Chapter 57: Back To Calayan Island

75 8 3
                                    

Sa isang sikat at kilalang mall naghintay si Hannah habang karga ang anak. Makalipas ang mahigit isang oras ay hangos na dumating si don Pepe na agad siyang niyakap pagkakita sa kanya.
"Anong nangyari?"

"S-si Edison u-umuwe na pero may k-kasamang b-babae at... M-mag asawa na sila!"

"Poor girl, my poor girl!"
Isinubsob niya ang mukha sa dibdib ng don at impit na humagolgol.

"Wala na'ng natira sa akin, my life is a mess, just a mess!"

"Hindi tutuo yan! Narito pa ako, narito ako para sa yo, bubuuin natin ang buhay mo, ang buhay niyo ni EJay!"

"Galit sa akin si Hailey, tama naman ang kapatid ko dahil nagkamali na naman ako, bigo na naman at binigyan ko na naman sila ng kahihiyan!"

"Shh tahan na, narito na ako! Siguradong hindi ka pa kumakain niyan! Tara, kumain muna tayo."

Sa isang 24hrs open na fast food sila kumain.
"G-gusto ko pong bumalik ng Calayan!"

"Sige, pupunta tayo doon, pero magpaalam ka muna sa inyo para hindi sila mag alala uli!"

"H-huwag po muna, ayoko muna silang makausap. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila, kung paano ko sasabihin na bigo na naman ako. T-tiyak na maninisi sila at hindi ko kayang marinig yun dahil ako lang ang nasasaktan, ako lang mag isa!"

"Huwag mong sabihin yan, dahil pati kami... Lahat kami ay nasasaktan para sa yo!"
Natigilan si Hannah, kailan pa siya naging selfish nang ganito? Nasaan na ang dating Hannah? Di nga ba kaya hindi niya sinasabi ang tutuo dahil ayaw niyang masira at magdusa ang mahal niya?

"K-kahit ilang araw lang don Pepe, hayaan mong sarilinin ko muna itong nararamdaman ko bago ko isi -share sa kanila. M-maaari po bang sa isla ko ibuhos ang mga natitirang luha ko?"

"Sige iha, kung iyan ang gusto mo!"
Tumayo ang don at gumawa ng ilang tawag sa celphone niya.

"Tayo na!"
Inalalayan niya sa pagtayo si Hannah na karga ang anak.

Ilang sandali pa at nasa kahabaan na sila ng Slex patungo sa airport. Pagdating doon ay nakaabang na sa kanila ang isang lalaki at kinuha sa kamay ng don ang susi ng kotse nito.
"Ikaw na ang bahala diyan!"

"Opo don Pepe!"

Tumuloy na sila sa loob at tulad nang nakaraan, sinalubong uli sila ng isang unipormadong babae na may dalang mga tikit at iniskortan sila sa counter para kumuha ng Boarding pass.
"Thank you!"

"You're always welcome don Pepe, it's my pleasure to serve you!"

Naiisip ni Hannah kung ano pa ba ang mga hindi niya nalalaman tungkol sa matandang ito? Bakit ba sa isang pindot lang ng telepono ay nariyan na agad ang mga kailangan nito?

"Tayo na iha!"

Pagkatapos ng halos dalawang oras ay narating na nila ang Tuguegarao airport. At tulad din ng dati, sinundo sila ng van at inihatid sa pier ng Aparri. Naroon na ang boat o ang maliit na lantsa ng don, nakahanda na.

At gaya rin ng dati, ay si don Pepe ang piloto. Hindi niya maiwasan ang mamangha na sa kabila ng edad nito ay ang dami pa rin nitong nagagawa na hindi niya nakikita sa ibang mas hamak na nakababata kaysa dito.

Para namang nakaramdam ang don na pinagmamasdan siya, lumingon ito at nahuli niya ang mga mata ni Hannah. Nagsalubong ang kanilang mga ngiti.

"Halika dito!"
Sabi ng don na itinuro pa ang tabi.

Sumunod naman siya at pumuwesto sa bandang likod ng don para hindi maanggi-an ang anak.

"Gusto mo bang turuan kitang mag-steer? Madali lang itong matutunan!"

"Huwag na po, walang mapaglalapagan kay EJay, baka matalsikan siya ng tubig pag kasama ko diyan!"

"Oo nga naman. Sige next time na lang, iiwan natin siya kay Sidra at mag-island hopping tayo habang tinuturuan kitang mag-timon!"

Hindi interesado si Hannah pero 'umuo' siya bilang pagbibigay sa don na sa pangalawang pagkakataon ay muling kumalinga sa kanilang mag ina.

Pagdating nila sa Calayan, nakaramdam ng di maipaliwanag na kapayapaan si Hannah, Pakiramdam niya ay bahagi siya ng isla and she felt at home.

"Maam Hannah, baby EJay, naku buti naman at nagbalik kayo! Akina nga ang burdagol na yan at na-miss ko nang husto!"
Ngumiti si EJay ng kunin sa kanya ni Sidra at pupugin ng halik, maging ang bata ay parang at home din sa isla.

*******************
Iwan muna natin sina Hannah at EJay sa isla at balikan natin ang mansion ng mga Almazin. Nagkakagulo sila ngayon...

Nang malaman ni Elena ang nangyari, nagalit ito.

"W-where's Hannah and EJay?"
Patakbong pumanhik si Elena sa kuwarto, pero wala na ang mag ina.

"Why you didn't woke me up? Baka kung ano'ng gawin nun!"

"Mom, relax! She won't do anything, i know Hannah, she's a strong and responsible woman, besides she won't get hurt because she doesn't love me!"

"B-but you said, she cried when you told her!"

"M-maybe because she was just embarrassed, that's all!"
Alanganing sagot ni Edison

"About your marriage, why you didn't told me? Di sana'y hindi ko na siya iniuwe dito! I can't imagine what's she's going through this time? My God, what have i done?"
Paikot ikot si Elena sa gitna ng sala habang sinasapo ang noo. Nakayuko naman si Cyrille, hiyang hiya, pakiramdam niya ay nakagawa siya ng masama, bakit tila naging dahilan siya ng kasawian ng iba when in fact she just saved one soul from drowning .

"Mom, how am i suppose to tell you when it is my surprise, and i thought you will be the one to love it more than any body else?!"

"Damn with surprises, it's always been a bad idea!"
Nanggigipuspos na sabi ni Elena habang umuupo sa sofa, nanghihina siya at pakiramdam niya'y nalulusaw na ang lahat ng mga buto niya sa katawan.

"Go find her and explain everything in a nice way before that poor girl throw herself in the cliff!"

Napatitig si Edison sa ina, kakaiba ito ngayon,kailan pa ito naging concern sa iba, particularly kay Hannah? Nakadama siya ng panghihinayang, bakit ngayon lang? Posible sanang si Hannah ang asawa niya ngayon kung nung umpisa pa lang ay nagpakita na ang ina ng kabutihan sa pamilya nito, ng babaing unang minahal.

"O-okey!"
Sagot ni Edison na agad ding kumilos.

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now