Chapter 11: One Night Of True Love

82 7 0
                                    

Hawak uli ni Jiggo ang kamay niya habang tahimik na nagdadrive. Halos hindi niya napansin nang pumasok sa isang automated na garage room ang sinasakyan nila.

Pinangko siya ni Jiggo mula sa sasakyan paakyat sa hagdanan habang nakalapat ang mga labi nito sa mga labi niya, mistula silang mga bagong kasal.

Wala na sa sarili si Hannah, wala na siyang ibang nararamdaman kundi ang nag uumapaw na pag ibig sa binata, kaya hindi na niya namalayan kung paano natanggal ni Jiggo ang lahat nang balot niya sa katawan.

"You're so beautiful!"
Bulong ng binata sa pagitan ng bawat halik na lalong nagpawala sa katinuan niya. Kung panaginip man ito sa kanya ay ayaw na niyang magising.

Saglit pa ay sabay na silang pumapaimbulog sa kalawakan at nakikipag unahan sa mga rocketship at mga meteor hanggang sa tuluyan na silang bumulusok sa kawalan.

At nang bumalik sila sa mundo ng katotohanan, saka lang nila narealize ang laki ng nagawang pagkakamali.

"Shit shit shit! What have i done?"
Bumalikwas ng bangon si Jiggo at pinagsusuntok ang kawawang kama na kani kanina lang ay masayang nakipagtulungan at sumaksi sa nakakapanaghili nilang pagmamahalan.

"J-Jiggo, b-bakit?"

"This is not supposed to happen, y-you're a virgin!"

"H-huwag mong sisihin ang sarili mo Jiggo, kasalanan ko din dahil n-nagpaubaya ako. H-huwag kang mag alala..."

"You dont understand, I'm a celebrity and I'm already committed to Alvina. Pag nalaman ito ng media o ng mga netizens... Wait, did you planned this?"

Parang binuhusan ng isang drum ng malamig na tubig si Hannah na may kasamang magkabilang sampal sa pisngi.

"A-ANO?"

"Yah, right! I should have known this from the start. Sinadya mong sumali sa contest at naghintay ka sa kotse ko para i-hook ako,at may mangyari sa atin. And after that, you will leak it to the media to distroy me, to distroy us! You did it purposely to get even with me. Who's with you, tell me who's with you? "

Hindi na nagawang umiyak ni Hannah sa sobrang pagkabigla kahit ang pakiramdam niya'y nadurog na na'ng husto ang kanyang puso, ganito pala mag isip ang tao'ng pinag ukulan niya ng lihim na pagmamahal sa mahabang panahon.

"Get dress and i'll call a cab to send you away, now!"

"Hindi mo ako kailangang utusan, talagang magbibihis na ako!"
Isa isang pinulot ni Hannah ang mga damit na humagis kung saan saan.

"Hurry, the cab will be here any minute! Take this, pambayad mo sa cab!"

Tinabig niya ang kamay ni Jiggo at tuloy tuloy siya sa pinto.
"Hannah?"
Tumigil siya sa paglakad pero hindi siya lumingon.

"Please dont do this to me, huwag mong ituloy na sirain ang career ko, This is all i have, i beg you!"
May kinig sa boses ni Jiggo, ramdam niya ang takot at pag aalala.

Saka pa lang siya dahan dahang lumingon kasabay nang pag agos ng mga luha sa magkabilang mata.
"Isa kang duwag Jiggo, judgemental at duwag! Wala akong dahilan para siraan at paghigantihan ka. Nagmahal lang ako kaya hinayaan kong mangyari ang lahat, pero huwag kang mag alala, wala akong planong habulin ang isang tulad mong 'Langit' at hinding hindi ko na hahayaan na mag krus muli ang mga landas natin. Hindi ito mahirap gawin para sa akin dahil kahit saan ako magpunta tanaw ko pa rin ang langit! "

Binuksan na ni Hannah ang pinto at patakbong bumaba ng hagdan.
Nang nasa taxi na siya, tinanong niya ang driver kung nasaan sila.
"Antipolo po maam, saan po ba kayo?"

"Ahm pakibaba na lang po ako sa Ligaya!"
Ewan niya kung bakit naisipan niyang doon magpababa gayung nasa Santolan pa ang boarding house nila.

Tiningnan niya ang wrist watch niya, alas dos na ng madaling araw.
"Hindi pa ako nagpapakita sa bahay. Di bale tatawag na lang ako mamaya at sasabihin kong nag overtime ako!"

Sumakay uli siya ng jeep. Buti na lang at 24 hours ang biyahe ng mga sasakyan. Bumaba siya sa Santolan o Lrt at sumakay uli ng tricycle para magpahatid sa boarding house nila.

Pagpasok na pagpasok pa lang ay kinuha agad sa bag ang celpbone saka ini-on. Sunod-sunod agad ang tunog ng notification, noon lang niya naalala si Barbie.
"Oh my God, baka nabaliw na yun ng kahahanap sa akin!"

Binasa niya ang mga message. Thirtyfive kay Barbie na nagtatanong kung asan na siya, pinapa sagot ang 50 na miscol sa celphone at minumura siya. May sampong miss call din ang kapatid niya at limang message na nagtatanong kung bakit hindi pa siya umuuwe o kung uuwe pa ba daw siya.

Binigyan niya lang ng tigisang reply ang kaibigan at kapatid ng; 'Andito ako sa boarding house, hindi ako uuwe may biglaang trabaho'.

Pinilit niyang makatulog pero ayaw siyang dalawin ng antok. Parang nararamdaman pa rin niya ang mahigpit na yakap at maiinit na halik ni Jiggo sa kanya. Parang nasa mga labi pa rin niya ang malambot at mabangong bibig ng binata, at di sinasadyang nasalat niya ito.
"J-JIGGO!"

Muli siyang nakadama ng awa sa sarili, lalo na nang maisip na nawala na ang tanging kayamanan na iningatan niya ng maraming taon.
"Paano na ako ngayon?"

"Anong paano? Magpasalamat ka na lang dahil si Jiggo na One and only love mo ang nakakuha ng 'hidden treasure mo' kesa ibigay mo lang sa taong hindi mo mahal. At least ngayon, tumanda ka mang dalaga at nag iisa ay may baon kang isang gabi ng pag ibig mula sa kanya! "
Sagot niya sa tanong ng sariling isip.

" Tama! Dahil habang ginagawa namin 'yun', ramdam ko sa bawat haplos, yakap at halik niya sa akin na tutuong may damdamin siya para sa akin! "

"Ganyan nga, magpantasya ka, parang baliw lang te? "

Dahil sa naisip guminhawa ang pakiramdam ni Hannah kaya nakatulog siya ng mahimbing.
" Mama, what those letters in the garden meant for?"

" Its your papa and mine's letter initials son!"

" Why did you planted it in there? "

" So, he can see it from the sky!"

"Is he dead already?"

"No!"

"So why is he in heaven then?"

"You're so nosy! Someday you'll understand everything, but now lets get inside because the mosquitoes are starting to roam arround and search for a delicious and tasty blood from a handsome and cute boy like you!"

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now