school at saka nung..."
Namilog ang mga mata ni Alvina dahilan para putulin nito ang sinasabi ni Hannah.
"Wait, parang namumukhaan kita! Sa..."

"Sa fb o sa Ig siguro nung napagkamalan si Edison ng mga fans niyo na si... "

"Sa fiesta! Now i remember... Tagal ko'ng inisip kung saan kita unang nakita when i saw your pictures in YouTube. Ikaw yung champion di ba?"
Hindi na nakapagkaila si Hannah.

Nagkapalagayang loob sila though medyo maarte si Alvina ay kayang kayang sakyan ni Hannah.
"So, kailan niyo balak magpakasal ni Edison?"

"Actually, hindi ko pa siya s-sinasagot. I mean, h-hindi pa kami totally nagkaka-balikan."
Nauutal na sagot niya habang pilit iniiwasan ang tingin ng actress.

"Why? Kawawa naman ang baby niyo pag hindi kayo magbalikan ni Ed. Kaya nga thankful din ako na kahit ganyan kasungit ang partner ko ay kapakanan ko lagi ang iniisip niya, ayaw niyang masira ang career at future ko kaya hindi niya ako inaakit na... You know... M-mag Pms! "
Nahihiyang banggitin ni Alvina ang salitang sex.

"V-virgin ka pa? "
Nakangiting tumango si Alvina.

"Sometimes, n-nagpaparamdam ako na g-gusto kong i-try,pero ayaw niya, g-gusto daw niya'ng malinis pa ako sa... f-first night namin, haha!"

Nakaramdam ng sobrang sakit ng loob si Hannah sa narinig. Si Alvina na girlfriend niya hindi niya ginagalaw, pero siya... Ang unfair naman...

Bumalik sa isip ni Hannah ang gabing may nangyari sa kanila. Masuyo si Jiggo at tiyak ang mga galaw. Bawat haplos nito sa kanya ay ramdam niya'ng may pagmamahal at hindi pagnanasa lamang. O baka ganun lang talaga ang kilos ng lalaki kapag nasa actual na pakikipag... Ipinilig niya ang ulo para burahin ang mga nasa isip.

"Ang cute ni EJay, siguro kapag nagkaanak kami ni Jiggo, magiging kamukhang kamukha din niya!"

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now