Chapter 30: The Birth Of EJay

72 7 0
                                    

Nabigong makakuha ng impormasyon kay aling Miling si Edison.
"Bakit mo naitanong, nagseselos ka ba? Hanggang ngayon nga eh hindi pa rin ako makapaniwalang malapit na'ng manganak ang anak ko na'ng hindi ka man lang namin nakitang dumalaw dito kahit minsan bago siya nabuntis! Ang pagkakaalam kasi namin eh konserbatibo si Hannah at hindi namin nakita o nabalitaang nakipagdeyt o sumamang mamasyal na mag isa, kundi kasama si Barbie! "

"Ah, h-hindi po namin masabi noon ni Hannah dahil baka kako pati sa akin ay masama rin ang loob niyo dahil kay mommy, hehe! Lumakas lang ang loob ko nang malaman kong m-magkakaanak na pala kami, haha!"

Bumalik agad sa reception ang binata na naguguluhan. Hindi naman niya mausisa si Barbie dahil siguradong pagtatakpan nito ang kaibigan.
"Sino ba talaga ang may gawa sa iyo niyan Hannah at ganun mo na lang kung itago? Alin sa dalawa, masyado mo siyang mahal o masyado ka niyang tinatakot? Saan ako mag uumpisa ng paghahanap kung ganitong wala man lang clue!"

Sa huling prenatal ni Hannah ay nasita ni Elena ang anak.
"Saan ka na naman pupunta Edison, kay Hannah na naman ba? Anu ba kasi ang nakita mo sa babaing yun at ni hindi mo nagawang magmahal ng iba kahit noong nasa Europe ka?"

"Mom, please not now, i'm in a hurry dahil any moment ay baka manganak na si Hannah, nasa honeymoon pa ang best friend niya kaya kailangan niya ako ngayon!"
Sagot ni Edison habang inaayos ang pagkakatupi ng kanyang mahabang manggas na polo.

"How about her parents or the other member of her family, why it has to be you?"
Giit na tanong ni Elena na halos magdugtong na ang magaganda'ng kilay sa sobrang inis.

"Kasama nga namin si aling Miling, kaya aalis na ako. Bye mom!"
Humalik siya sa pisngi ng ina pero umilag ito.

"Hinding hindi ako papayag na pakasalan mo ang babaing yun at iuwe dito, tandaan mo yan!"

Tumawa nang mapait si Edison.
"Don't worry mom, she don't want it either and thats upsets me more, okey na sa kanya na kinikilala ko ang m-magiging anak namin, nothing else!"

"Kahit ang anak niya ay hindi ko matatanggap na apo, I'm sorry !"

"Mom?!"

"Mamimili ka, ako o si Hannah at ang bata?!"
Parang batang girlfriend na nakahalukipkip si Elena habang nakabusangot.

Tumawa nang malakas si Edison bago masuyong inakbayan ang ina.
"I can't believe it! Why do i need to choose between two beautiful woman in my life when i can have them both? One who brought me into life and the other who gave me reasons to go on living, why?"

Paismid na ngumiti si Elena, kahit saksakan siya ng sungit at mata pobre  ay hindi niya magawang magalit nang tutuo sa anak na binata.
"Bolero! Am i not enough for you to go on living? "

"Saka na natin pag usapan yan,okey? I love you mom but i really have to go, bye!"
Hindi na nagpapigil pa si Edison, dali dali na itong lumabas ng living room.

"Sige lang son, makakahanap din ako ng paraan para matigil ang kahibangan mo sa babaing yan. Sa ngayon, makontento na muna ako na hindi pa siya pumapayag na magpakasal sa yo!"

Samantala nang mga oras na yun ay kausap ng  Vinggo ang manager nila.
"It's time for you to propose Jiggo, sakyan natin ang pagiging trending ng pinsan mong look a like mo at ng kanyang pregnant fiancee!"

"Anong kinalaman ng issues nila sa career ko... Namin ni Alva ? You know exactly what's the real score between us, that we..."

Inagaw ng manager ang sasabihin sana ni Jiggo, habang tahimik lang sa pagkakaupo ang actress.
"Hindi mo ba napapansin na mahigit isang buwan na'ng halos sila ang laman ng social media at marami nang nag aabang sa paglabas ng baby  kung sino sa kanila ang mas magiging kamukha nito. Gusto niyo bang langawin ang pilot episode ng teleserye niyo dahil nasa kanila ang atensiyon ng mga netizens? "

Doon na kinabahan si Jiggo.
"Alright, fine! Kelan ako magpo-propose, paano at saan?"

Napangiti ang manager sabay kindat kay Alvina.
"Very good! Ngayon mismo pagkatapos ng production number niyo sa It's bulagaan win! Walang alam ang mga host tungkol dito at kunwari ay hindi rin alam ni Alva. It's should be a surprise, kaya galingan niyo ang pag arte, kailanga'ng pati ang mga host ay ma-convinced niyo at kiligin sila, okey?"

Tumango ang dalawa habang nananatiling magkalayo ng upuan.
"Okey, now get ready at malapit na ang turn niyo. Sit beside Alva Jiggo at baka makita kayo ng staff na tatawag sa inyo mamaya, come on! "

Di nga nagtagal ay tinawag na sila ng isang staff para sa guest performance nilang sayaw sa isang sikat na noontime show sa channel 8 na ang It's Bulagaan Win para i-promote ang malapit na'ng i-ere na bagong teleseryeng pagbibidahan nila.

Eksaktong natapos ang sayaw ay biglang lumuhod sa isang tuhod si Jiggo sa harap ng nabiglang si Alvina at saka inilabas ang kaheta'ng ibinigay sa kanya ng manager.

At habang tinatanong niya si Alvina ng famous line na 'Will you marry me? Ay namimilipit naman si Hannah sa sobrang paghilab ng tiyan.
"Push, sige push mo pa, malapit na' ng lumabas si baby, nasasalat ko na ang crown niya!"

Habang panay ang dasal ni aling Miling na lumabas nang normal ang unang apo niya at walang anumang diperensiya, kinukunan naman ni Edison ang paglabas ng baby (Hindi sa mismong pwerta, mukha lang nina dok Cyrille at ng nurse at mga excited na miron ang tinututukan niya ng camera), ay nakaabang naman ang lahat sa pag Sagot ng Yes ni Alvina.

"Push harder!"
Si dok Cyrille

"Aaaaahhhh!"
Sigaw na iri ni Hannah.

"Uha Uha Uha!"
Lumabas na si EJay.

"Congratulations, sir, maam, its a very healthy boy!"

Sa lobby ng hospital, nakatutok ang mga staff sa palabas ng Vinggo. Sa Opd nakatutok din ang mga waiting patient, pati ang sa mga nasa bahay ay thrilled sa nagaganap na Proposal.

"Yes Jiggo, of course i will marry you!"
Sagot ni Alvina.
Sigawan at palakpakan ang mga Vinggo fans sa palabas na yun.

Samantala, daig pa ni Edison ang pakiramdam ng isang tunay na ama na'ng iabot sa kanya ng doktora si EJay at idikit niya ang sanggol sa kanyang pisngi.

Isa sa mga usyusong nurse na vlogger ang mabilis na kinunan nang palihim ang moment na yun at agad na ipinost sa kanyang YouTube account.

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon