Chapter 84: Jiggo Tried To Aid Hannah

74 9 0
                                    

Hindi first time ni Jiggo na magpalipad ng helicopter dahil ilang beses din siyang nakapagpalipad  nito noong nasa training school pa lang siya, pero ngayon lang niya mararanasan na maghelicopter sa kasagsagan ng bagyo kaya kinakabahan siya.

Pagkatapos ilagay sa compartment na nasa pinakailalim ng mga upuan ang mga kailangang gamit ay sumakay na si Jiggo. Pinaandar ang rotor system at nag alay ng tahimik at maikling dasal.

"Here we go!"
Dahan dahan niyang inangat ang collective control at dahan dahan ding umangat ang sasakyan pataas nang pataas. Nang nasa 500feet na siya, namangha siya sa ganda ng paligid. Bigla niyang naalala ang sinabi ni EJay na Very very large garden of white flower ng mama niya na may letter initial nilang dalawa. Out of curiosity, idinaan niya sa ibabaw ng Hasyenda Elvira ang helicopter at nakumpirma niya ang sinabi ng anak. Malinaw na malinaw ang kulay puting HJ mula sa itaas na kinaroroonan niya. Parang dinudurog ang bawat himaymay ng kanyang puso. At mula sa kalawakan sinabayan niya ng malakas na 'HANNAAAAAH' ang tunog ng rotor blade.

"Hannah please be safe my love, im coming, im coming, Oh God i pray, keep them safe... im coming my love, wait for me please, i love you so much!"

Dahil sa lakas ng hangin at mga patak ng ulan na sinasabayan niya ng walang patid na pagluha, inabot ng halos dalawang oras bago siya nakarating sa Tuguegarao Airport para magpa-refuel. After refueling, agad siyang tumuloy sa isla. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang wala pa namang matinding pinsalang idinulot ang bagyo maliban sa ilang mga natumbang puno at nilipad ng mga di gaano kalakihang mga debris sa kalye.

"Thanks God, looks like everything is under control."
Lumapag siya sa bakuran ng Villa.

Gulat na napalabas si aling Sidra na may dalang malaking payong.
"Kayo pala yan sir Jiggo. EJay, ang papa mo andito, sakay ng malaking 'tuwwato', haha!"

Mabilis na napalabas si EJay at tumalon para magpakarga sa ama.
"Papa, ko!"

"My son, i miss you so much!"
Pinupog niya ng halik ang bata habang umiikot ang mata sa paligid,hinahanap niya si Hannah.

"Ano pong 'Tuwwato'?"
Disimuladong tanong ni Jiggo dahil nahihiya siyang magtanong agad ng tungkol kay Hannah.

Tumawa si Sidra.
"Ano yung... Tutubi ba yun? Mukha kasing tutubi yung helicopter mo!"

"Ah, ganun ba? Haha! Eh si..."

"Ay wala siya, kanina pa umalis papunta sa kabilang isla,pinigilan ko nga dahil masama ang panahon pero hindi ako pinakinggan, nag aalala din kasi siya para sa mga magulang niya!"

"Kasama po ba si mang Berting?"

"Hindi! Tinakasan niya kami kasi ayaw din ng mang Berting mo na lumayag sila at delikado nga, malakas ang ulan at malalaki ang alon!"

Kinakabahan na si Jiggo.
"P-paano po siya n-nakapunta doon?"

"Ginamit niya yung boat, marunong na siyang mag-timon, tinuruan siya ni don Pepe bago sila ikinasal!"

Muling umahon ang selos at hinanakit sa puso ni Jiggo pero nangibabaw ang pag aalala para sa babaing minamahal.

"K-kayo po muna ang bahala kay EJay, susundan ko si Hannah!"
Ibinaba niya si EJay pero nangunyapit ito sa braso niya.

"Papa, sama ako! Sama ako!"

"No son, it's dangerous this time! Papasyal na lang tayo pag okey na ang panahon, but this time dito ka muna at susundan ko ang mama, okey?"

"No, i want to go with you, I'll find mama also!"
Umiiyak na samo ni EJay pero hindi na niya sinagot ang bata.

Nagmamadali na siyang sumakay sa helicopter, pero naalala niya, hindi pala niya alam kung saan ang isla ng Dalupiri. Bababa sana siya para magpasama kay mang Berting pero naunahan siya ng hiya at naghahabol siya ng oras.
"Bahala na, gagalugarin ko na lang ang mga isla na makikita ko!"

Samantala, nang mga oras na yun ay abala sina Hannah at ang mga magulang sa pag aayos ng mga natibag na dike ng mga palaisdaan kasama ang ilang mga dating tauhan ng don.

"Tama na po muna yan at baka may mapahamak pa sa inyo. Saka na po natin ipagpapatuloy kapag maayos na ang panahon."

"S-sige anak. Pero, huwag ka munang bumalik sa Centro hangga't di tumitila ang ulan, baka ikaw naman ang madisgrasya sa laot, wag namang itulot!"
Si aling Miling.

"Di ka na nga dapat na sumugod sugod pa dito eh, wala din namang magagawa."

Napailing si Hannah sa kulit ng ama.
"Nag alala nga po ako sa inyo kaya ako napasugod. Maliit lang ang islang ito kaya balak kong ilikas kayo sa Villa!"

"Siya siya tama na yan. Teka at magtitimpla ako ng kape natin!"

"Hindi na po inay, kailangan ko nang umuwe at nag aalala din ako sa anak ko! Ayaw niyo ba talagang sumama?"

Umiling si mang Hulyo.
"Ayos na kami dito. Malaki naman itong bahay at mukhang humuhupa na rin ang bagyo. Ikaw ang inaalala ko, malikot pa rin ang dagat kahit tumigil pa ang ulan,malapit na ring dumilim!"

"Ayos lang po ako, huwag kayo'ng mag alala, may awa ang Diyos, walang mangyayaring masama sa akin, kailangan pa ako ng anak ko. Sige po nay,Tay babalik na lang ako bukas. Pag okey na ang panahon, isasama ko si EJay!"

"O siya sige, mag iingat ka! Naku, ito ang pinaka maling ginawa ni don Pepe sa yo eh, yung tinuruan kang maglayag at lumangoy, ayan tuloy sumubra ang lakas ng loob mo!"
Napapailing na sabi ni mang Hulyo sa anak.

Halos dalawang oras ding naglakbay, bago nakarating sa daungan si Hannah, tila na rin ang ulan.

"Mama, mama! Papa was here!"
Salubong ni EJay sa kanya na hindi niya pinansin.

"How's my darling baby, how long did you cry after i left?"
Tanong niya habang pinupupog ito ng halik.

"I stopped then cried again when papa refused to take me with him in his hecopter!"

Napakunot noo si Hannah.
"Ano pong sinasabi nito aling Sidra?"

"Si sir Jiggo, sumugod dito kaninang kasagsagan ng ulan. Nang malamang naglayag kang mag isa,ay sinundan ka, di ba kayo nagkita?"

Nasapo ni Hannah ang dibdib. Paano siya makikita ng taong yun eh hindi naman niya alam kung saan siya hahanapin?
"Diyos ko, nasaan na kaya yun?"

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now