Back to Island...
"Sigurado ka bang nakumbinsi mo sila?""Opo don Pepe, ginalingan ko po!"
"Sige, itapon mo na yang simcard na ginamit mo at baka magkamali ka pang sagutin pag nagreturn call sila!"
Pagkatapos makipag usap ni don Pepe ay binalingan si Hannah.
"Okey na daw, siniguro ni Poling na hindi ka nila hahanapin sa bahay niyo!""S-salamat po don Pepe, paano na lang kaya kung wala kayo? M-mula't sapol nang palayasin kami ni senyora Elena ay kayo na ang sumalo sa amin, salamat po talaga!"
"Huwag mong isipin yun iha. Masaya ako na natutulungan kita, kayo ng pamilya mo. Nakita mo naman na halos mag isa na lang ako sa buhay, nasa Australia ang panganay ko, nasa Canada ang pangalawa at puro may asawa na! Ang bunso kong dalaga, ayaw pumisan sa akin at hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan sa buhay maliban sa pagiging physician. Kaya aanhin ko pa ang mga kayamanan at lahat ng mga ari arian ko kung hindi ko itulong sa kapuwa, lalo na sa inyo? "
Pakiramdam ni Hannah ay inaakit o sinisilaw siya ng don.
"Para po sa mga anak at apo niyo ang mga ari arian at kayamanan niyo don Pepe!""Hindi nila kailangan, sobra sobra na sa kanila ang mga nasa kanila bukod sa malalaking sahod ay kumikita rin ang kanilang mga negosyo. Ang bunso ko, ay naiwanan din ng malaking kabuhayan ng kanyang ina sa España."
"Bakit niyo po yan sinasabi sa akin don Pepe?"
"W-wala iha, n-naikukuwento ko lang. Bueno magpahinga ka na at bukas ay mag i-sland hopping tayo at tuturuan kitang mag-steer ng boat!"
Kinabukasan nga ay maagang gumayak sina Hannah at don Pepe para maglayag. Iiwan niya muna si EJay kay aling Sidra.
"Baby, dito ka muna ha? Magtatanggal lang ng stress ang mommy mo. Alam mo'y mainam na pantanggal ng stress ang dagat lalo na ang boating. Ganito ang ginagawa ko mula pa noong kabataan ko kapag na over load na ako sa mga stress at problema. Isuot mo ito iha! "
"Ganun po ba?"
Kulang sa interes na Sagot ni Hannah habang tinatanggap ang life jacket."Bakit kailangan po tayong gumamit nito, nag aalala po ba kayo na tumaob tayo sa dagat? Wala po ba kayong tiwala sa sarili niyo?"
Naisipan niyang ibiro sa don habang nagsusuot ng Life jacket ."Hindi naman sa pagyayabang but im good of taking the boat on the water and good in getting it back, kaya huwag kang mag alala."
Ipinakita din sa kanya ang chart o mapa ng Babuyan island. Pagkatapos ay itinuro sa kanya kung paano ito paandarin. Nang umandar saka pa lang tinanggal ni mang Berting ang anchor.
"Mag iingat po kayo don Pepe, maam!""Salamat Berting. O Sidra, ikaw na muna ang bahala kay baby ha?"
"Opo don Pepe!"
Itinuro din ng don sa kanya ang mga terms na ginagamit usually ng mga boaters kahit hindi naman siya intersado.
"Ganito ang paghawak sa steering wheel, halika! Para ka lang nagda-drive ng car. Yun nga lang paharap ang kotse at patalikod naman ang boat!"
Sinubukan nga ni Hannah, at nang tumatakbo na ang boat ay gumaan ang dibdib niya lalo na nang salubungin ang mukha niya ng hangin. Naimagine niya sina Rose at Jack ng Titanic kaya pumikit siya at napa-tingala. Nasa ganun siyang ayos nang maramdaman niya ang pagpatong ng mga kamay ni don Pepe sa mga kamay niya at ang pagsayad ng dibdib nito sa likod niya. Dahil sa gulat ay bigla siyang napalingon at muntik na namang maglapat ang kanilang mga labi.
"D-don Pepe?!""Mahalin mo ako Hannah at ibibigay ko sa iyo ang lahat nang mga ari arian ko, giginhawa na ang mga magulang at kapatid mo,pati ang anak mo!"
"D-don Pepe, huwag niyo naman akong biglain! Hayaan niyo naman munang maipagluksa ko ang kamatayan ng pag ibig at ng pag asa ko bago niyo subukang buhayin ito!"
Sinubukan niyang umalis pero niyakap siya ng don mula sa likod."Iyon mismo ang ayaw kong mangyari, ang tuluyan nang mamatay ang pag ibig at pag asa diyan sa puso mo!"
Sagot ng matanda na lalo pang hinigpitan ang yakap sa kanya at Idinikit sa pisngi niya ang pisngi nito."Di ba ang sabi mo noon, kung wala lang si Edison ay mamahalin mo ako? Ayan na iha, wala na si Edison, nagawa na niyang magmahal ng iba. Ako na lang ang narito sa tabi mo at ipinapangako ko na hindi kita pababayaan sampu ng pamilya mo!"
Unti unting sumulak ang dugo sa ulo ni Hannah. Ito ba ang taong itinuturing niya knight of a shining armor niya? Ang maginoo at Pilantropong don na tumutulong ng walang kapalit? Bakit parang nagti-take advantage na yata?
Ang ginawa niya ay bigla siyang umupo at saka pagapang na lumayo papunta sa gilid ng boat.
"Don Pepe, nirerespeto at pinagkakatiwalaan ko po kayo. At hindi ko po kinakalimutan ang lahat ng mga kabutihang nagawa niyo sa aming mag anak, pero huwag niyo naman po akong pilitin na sarili ko ang ibayad sa lahat nang yun!""Hannah mahal kita, hindi ko iniisip na pagbayarin kita ng katawan mo. Nanghihingi ako ng pagmamahal at hindi naniningil!"
"Don Pepe, ang pag ibig ay hindi hinihingi, kusa itong nararamdaman. Mulang pagkabata ay puro kabutihan ang ipinakita at ipinaramdam sa akin ni Edison, nagsakripisyo, pero ni minsan hindi siya nangahas na hawakan ni dulo ng daliri ko. Kung gusto mong mahalin kita, respetuhin niyo ako. Oo, disgrasyada ako, pero iyon ay dahil nagmahal ako ng maling tao!"
"P-patawarin mo ako iha, natangay lang ako sa ganda ng paligid. Nagpantasiyang magiging romantiko ang paglalayag nating ito, pangako, hindi na mauulit!"
Pero hindi na sumagot si Hannah, pinipigilan niyang umiyak pero pilit pa ring kumakawala ang kanyang mga luha.
"B-bumalik na po tayo don Pepe, baka hinahanap na ako ng anak ko!"Nasapo ng don ang dibdib pero saglit lang. Tahimik itong nag timon hanggang sa makabalik sila sa daungan. Naroon na rin si mang Berting at naghihintay.
"T-tayo na Berting, bilisan mo!"
BINABASA MO ANG
Tatanawin Ko Na Lang Ang Langit
RomanceThis is a fictional story, all the subjects, names of characters, times and events are all from the mind of the author for entertainment purposes only. Mula pagkabata ay crush na ni Hannah ang apo at isa sa mga tagapagmana ng hasyenda'ng pinagtatra...