Chapter 24: The Great Offer

77 7 0
                                    

Paglabas nila ng hospital ay nagyaya si Edison na mag lunch muna sila bago umuwe pero tumanggi si Barbie.
"Kayo na lang ni Hannah sir Jiggo, este Edison, maghihintay kasi ang boyfriend ko sa bahay, haha! Isa pa, may palagay ako na kailangan niyo'ng mag usap na kayo'ng dalawa lang!"

"B-besh, ano ka ba? K-kanina ka pa ha?"
Apila ni Hannah sa tila pagtataboy nito sa kanya kay Edison.

"Yah, you're right! Thank you very much Barbie and nice meeting you, take care and regards to your boyfriend."

"Thank you and please, take care of her!"

"I will, dont worry!"

Sa isang tahimik at sikat na restaurant dinala ni Edison si Hannah para iwas usyuso pero hindi pa rin sila nakaligtas sa matalas na paningin ng mga tao. Pagpasok pa lang nila sa pinto ay agaw pansin agad ang hitsura nilang dalawa kaya marami na naman ang kumukuha ng pictures sa kanila.

"Hindi ka ba natatakot sa mommy mo? Siguradong kakalat ang mga pictures natin at imposibleng hindi makarating sa kanya!"

"No, im not afraid! Alam ko na ang ginawa niyang pagtataboy sa inyo nung nasa London na ako and i'm sorry for not being arround to protect you!"

"Okey lang yun, huwag mo na'ng isipin dahil napabuti naman kami!"

"Hindi pa rin ako matahimik knowing that i was the cause of her unreasonable anger, kaya gusto ko'ng makabawi sa inyo, lalo na sa yo!"

"I-in what way?"
Kinakabaha'ng tanong ni Hannah kahit may kutob na siya kung ano ang ibig sabihin ng binata.

"Let me continue what i have started in the hospital, let me stand beside you in front of every one and regain your family's trust and love."

Napatitig si Hannah sa binata, inaarok niya sa mukha nito kung nagbibiro o nahihibang.
"Are you kidding me?"

"No, I'm serious! I'm willing to give your child my name. And... M-marry you if possible!"
Iniwas ni Edison ang tingin kay Hannah habang sinasabi ang bagay na yun, dahil natatakot siya'ng ma-reject nang harap harapan.

"N-naiintindihan mo ba ang sinasabi mo? At paano ka nakakasiguro na kailangan ko ang tulong mo at bakit?"
Nakangiti na'ng Paismid si Hannah habang nagtatanong.
Sinalubong ni Edison ang tingin ni Hannah at ilang segundo'ng nagtagis ang mga mata nila.

"I know everything about you Hannah, alam ko'ng lahat na'ng pinagdadaanan mo ngayon at na'ng pamilya mo. Everything but the one who brought you into this mess, the lucky bastard who won your heart over me!"

Muling nag iwas ng tingin si Hannah, para bang pag nakipagtitigan siya kay Edison ay mababasa ng binata kung sino ang lalaking tumalo dito sa puso niya. Nakahinga siya na'ng maluwag nang makita'ng papalapit na ang waiter na may dala ng mga order nila.
"I-it's nonsense, mabuti pa kumain na tayo at u-uuwe na ako!"

Binalingan ni Edison ang mga pagkain at saka ngumiti sa waiter na panay ang sulyap sa kanya.
"Thank you!"

"You're welcome sir, please enjoy your meal. Maam?"

"Thank you!"
Nakangiting ganti ni Hannah sa ginawang pag acknowledged sa kanya ng waiter bago ito magalang na lumayo.

Sandali silang natahimik, isinantabi muna ni Edison ang kanyang proposisyon para mapagsilbihan si Hannah sa pagkain at para hindi masira ang appetite nito.
"You should eat plenty of vegetables and fruits para makasiguro ka'ng okey ang baby mo paglabas niya dito sa outside world!"

"S-salamat!"

Na'ng matiyak ng binata na sapat na ang nakain ni Hannah ay itinuloy niya ang naudlot na topic.
"As i was saying, i'm willing to stand beside you in front of your family, and neighbors!"

Mapait na umiling si Hannah, pinipigil ang pag iyak.
"I'm sorry pero hindi ko kayang gamitin ka o isangkalan ka sa isang bagay na pwedeng makasira sa buhay at pagkatao mo, unfair sa yo dahil... H-hindi ko Kayang suklian!"

Si Edison naman ang napayuko, para siyang sinaksak nang ilang ulit sa dibdib. Mas gugustuhin pa ni Hannah na tuluyang malayo sa pamilya at harapin ang kahihiyan habang buhay kaysa maugnay sa kanya o tanggapin ang tulong niya na may pagmamahal na kaakibat?
"Ouch, ang sakit naman!"

"S-sorry kung nasasaktan ko ang loob mo, pero ayoko lang na paasahin ka o samantalahin ang kabutihan mo. Mula't sapul ay sinabi ko na sa iyo na wala ako'ng nararamdaman para sa yo maliban sa pagiging kaibigan kaya sana h-huwag kang magagalit sa akin!"
Hindi na pinigilan ni Hannah ang pagtakas ng ilang patak ng luha sa mga mata niya.

Nakipag unahan sa kanya si Edison sa pagkuha ng tissue sa box.
"Don't cry please? I still want to stand beside you and give my name to your baby but I'm not expecting you to love me in return. Gusto ko lang na matigil na ang mga tao sa panglalait nila sa yo at sa pamilya mo! We don't need to get married if that's what you're afraid of. Pwede nating palabasin na ikaw mismo ang umayaw sa kasal and that i'm still trying to win you back after our big fight that caused us to break up! "

Natigilan si Hannah, masyadong tempting ang alok ni Edison.
"Why are you doing this? A-ano'ng mapapala mo? "

Nanunuot sa damdamin ang tingin na isinagot ni Edison.
"I just love you Hannah, and if you love someone, you're doing thing's to protect and to make her or him happy without asking the person to return the favor. I guess, you're already in this situation with the man who brought you into this!"

Kinabahan si Hannah, parang may kutob na si Edison kung sino ang salarin.
"U-until when you'll do this?"
Pananalakab niya.

"Until that guy is man enough to take his responsibility. It is then that i will stop courting you!"
Hindi naitago ni Edison ang pagsungaw ng lungkot sa mga mata na agad ding binawi sa pamamagitan ng isang umaasang biro.

"But if you'll learn to love me in the process, kailangang pakasalan mo ako, deal?"

Tumawa na rin si Hannah.
"Sige, pag iisipan ko!"
Hay naku, bakit ba kasi napakahirap turuan nang puso kung minsan.

"Okey but you only have one month to think about it, okey?"
Tumango si Hannah at saka nagpaalam na pupunta sa cr.

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon