Chapter 56: The Painful Surprise

71 9 9
                                    

Tuloy ang kuwentuhan ng apat sa sasakyan. Maya maya ay tumunog ang notification ng celphone ni Barbie. Ipinakita niya agad kay Hannah ang ifinorward sa kanya na pictures ng officemate nila.

"Ang bilis naman!"
Sabi niya na inakala ni Fernan na yung speed ng pagda-drive niya ang tinutukoy nito.

"Are you scared?"

"Ah, h-hindi po tito. Yung mga post po ng ibang diners sa resto ang tinutukoy ko!"
Aba, nawala ang stammering, congrats Hannah!

"Ano yun Babe?"
Tanong ni Garry kay Barbie kaya Ipinasa niya ito sa asawa.

"Okey lang ba sa inyo ito sir? They post our photos without  our concent!"
Ipinakita ni Garry kay Fernan ang mga kuha nila.

Nakalagay sa caption na mabuti pa daw si Hannah at close sa future father in law ni Alvina at sa ibang caption ay 'The coolest father in law'.

"It's cute, it's okey. I'm used to that!"
Sagot ni Fernan sabay shrug.

Maya maya may pumasok uli sa kanya na post ng isang die hard fan ni Alvina. Mga pictures ng Vinggo nung I-announced ni Jiggo sa weekly show nila ang napipintong Pamanhikan ng mga Almazin pagbalik ni Nancy mula Egypt.

"Selosa talaga ng mga Vinggoans, grabe!"
Bulalas ni Barbie nang mabasa ang caption na; 'Sa yo na ang Father basta nakay Alvina ang son'.

Humalakhak nang malakas si Fernan nang basahin ito ni Barbie audibly, habang nanliliit sa hiya si Hannah.

               ************

Eksaktong two weeks nina Hannah at EJay sa mansion nang dumating si Edison nang madaling araw habang tulog pa ang lahat. Walang nakakaalam dahil nag taxi siya mula airport hanggang San Pablo. Ang balak niya ay surpresahin ang mga tao sa mansion kapag nagising ang mga ito na naroon na siya at... May kasama.

Pero ito ang na-surpresa sa mga dinatnang nakahiga sa kama niya. Alam niyang may inihanda ang mommy niya, pero napakalayo sa hinagap niya na ang babaing dahilan ng pagluha at paglayo niya ang tinutukoy nito.

Naalimpungatan si Hannah at siya ang unang unang na sorpresa sa sorpresang dala ni Edison.
"D-doktora?!"

"H-hello Hannah!"
Nahihiya ngunit nakangiting sagot nito sa pupungas pungas na babae.

Dahil bagong gising, hindi agad nag accumulate sa utak ni Hannah ang mga nagaganap at hindi pa nag re-register dito ang dahilan kung bakit naroroon ang doktora at kasama ni Edison.

"S-sinundo mo siya dahil kay EJay? O-okey si baby, normal siya."
Pero agad ding nagtakip ng bibig nang unti unting lumilinaw ang utak niya.

"H-hindi! H-huwag mong sabihing..."
Hindi niya maintindihan kung bakit parang mawawarat sa sakit ang dibdib niya at parang puputok ang ulo niya sa sakit. Nangilid ang mga luha niya, nangatal ang mga labi at nanlamig ang buong katawan, para siyang hihimatayin.

"I'm sorry Hannah, i and Cyrille are already husband and wife. We got married in Valencia two weeks ago!"
Hindi rin maintindihan ni Edison kung bakit siya humihingi ng tawad at nagpa-paliwanag sa babaing paulit ulit na nag-reject sa kanya sa kabila nang pagiging dalagang ina nito. Feeling niya ay Nakagawa siya ng napakalaking kasalanan dito.

Hindi na sumagot si Hannah, isinubsob niya ang mukha sa ibabaw ng mga tuhod at tahimik na tumangis. Naramdaman niya ang marahang mga yabag na papalabas ng kuwarto at ang muling paglapat ng pinto.

Nang mag angat ng mukha si Hannah ay wala na ang dalawa. Tiningnan niya si EJay na mabimbing na natutulog. Kinausap niya ito.
"Wala na'ng natira sa atin anak. Bakit ganun? Kung kelan parang mahal ko na siya at tanggap na ako ng buong angkan niya at wala nang problema, saka naman siya nagmahal ng iba? A-ang sakit pala anak, mas masakit pa yata kaysa sa natanggap ko mula sa daddy mo. K-kasi umasa ako eh, umasa ako na hindi niya kayang m-magmahal ng iba! "

Nang humupa ang damdamin niya ay tumayo siya at sinimulang sinupin ang mga gamit nila ng anak.

Nang mailigpit na niya ang lahat at maisilid sa lalagyan ay nagpalit siya ng damit at binihisan din ang anak. Sumilip siya sa bintana, medyo madilim pa rin.

Binuhat niya ang anak at dahan dahang lumabas ng kuwarto.
"Huwag kang maingay ha?"
Bulong niya dito.

Nagpasalamat siya nang walang tao sa pasilyo at sa malaking sala na unang madadaanan pagbaba sa grand stair kaya tuloy tuloy silang nakalabas ng mansion.  Bukas din ang malaking gate dahil nakagayak ang isa sa mga sasakyan o dahil may bagong dating.

Lakad takbo ang ginawa niya at nagmumuntik muntikan pa siyang madapa dahil sa mga damo at bato sa kalsada.

Sa wakas ay narating din niya ang highway at sakto rin na may dumaang jeep na kakaunti lang ang laman. Pilit niyang ikinukubli ang mukha dahil baka may makakilala sa kanya bukod pa sa namamagang mga mata.

Nang makarating siya sa bayan, hindi siya makapagdisisyon kung saan sila pupunta ni EJay. Kung uuwe sila, magwawala na naman si Hailey dahil panibagong eskandalo na naman ang iuuwe niya at sasabihin nito na tama siya.

Si Barbie kaya? Pero ano ang maitutulong nito sa kanya maliban sa damayan siya sa pag iyak? Paalis na ang asawa nito ay iistorbohin pa ba niya?

"Lord anong gagawin ko, bakit ba ganito ang kapalaran ko? Napakalaking kasalanan ba ang nagawa ko na mahalin ang isang Jiggo Almazin para paulit ulit kong pagbayaran?"
Naisip niyang kung wala lang ngayon sa kanya si EJay ay baka nagpasagasa na siya o di kayay tumalon sa bangin. Hindi pwedeng madamay ang anak niya, wala itong kasalanan para madamay kaya kailangang magpakatatag siya. Kung humanap na lang kaya siya ng matinong tao sa bayan at ipaampon niya doon ang baby niya at saka siya magbigti? Kaya lang paano kung mukhang matino lang tapos hindi naman pala?

Hanggang sa muling pumasok sa isip niya ang Calayan at si don Pepe. Nanginginig ang kamay na dinukot sa bag ang celphone at inumpisahan niyang mag-dial.

"Hello?!"

"D-don Pepe!"
Hindi na niya napigilan ang mapaiyak.

"Hannah, bakit ka umiiyak? Nasaan ka,sabihin mo kung saan at pupuntahan kita!"
Bakas ang labis na pag aalala sa boses ng don.

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now