Chapter 9: Bisperas Ng Fiesta

79 7 0
                                    

Nakatayo sa may pintuan si Barbie kasama ang boyfriend niya.
"K-kanina pa kayo diyan?"

"Dont worry, we didnt heard everything, haha!"

Nagtakip ng mukha si Hannah at patakbong pumasok ng kwarto.
"Nakakahiya, para akong tanga!"

"Hindi naman masyado, huwag ka nang mahiya, normal lang yan haha!"
Sabat naman ni Garry sabay halik sa pisngi ni Barbie.
"Got to go babe, goodnight!"

"Night! Ingat ka sa pagda drive, okey?"

Pagkaalis ng boyfriend, pumasok na din sa kwarto nila si Barbie. Napasukan niyang nakakulubong ng kumot si Hannah at halatang nagtutulog tulugan.

Nilapitan niya ito at tinanggal ang kumot.
"Bumangon ka nga muna diyan, kuwentuhan muna tayo!"

"Para inggitin ako, ganun?"
Nakasimangot siya habang umuupo.
"Palagay ko tama ka, kailangan ko nang mag move on. At panahon na rin siguro para subukan kong makipagrelasyon!"

"Correct! Pero may naisip akong paraan para malaman natin kung maaalala ka pa niya, o kung ikaw ba yung girl na tinutukoy niya. I follow natin siya sa IG at magpost ka ng mga throw back photos mo."

"Ay ayoko! Kakahiya. Isa pa wala akong gaanong magandang pictures nung bata pa ako, maliban sa picture na kuha ng grupo naming mga contenders, medyo maganda ako noon kasi nakaayos, haha!"

"O eh di mas magaling. Mas madali ka niyang maalala dahil kasama siya sa picture!"

"Hindi pwede, gusto mo bang ma-bully ako? Alam mo naman yang mga fans at loveteam shippers, masyadong mga seloso at selosa. Iisipin ng mga
Vinggoans, nagpapapansin ako kay Jiggo, kahit tutuo pa man!"

Napatango si Barbie.
"Oo nga pala, siguradong iba bash ka and worst pagbabantaan at mumurahin ka ng mga fans nila haha! Fine, forget it at umpisahan mo nang mamili sa mga suitors mo para makapag move on ka na!"

Sinubukan nga ni Hannah na makipag boyfriend pero wala pang isang buwan ay nakipag break na siya.
"Anong ginawa mo kay Dave, nasalubong ko sa labas yung tao umiiyak,nag away ba kayo? "

" Ang hirap magpanggap at magpayakap sa taong hindi mo gusto, para kang nagsu-suicide! I'd rather stay single for the rest of my life than to fake my feelings forever! "

"So ano, magpapaka old maid ka na lang? Twenty three ka na, ilang birthday mo pa at matrona na ang labas mo, haha! "

"Ganun na nga siguro! Dahil kung hindi ko din lang naman mararamdaman sa iba yung tulad ng feelings ko kay Jiggo, magpapakatandang dalaga na lang ako. "

Naaawang niyakap ni Barbie si Hannah.
"Ang hirap naman ng pinagdadaanan mo? Siguro kung hindi ka na-inlove sa taong yun, maligaya ka na sana ngayon sa piling ni Dave! "

May katuwiran si Barbie dahil kung tutuusin ay hindi na rin basta bastang lalaki si Dave. Guwapo, matalino, mabait, matangkad at store manager sa isang kilalang fastfood.

"Siya nga pala, malapit na ang pyesta sa dati niyong lugar. Magsasagala nga daw sina Liane at ang pinsan ko eh! Ano kaya kung makipamiyesta tayo? Katuwaan lang, ano!"

Mapait na umiling si Hannah. Mula nang palayasin sila ni Elena sa hasyenda, ipinangako na niya sa sarili na hinding hindi na siya tutuntong sa lugar na iyon.

"Kung ako ikaw, titiryahin ko si maam Elena at magpapakita ako kay Edison. Malay mo, si Edison pala talaga ang nakatadhana sa yo at hindi si Jiggo. Di ba sabi mo eh magkamukha sila?"

"Magkahawig, hindi magka mukha! Mas malaki at kulay brown ang mga mata ni Jiggo samantalang chinito at black naman kay Edison!"

"Okey, magkahawig na kung magkahawig. O ano, punta tayo? Kasi si Edison daw lahat ang punong abala sa paghahanda!"

"Pag iisipan ko. Two months pa naman eh, mahaba pa ang time para pag isipan ko kung pag bibigyan kita o hindi!"

Pero two weeks before pyesta, may nabasa si Hannah sa comment section ng isa sa mga video ng Vinggo na naka post sa youtube.

'Yes, malapit na ang Fiesta, i cant wait to see Alvina and Jiggo in San Agustin. Sila ang magja-judge sa singing contest doon, haha! See you soon Vinggo!'

Hindi mapigilan ni Hannah ang pagkabog ng dibdib, nanginginig ang kamay na dinampot ang celphone at nagtext kay Barbie.
' Besh, paki confirm sa cousin mo kung legit ang nabasa ko na Vinggo ang judge sa fiesta singing contest!'

Sa halip magreply ay tumawag ang kaibigan sa kanya.
"Legit besh! Ichichika ko talaga sa yo yan mamayang break time, kaso naunahan mo na ako eh! Anong plano mo?"

"E-ewan ko! Makakabuti ba kung... sasali ako sa contest? Please, i need a good advice!"

"Walang mawawala sa yo, at saka di ba may pangako ka noon sa sarili mo? Hindi man siya ang kalaban mo, at least mapapatunayan mo naman na hindi ka loser!"

Pag uwe nila nang sabado, nag audition si Hannah pero nag alias siya para hindi siya makilala agad ng magpinsang Edison at Jiggo at para makaiwas din kay Elena.
"Hindi na nila maaalala ang hitsura mo noon, ten years ba naman! "

"Mabuti na ang mag ingat!"

At habang naghihintay ng araw, nagpractice siya nang husto sa tulong ni Barbie.

"Inumin mo muna itong salabat, at huwag ka munang iinom o kumain ng malamig, okey?"

"Yes coach!"

Besperas ng kapyestahan gaganapin ang singing contest kaya nagleave ng isang araw ang magkaibigan para makapaghanda at makapagpa parlor. Bumili pa siya ng damit na susuutin sa contest.

"Nagastusan tuloy ako, hmp!"

"Okey lang yan, balita ko ay malaki daw ang inilaan ni Edison na papremyo sa singing contest, kaya mababawi mo din ang lahat ng ginastos mo sa damit at parlor!"

Madilim na nang pumunta sa plaza sina Hannah at Barbie dahil umiiwas silang makakita ng mga kakilala. Saka lang sila lumapit sa stage nang magsisimula na ang contest.

"O mga contestant, pumuwesto na kayo doon sa back stage at magpakilala sa bawa't isa para hindi kayo magkailangan, okey? Good luck every one!"

Saglit pa at nag umpisa nang magpakilala ang mga host at isa isa na ring ipinakilala ang mga guest at mga judge. At syempre, hindi mag uumpisa ang show hangga't hindi kumakanta ang Vinggo.

"LADIES AND GENTLEMENS, ANG KINABABALIWANG LOVETEAM NG TAON, VINGGO!"

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now