Chapter 74: Bisperas Ng Kasal,gabi Ng Concert

90 8 8
                                    

Nang sumunod na araw, si Alvina naman ang nagpa interview para kumpirmahin ang mga sinabi ni Jiggo.
Press: Bakit ka pumayag na ma-cancel ang wedding niyo?"

Alvina: We just realized that we are better be as friends than lovers. Jiggo will always be my partner even if he'll go away, who knows someday babalikan din niya tayo? I want to take this opportunity also to invite you to please join us on Friday night... "
Naluluha ngunit nakangiti si Alvina habang nakatingin sa camera.

Friday night ang concert ni Jiggo at Saturday morning naman ang kasal ni Hannah, kaya thursday pa lang ay kinumpirma na nina Edison at Cyrille sa binata na hindi sila makakapanood kasama ang mga magulang at si Lianne bilang pag-respeto sa biyanan nito.

"It's okey couz, i understand. Andiyan naman sina mama, papa, lolo at lola. I just want to ask you a favor..."
Sabi niya na kay Cyrille nakatingin.

"What is it?"

"I want to see my son before my concert, please?"
Sabi niya sa naiiyak na boses.

Nabaghan ang mag asawa, ramdam nila ang pananabik nito na muling makita at mayakap ang anak.
"We'll see what we can do!"

Wednesday afternoon ang napagkayarian nilang pagkikita sana nang mag ama pero hindi pumayag si Hannah na ipaubaya sa kanila ang anak at baka tangayin daw ni Jiggo. Kaya inilihim nila ito kay don Pepe.
"May bibilhin lang kami sa Aparri pa, para sa gagamitin ni Hannah sa kasal niyo!"

"Okey, pero di ba mas maganda kung pag aralan mo na'ng tawaging mama ang magiging esposa ko?"

Imbis na si Hannah ang kilabutan ay si Cyrille ang pinanindigan ng balahibo.
"I can't imagine myself calling someone who is younger than me 'mama', haha!"

Sa isang restaurant sila hinintay ni Jiggo, at pagkakita nila sa isat isa, ay muling nadurog ang kanilang mga puso.
"Jiggo!"

"Hannah!"

Agad na kinarga ni Jiggo ang anak na pumapasag pasag pa nang makita siya, kilala na siya ng bata at nararamdaman na nito na dito siya nagmula. Umiiyak na pinupog nito ng halik ang tumitili tili pa sa tuwa na si EJay, wala siyang kamalay malay na ito na ang huling beses na makakarga siya nang ganito ng ama.

Hindi natagalan ni Hannah ang tagpo, nagdahilan siyang pupunta muna sa cr. Maging sina Cyrille at Edison ay hindi napigilan ang mga luha.

"K-kung kausapin ko kaya ulit si papa? Kaya lang baka siya naman ang mamatay sa lungkot. Oh my God, why life's so cruel sometimes?"

"Don't do that, don't ever ever question God, He knows what He's doing and He has His own way, a unique way to fix everything like the Way He did to us!"

"Awww!"
Naluluhang sumandal sa dibdib ni Edison si Cyrille, ramdam niya ang sinseridad sa sinabi.

Samantala, ibinuhos na lahat ni Hannah ang natitira pang luha at uhog sa lababo ng cr. Kailangang kalmante na siya pagbalik niya sa mga kasama.
"Lord, bigyan mo pa po ako ng tibay at lakas ng loob na mapaglabanan ang tukso..."
Humigit kumulang kalahating oras siya doon. Naalala niya ang Id na ibinigay sa kanya ni mang Berting, inilabas niya ito sa wallet para isoli sa binata.

Nang humupa na ang damdamin ay bumalik na siya sa loob pero wala na si Jiggo.
"Hindi ka na hinintay, baka hindi na daw niya ma-control ang sarili..."

Napahikbi siya pero nagawa niyang pigilan ang muling pagdaloy ng mga luha.
"T-tayo nang umuwe, g-gagabihin tayo sa laot!"

At dumating na ang gabi ng pamamaalam ni Jiggo sa industriya at sa buong Pilipinas.
Unang nagtanghal ang mga dancers ng kanyang home network na 'Ka-dugo' network or channel eight,sumunod ang tatlong magkakasunod na guests dahil para siyang dinadaga sa dibdib.

"Ano ba Jiggo, uubusin mo ba muna lahat ng guests mo bago ka sumalang? Maka-'I will be alone' ka dati wagas, tapos ngayon, puro guests ang nagpe-perform. Galit na si derek o!"
Sabi ni Jimmie na binati na rin siya nang malamang magpapaalam na siya sa showbiz.

"Shut up!"
Singhal niya dito

"Ano ba kayong dalawa, para kayong mga asot pusa, hindi ba talaga kayo pwedeng magkasundo, kahit ngayon lang?"
Saway sa kanila ni Alvina.

Padabog na tumayo si Jiggo at sumenyas sa emcee. Na masayang tumango pagkakita sa kanya.
"AND NOW LADIES AND GENTLE MEN, LET ME CALL ON THE MAN OF THE NIGHT, THE BACHELOR HIMSELF, MR. JIGGO SALEM ALMAZIN!"

Halos mabingi si Jiggo sa lakas nang hiyawan at palakpakan ng mga tao, hindi niya inaasahan na ganito karami ang manonood sa kanya.
Bago pa siya tuluyang nakalabas sa stage ay pumailanlang na ang intro ng kanyang opening song. Isa sa mga hit song ni Enrique Iglesias.

If i had one single wish i'd go back to the moment i kissed you goodbye,
No matter how hard i try i can't live without you in my life

Maybe you'll say that you want me
Maybe you'll say that you don't
Maybe we said it was over
But baby i can't let you go...

Nakita niya sa unahan ang mga magulang, aguelo at aguela niya na panay ang pahid ng mga luha.

Pagkatapos ng unang kanta, bumati siya sa lahat at in-acknowledged ang presence ng mga kaanak at ang mga tauhan sa Hasyenda, ganoon din ang ilang mga importanteng tao sa industriya na nanonood at ang mga guest performers na  inimbitahan niya.

Sumunod na number ay ang duet nila ni Alvina 'Love aint enough', na ipinauna na ni Alvina na iniaalay nito sa kanya ang kanta. Twenty five na heartbreaking songs lahat ang kinanta niya na puro pasaring kay Hannah at sa bawat interlude ay nag aadlib siya nang 'This one's for you my love'.

Pero ang pinaka iniyakan ng lahat na nagpa nginig sa boses niya ay ang 'If could turn back the hands of time' na ni-revive niya.

Sa isla, nanonood din ang lahat nang nasa villa maliban kay don Pepe na maagang pinagpahinga ni Cyrille. Lahat sila ay naiyak lalo na si Hannah na hindi mapatid patid ang luha.

"Anong magiging hitsura mo niyan bukas? Sabi ko na kasi sa yong huwag ka nang manood, pano ngayon yan? Mukha ka nang zombie!"
Sabi ni Barbie

"Hindi ko matiis besh, kasi alam kong para sa akin ang Concert niya, kahit man lang sa huling beses ay mapanood siya ni EJay!"
Tahimik nga naman ang bata sa panonood na parang nararamdaman niya kung anong pinagdadaanan ng ama.

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now